Kabanata 5

44 2 0
                                    

#Paolo Bustamante

Maaga akong gumising dahil Lunes ngayon. First day ng pasukan. Naligo ako at kumain ng almusal. Saktong 6:30 ako natapos kaya agad na akong lumabas ng kwarto ko. Nagulat ako nang makita ko ang sasakyan ni Joann sa labas ng boarding house ko. Hindi ko na pala kailangan maglakad dahil sinundo na ako ng mabait kong kaibigan. Sumakay na kami ng sasakyan niya . Nagtaka ako kong bakit lumiko kami. Ibig sabihin hindi sa school ang punta namin. Magtatanong na sana ako pero na unahan na akong magsalita ni Joann.

"Calm down. Papasok ta'yo. Samahan mo lang muna akong kumain ng breakfast. It's too early pa para pumunta ng University. Isa pa, first day ngayon.. hindi pa maguumpisa ang klase." dretso niyang sabi. Sabagay, tama naman ang sinabi niya. Maaga lang naman ako kasi nakasanayan ko na.

Nandito kami ngayon sa bahay nina Joann. Pagdating namin nakahanda na ang breakfast. Syempre mayaman sila at nag-iisang anak ng mga Sandoval. Lagi naman siyang ganito. Sinusundo ako para samahan siyang magbreakfast dahil laging wala ang kanyang Daddy at Mommy.. Rich Kid Problems.

Nag umpisa na siyang kumain habang ako naman ay uminom nalang ng kape dahil tapos na naman akong mag-almusal kanina.

"So Val, saan ka nag punta kahapon? Hindi mo pa nakukwento." Oo, hindi ko pa nasasabi ang nangyari kahapon dahil siya ang nag kwento tungkol sa lakad nila ng lalaking nakita niya sa watsons.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin sa bookstore at ang pagpunta namin sa starbucks.

"Alam mo, mas lalo ko tuloy gustong makilala ang Jaypee na 'yon. Well sa mga sinabi mo, I must say he is a nice guy."

"Nice? Pwede na rin. Weird nga kasi nung paalis na ako sabi niya see you tomorrow." Weird talaga ang isang 'yon. Ano kayang ibig sabihin niya ng sinabi niya.

"Hahaha! Talaga? Wow! Baka stalker mo na siya Val. That's good. Para magka lovelife ka naman." pang-aasar ni Joann.

"Ewan ko sa'yo. Halika na nga. 7am na. Ayaw kung malate." Ayaw ko talagang malate lalo na first day.

Nandito na kami sa University. Naghiwalay na rin kami ni Joann dahil hindi naman siya BSBA. Ang dami talagang tao ngayon. Tama nga ang sinabi ni Joann, walang klase ngayon dahil marami pa ang nag paplot para sa subjects nila. Haaay. Sinasadya talaga ng mga estudyante na magpaenroll sa first day ng pasukan para walang klase. Galing nila!

Dahilan sa wala naming klase ay nag pasya akong tumambay sa library. Hindi ko schedule sa pagbabatay dito sa library dahil mamayang hapon pa ako. Maraming tao ngayon sa library. Siguradong tulad ko ay wala rin silang magawa dahil wala pa talagang formal class sa araw na ito.

Naisipan kong magbasa na lamang ng pocket book dahil wala akong magawa. Makalipas ang ilang minute ay mayroong lumapit sa akin na siyang ikinagulat ko. Anong ginagawa niya dito?

"Can I join you Val?" nakangiting sabi niya sa akin. Hindi paman ako nakakasagot ay umupo na siya sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I told you yesterday right? Sinabi ko sa'yo na magkikita tayo ngayon. So, here I am."

"So ibig sabihin kaya ka nandito para makipagkita sa akin?" Aba! Ibang klase talaga ang JP na 'to.

"Yes and No." Ang gulo niyang sumagot.

"Anong yes and no?" tanong ko sa kanya.

"Yes because I came here to see you and no because hindi lang ako pumunta dito para makipagkita sa'yo. I'm a student here." sabi niya sabay pakita ng kanyang school I.D nakinuha niya mula sa kanyang bag. Kukunin ko sana para mas makita sa malapitan ngunit agad niya itong binalik sa kanyang bag.

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon