Kabanata 17

9 1 0
                                    

#kaya naman pala

"Aba! Manliligaw ka pala ng pamangkin ko. Kay gwapong bata." Sabi ng tita Bing, kapatid ni mama.

"Oho. Nandito po ako para pormal na magpaalam po sa inyo." Aniya at bumaling kay Mama.

Tiningnan ko si Mama na tumango lang sa sinabi ni JP. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at bakit agad niyang sinabi ang tungkol sa pangliligaw.

"Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay at para makakain kayo ng meryenda. Alam kong pagod kayo sa biyahe." Sabi ni mama.

Agad naman kaming pumasok sa loob at nakita ko na maraming kakanin ang naka handa sa lamesa.

"Ma, ang dami naman po nito."

"Ayos lang 'yan anak. Alam kong mga paborito mong lahat 'yan kaya naghanda ako."

Tiningnan ko ang nasa mesa. Oo nga, mga paborito ko lahat. Napangiti ako ng makita ko ang pinaka masarap sa lahat, ang biko.

"Sige na, umupo na kayo at kumain." Ani Tita Bing.

"Kumain lang kayo. Pupunta muna kami sa palengke."

Umalis si mama kasama si tita Bing. Ako nalang at si JP ang naiwan dahil meron ding ginagawa ang iba.

"Mahilig ka pala sa kakanin." He said. Tumango ako at nilagyan ng biko ang plato niya.

"Hindi ko alam kung kumakain ka ng mga 'to pero magaling magluto si mama kaya magugustuhan mo itong biko."

Ngumiti lang siya habang nakatingin sa akin na naglalagay ng pagkain. Bigla tuloy akong naasiwa dahil ang lapit ko sa kanya.

"Sige na. Try it." I said. Agad naman siyang sumubo.

"Hmmmm."

Pinagmasdan ko lang siya at hinihintay kung ano ang masasabi niya sa biko.

"It's good.." Aniya at sumubong muli. "Masarap itong biko." Nag thumbs up pa siya. Ngumiti naman ako. Kahit paano pala ay kaya niyang kumain ng mga simpleng pagkain.

Matapos naming kumain ay umupo kami sa sala. Kahit na ayaw ko siyang nandito dahil nahihiya ako. Hindi naman gaanong maliit ang sala namin pero kompara sa bahay nila ay talagang nakakahiya ito.

"You don't have to worry about me. Ako ang nag presentang sasamahan ka rito. I'm fine. Just enjoy your stay here." Aniya.

"Hindi naman ako nag wo-worry.." Pagsisinungaling ko.

"Hindi ba talaga?" Sabi niya at ngumisi pa.

"Fine. Hindi kasi talaga ako komportable na nandito ko. I mean, nahihiya ako sa bahay namin. Alam ko 'di ka sanay sa ganitong lugar. Ang laki kaya ng bahay ninyo." I honestly said.

"I'm fine, Val. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na nandito ako sa inyo ngayon. Trust me. I'm fine."

Habang hinihintay namin sila Mama ay busy naman si JP sa pagtingin ng mga albums na nandito sa sala. Bakit ba kasi nandito 'to? Ayaw ko sanang makita niya pero sobrang mapilit. Tuwang-tuwa siya sa mga pictures ko nung bata pa ako.

"Pwede ba, huwag ka ngang tawa ng tawa jan." Naiinis ako pero natutuwa rin. I can't help it. Ang cute niya habang nakangiti dahil sa pictures ko.

"You're so cute here.." Aniya sabay turo ng isang picture. Lumaki naman ang mata ko ng makita kung ano iyon. It's a picture of me smiling. Ang masaklap? Wala akong ngipin sa harapan!

"Ano ba 'yan?! Akin na nga 'tong album. Di na ako natutuwa sa'yo ha." Pinipilit kong agawin ngunit malakas talaga ang isang ito.

"Wait! Di pa ako tapos tumingin eh."

"Pag 'di mo ibinigay sa akin 'di kita kakausapin. Akala mo ha. May atraso ka pa sa akin dahil sa sinabi mo kay mama kanina." Wala akong choice. Kailangan kong mag drama dahil nakakahiya na ang mga pictures ko.

"Grabe naman. Okay. Ito na oh." Sabi niya at agad ko namang kinuha ang album. Napangiti naman ako. Natakot ba siya na hindi ko siya kakausapin?

Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at hinarap ako.

"Are you mad? Galit ka ba dahil nag pakilala akong manliligaw mo? I'm sorry, Val. Gusto ko kasing pormal na magpakilala sa pamilya mo. I think 'yun ang tama. I'm sorry kung inunahan kita."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Di naman ako galit. Na appreciate ko nga ang ginawa niya.

"Hindi naman ako galit. Nagbibiro lang ako. Don't worry." I said.

Huminga naman siya ng malalim at ngumiti. "Good. Ayaw ko kasi 'yung galit ka sakin."

Dumating naman sina mama at agad nag luto ng hapunan. Matapos naming kumain at tinulungan ko si Tita Bing sa pagliligpit habang si mama naman ay kinakausap si JP.

"Tita, ano po kayang sasabihin ni mama?"

"Syempre tatanungin ng mama mo kung sino siya.. Sana siya nakatira.. Sinong mga magulang.. Ganun. Kikilalanin niya kasi nga manliligaw mo."

Hindi ako mapakali sa paghuhugas ng pinggan dahil kinakabahan ako.

"Relax ka lang. Ano ka bang bata ka. Hindi naman nangangagat ang mama mo." Pagbibiro ni tita.

Matapos kong maghugas ay sakto naman pagpasok nila mama. Tapos na yatang mag-usap.

Nasa likod ni mama si JP na bahagya akong nginitian. Was it bad? 'Yung pag-uusap nila?

"Val, ihanda mo na 'yung kwarto mo at nang makapagpahinga na kayo. Si JP ang matutulog sa kwarto mo. Doon ka sa akin tumabi." Dretsong sabi ni mama at agad pumasok sa kwarto niya.

Nang pumasok na si mama ay hinila ko naman si JP papasok sa kwarto ko. Di bale na kung 'di pa malinis. Kailangan ko siya makausap.

"What happened?"

"Anong 'what happened?' ang ibig mong sabihin?"

"Ano ba? Anong pinag-usapan niyo ni mama?"

"Ikaw. Nagtanong siya tungkol sa akin. Background ko. Tinanong niya rin kong nanliligaw ba ako sa'yo. I said yes."

"Pagkatapos?" Di ko talaga mapigilan ang pagtatanong. First time itong mangyari eh.

"She said she's okay sa panliligaw ko. Sinabi lang niya na gusto niyang makatapos ka ng pag-aaral." Aniya. Naglakad siya sa loob ng maliit kong kwarto. Iginala niya ang kanyang tingin sa mga gamit.

"Grabe naman si mama. Para namang di ako makakatapos kung may manliligaw?" I said.

Tumingin siya sa akin at ngumisi.. "Well, sinabi ko kasi sa kanya na kung sasagutin mo ako, kung magiging tayo ay handa akong pakasalan ka agad.. Kaya niya siguro nasabi na dapat makatapos na ng pag-aaral."

Napasinghap ako. Pakasalan? What the?! Kaya naman pala! Talagang sasabihin 'yun ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon