[A/n: Magandang gabi mga people..Nakapagupdate din sa wakas hehe.]
Gigi's POV
"Haha iba talaga 'pag red days mo na.", napatawa nalang ng mahina si Yuri sa sinabi ko.
"Excuse me ma'am may kailangan pa po ba kayo?", tanong ng sales lady kay Yuri. Nagtataka ako kung bakit siya nandito kasi hindi naman mukhang shoplifters itong mga kaibigan ko.
"Ahh salamat pala. Okay na kami.", sagot ni Yuri at may kinuhang susi sa pintuan atsaka ibinigay sa sales lady at nagbow naman ito. Ano bang nangyari kanina ng wala ako? Nang makaalis na yung babae tinanong ko kaagad si Yuri kung bakit may susi yung isa sa mga fitting room. Hindi naman ako na dismaya kasi ikinuwento naman agad niya ang nangyari kanina.
Maya't-maya bigla nalang bumukas yung pinto sa likod namin at iniluwa doon ang isa ko pang kaibigan, si Lyn. Nakatayo ito sa may pintuan at medyo hindi namin makita sa loob si Sophia kundi ang maitim at maikling buhok sa likod ng ulo niya lang ang nadudungaw namin.
"Bwahaha.. I represent to you my 3D masterpiece. Our soon to glow in the crowd, Sophia Nicolai T. Edmonds", atsaka siya umalis sa harapan na may tagumpay na ngiti sa labi nito at tumabi sa kanang bahagi ni Yuri.
Dinig ko ang pag gasped sa paligid at kani-kanilang komentaryo sa kaibigan namin na ngayo'y nahihiyang nakatayo at suot-suot na backless at maiksi na black dress may pattern naman itong mga maliliit na bulaklak I think cherry blossom yun. Nakamake-up din ito pero mild lang atsaka bagay sakanya, tinanggal din ang eyeglass nito at pinalit ang contact lense na kulay asul.
"Wow...hindi ko inakala na may itinatago palang mala diyosang kagandahan diyan sa likod ng salamin mo Sophia.", pagsisimula ko at mas lalong naging visible ang pagkapula ng mukha ni Sophia sa sinabi ko.
"Ahh--eh", magsisimula sana siyang magsalita ng biglang hinawakan ni Yuri ang dalawang kamay ni Sophia at kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Yuri.
"Gyah ang ganda.", napangiti si Sophia sa sinabi ni Yuri na animo'y sila lang dalawa. Hmm..there's something fishy.
"T-thank y-you.", sabay na sabi ni Sophia kay Yuri sa mga mata nito.
"Hmm mm", tumango lang ng dalawang beses si Yuri at magkahawak parin sila ng kamay. Muntik ng mahulog ang ice cream ko kaya inubos ko na.
"Oh tara girls, sa pagkain naman tayo kasi kanina pa kumakalam ang tiyan ko.", bulyaw ni Lyn sa atmosphere ng dalawa. Parang ako lang yata ang nakakahalata dito.
"Always naman eh", biglang salita nung nasa sofa.
"Anong sabi mo!?", pabalik na tanong ni Lyn kay Kelly. Eto nanaman sila.
"tsk bingi", sagot naman nung isa na hanggang ngayon nakatuon parin sa laro nito sa cellphone niya.
"Nakakadami ka na Kelly ahh. Kahit na President ka ng SSG sa school natin at kaibigan kita. Hinding-hindi kita palalagpasin.", pasigaw na salita ni Lyn at pinatunog ang mga knuckles nito sa kamay.
"'Wag ako Lyn" mahinahong sabi naman ni Kelly sa kanya. Tumayo ito at inilagay ang cellphone nito sa kanang bulsa habang tinitingnan naman niya ng pamatay niyang look which is tumigil-ka-bansot. Pero hindi naman bansot si Lyn pati din kami, yes, dahil 5'5" ako at achievement na yun para sa akin. Talagang mas matangkad lang talaga si Kelly sa akin ng 3 inches at pwedeng pwede isabak sa volleyball, basketball at iba pa dahil mukhang wala namang weakness tong higante na'to kasi lahat ata ng sports alam niya kahit pa martial arts.
BINABASA MO ANG
I married a Vampire (GxG)(SPG)
VampirePaano kung paggising mo nalaman mo nalang na may asawa ka at higit sa lahat ang pinaka ayaw mong taong gustong makasama.