Kabanata 8

37 2 0
                                    

#Hindi kita iiwan

Maaga akong nagising kahit na napuyat ako kagabi. Matapos kasi naming mag-usap ay hinatid niya ako sa aking tinutuluyang boarding house. Hindi na ako kumain ng ng dinner kahit na konti lang ang kinain ko dahil magkasama kami. Agad akong humiga sa kama at pinag-isapang mabuti kong ano ang dapat kong gawin. Hindi ako makatulog. Dapat ko ba siyang ituring na kaibigan? Ayos lang ba na tratuhin ko siya kagaya ng trato ko sa kanya bago ko pa nalaman na siya ang anak ni Governor? Nakatulog na lamang ako sa kakaisip.

Alas 6 ng umaga pa lamang sa aking relo. Gustohin ko man na humilata sa aking kama buong araw ay hindi maari. Kailangan kong bumangon dahil ikalawang araw na ngayon ng pasukan at sigurado akong mag-uumpisa ng magturo ang mga guro sa klase.

Bumangon ako at agad ako nakaramdam ng pagkahilo. Pagtayo ko ay dama ko rin ang sakit ng aking puson. Tiningnan ko ang kalendaryo na nakasabit sa dingding.. araw na pala ng aking monthly period! Kay hirap maging isang babae! Sumasakit ang puson.. tapos lolokohin pa!

Nang nakarating ako sa Universtiy ay agad akong nagtungo sa aking unang klase. Nagpapasalamat ako na hindi pa ako late kahit na ang bagal kong maglakad. Ito ang isa sa maraming dahilan kong bakit naiinis ako tuwing dinadatnan ako buwan-buwan.

Umupo ako sa aking upuan. Marami na rin ang mga kaklase ko na nandito sa loob. Busy ang karamihan sa pakikipagchikahan, pagpapaganda at sa kanilang cellphone dahilan kong bakit maingay ang buong classroom.

Mas lalong sumakit ang puson ko kaya napayuko ako sa mesa ng aking upuan. Kong maari lang sana ay hindi na talaga ako papasok ngunit alam kong hindi pwede. Scholar ako at mayroon akong maraming obligasyon.

Lumipas ang ilang minuto at napansin kong naging tahimik ang buong klase. Inisip kong nandyan na ang professor namin kaya nag-angat ako ng ulo. Namilog ang mata ko ng makita ko kong sino ang dahilan ng pagtamihik ng aking mga kaklase. Nakatayo siya sa labas ng aming classroom. Anong ginagawa niya sa classroom namin?!

Naglakad siya papasok. Nagbulong-bulungan ang aking mga kaklase. Ang ilan ay hindi nakapagpigil, tinawag siya ng mga ito ngunit hindi niya ito pinansin.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko lalo na ng napansin kong naglalakad siya papalapit sa akin. Kinakabahan ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako naaapektuhan dahil lang sa isang lalaki. Hindi rin ako nagsasabing gwapo ang isang lalaki dahil mataas nga raw ang standards ko. Hindi ako dapat ganito. Hindi. Bakit ako ganito ka apektado sa kanya?

"Anong ginagawa mo rito." Tanong ko sa kanya ng nakatayo na siya sa harap ko.

"Dito ang first subject ko." Sagot niya sa akin at agad na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ano? Ibig sabihin nito ay kaklase ko siya? Hindi ko ata gusto ang nangyayari.

"Ahhh." Wala akong maisip na sagot. Nalala ko ang naging pag-uusap namin sa starbucks. Nasabi niya sa akin na Bussiness Administration Student rin pala siya.

Hindi na ako nagtangkang magsalita pa. Hindi ako makapag-isip ng maayos lalo na't nakatingin lang sa amin ang aking mga kaklase. Ito ang ayaw ko eh. Ayaw kong napapansin ako ng mga tao. Ang awkward ng nangyayari. Katabi ko si JP!

Mabuti na lang at dumating na si Mr. Pelonio. Siya ang prof namin sa Law 1. Inutusan niya kaming ipasa ang aming classcard na kulay blue. Iisa niya itong binasa at agad namang nagtaas ng kamay ang kanyang tinawag.

"Mr. Bustamante.." basa niya sa hawak niyang classcard.. Nilingon ko si JP at nakita kong nagtaas siya ng kamay. Bakit ang cool niya kahit nagtataas lamang ng kamay? Wait, bakit ko iniisip na cool siya?

Ngumiti si Mr. Pelonio kay JP. "Andito ka pala sa aking klase. Ang akala ko ay nasa klase ka ni Ms. Teves. Sinabi niya kasi sa faculty room na nasa klase ka niya naka lista."

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon