Kabanata 11

47 2 3
                                    

#Make you mine

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Kanina pa ako hindi makatulog. Tingnan ko ang orasan na nakasabit sa wall, 4:30 na ngunit hindi pa rin ako natutulog. Mukhang hindi rin naman ako makakatulog.

Nasa loob ako ng kwarto ni JP. Nakaupo sa kama niya. Paano naman ako makatutulog kung yong utak ko lumilipad pa.

Puti ang kabuuang kulay ng kanyang kwarto. Maging ang kanyang bedsheet ay kulay puti rin.

Humiga ulit ako. I need to sleep! Kailangan kung matulog dahil ba ka mabaliw ako. Damn! Ang hirap matulog dahil alam ko na nasa labas lang si JP. He offered his room. Isa lang ang kwarto kaya sa sala nalang siya. Malaki ang kama ngunit hindi ko magawang sabihin na tabi nalang ka. I can't say that. I really can't.

Lumipas ang ilang minuto ngunit lutang pa rin ako. Pumunta ako ng banyo para maghilamos. Ang hirap nito. Kung anu-anong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako na kasama ko siya. I'm happy na sinabi niyang he likes me..pero natatakot ako. Ayaw kung umasa pero alam ko na nagsisimula na akomg mahulog sa kanya.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I need to change. Bumuntong hininga ako at dinampot ang mga dapit na iniwan ni JPpara makapagpalit ako. Hindi ko tinanggap kaya iniwan niya. Damit niya ang ipanahiram niya sa akin. Kahit minsan hindi ko pa naranasan na magsuot ng damit ng lalaki.. Pero I guess wala akong choice ngayon.

Nagpalit ako ng damit. Suot ko ang kanyang puting round neck shirt at boxers. Huminga ako ng malalim at agad lumabas. I'm thirsty.

"Ba't gising ka pa?" Tanong ni JP na ngayon ay nakatayo sa harap ko.

"Ahhmm. Nauuhaw kasi ako." Tumango lang siya at nag lakad palapit sa Ref. Lumapit na rin ako.

"Ikaw, ba't gising ka pa?" Balik kung tanong. Ininom ko ang tubig at hinintay ang kanyang sagot.

"I ca't sleep." He said. Na guilty tuloy ako. Syempre, sino ba naman ang makakatulog ng maayos kung sa sofa ka hihiga.

"I'm sorry. Sa kwarto ka na ulit. Hindi na rin naman ako inaantok." Sabi ko habang pinagmamasdan ang kanyang kamay na ngayon ay may hawak na apple.

"No. Hindi ako makatulog hindi dahil sa nasa sofa ako. I'm fine. You can stay in my room." Sabi niya at kinagatan ang hawak nitong apple. Ang sexy niyang tingnan habang ginagawa iyon. Kahit simpleng galaw niya lang, nakakatuwa siyang pag masdan.

"Thank You." I said.

"For what?" Tanong niya sa akin. Nakatingin siya sa akin ngunit sandali lang iyon dahil agad niya ring binalik ang tingin sa kinakain niya.

"Thank you sa pag aasikaso mo sa akin kahit hindi na naman kailangan. Baka nakakaisturbo na ako sa'yo." Wika ko. Why can't he look at me? May dumi ako sa mukha? Pero tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Oh my, baka dahil sa suot ko? Baka nga!

"Hindi ka isturbo, Valerie. Ba't mo yan naisip?" Aniya. Kung ganun ba't ka ganyan? Ba't parang hindi na okay sa'yo na nandito ako.

"K-kasi parang nag-iba na. Kanina you told me that you like me. You said gusto mo akong makasama. Pero ngayon... ngayon parang ayaw mo nandito ako. Hindi mo ako magawang tingnan." Sabi ko at agad yumuko. Pinagsisihan ko na sinabi ko yon dahil biglang nag lakad si JP palapit sa akin.

"No. Mali ang iniisip mo. Hindi ganyan." Aniya at ibinaba ang apple sa sink. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Hindi ko kaya. Natatakot ako.

"I can stare at you all night long..kahit buong araw pa." Hindi ako nagsalita. Mananahimik ako. Ayaw ko ng buksan ang bibig ko dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

Napitlag ako ng mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking baba. Biglang bilis ang tibok ng puso ko. Shit!

"Hindi kita magawang tingnan dahil nahihirapan ako.." Aniya. Pumikit siya at huminga ng malalim. Pinagmasdan ko lang siya. "You look so... beautiful.. You look even more beautiful sa suot mo. And believe me, nahihirapan akong ikamla ang sarili ko.."

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ang puso ko ay parang lalabas na. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Naiilang na ako. "It's hard to control myself when you're wearing my shirt. Damn!"

Ilang sandali lang at naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. What? Is this really happening! Namilog ang mata ko sa gulat! Hindi siya gumalaw at agad rin naman niyang inilayo ang mukha niya sa akin. Tiningnan niya ako ng seryoso sa mata. "There's no turning back. I'll court you, Valerie. I will make you mine."

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon