Kabanata 10

35 2 0
                                    

#I want to be with you

Na istatwa ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Hinila niya ako palabas ng Club. Medyo maingay na rin sa loob dahil lumalalim na ang gabi.

Naiilang ako dahil hawak pa rin niya ang kamay ko. Huminto kami sa harap ng isang fortuner. Binuksan niya ang passenger seat. Sa kanya toh? Bagong sasakyan?

Umikot siya at pumasok sa drivers seat. Nasa loob lang kami. Awkward. Ang tahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Dapat ba meron akong sabihin?

Nagkatinginan kami pero agad ko ring binaba ang tingin ko. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya.

"Valerie." Panimula niya. Ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Pero hindi pa rin ako nag angat ng tingin.

"Ahhhmm. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko." Pagtatapat ko.

"You don't have to say anything." Sabi niya at himinga ng malalim. Tiningnan ko siya na ngayon ay nasa labas na tumitingin.

"I really don't know why I'm acting like this.." Ako rin JP, hindi kita maintindihan. Tiningnan ko lang ang gwapo niyang mukha. Yes, inaamin ko na.. He's really handsome.. Sobrang gwapo niya. Sa kanya lang naman ako naging ganito.

"Hindi ako dapat nandito. Hindi kita dapat sinundan. Hindi dapat." Patuloy niyang sabi. "Pero hindi pwedeng hindi kita sundan. I feel very protective of you. Damn!"

Tumingin siya sa akin ng dretso. Yong tingin na tagos hanggang puso. Those eyes! Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari sa akin. Masama na ito.

"I really don't know what to say." Parang huminto ang utak ko. Wala akong maisip. Hindi ko alam ang tamang sabihin sa kanya.

Lumapit siya na bahagya. Na aamoy ko na ang pabango niya. So manly.

"What's on your mind?" Tanong niya sa akin. Hindi pa rin ako nag salita. "Hindi mo kailangang may sabihin dahil sinabi kong I feel very protective of you.. But, I want to know... I want to know kung ano ang iniisip mo."

"I don't know what to say, JP. Nabigla ako. Bakit? Bakit ka ganyan sa akin?" Sabi ko at agad na yumuko. Hindi ko na kaya ang tingnan siya dahil lalong lumalakas ang pintig ng puso ko! Dahil ba toh ininum ko kanina? This is not good!

Umayos siya ng upo at humarap ulit sa manibela. There, mas maganda ang hindi ka nalang nakatingin sa akin.

"I like you." Sabi niya na ikinabigla ko. Dretso pa rin ang tingin niya sa labas. "I like you so much.. I want to be with you always.. Masaya ako kapag kasama ka." Humarap siya sa akin at agad kinuha ang kamay ko. Namilog ang mata ko sa ginawa niya. Nilagay niya ang kamay ko sa kanyang chest. Damn! Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko.

"You feel it?" Tanong niya habang dretso ang tingin sa akin. "Nararamdaman mo ba, Val?"

Ang bilis ng heartbeat niya! Pero bakit? Bakit pareho kami?

"I'm always calm. Hindi ako ganito. Kaya kong kontrolin ang sarili ko. Kaya ko. Pero pagdating sa'yo lagi akong nabibigo.." Mas lalo niya panghinigpitan ang hawak sa aking kamay. Shit! Sobrang lamig na ng katawan ko. Kahit nakainom ako, imbes na mag-init ay nanlalamig ako!

"Sinubukan kong pigilan. Kapag kasama kita, ang saya ng pakiramdam ko. Sinubukan kong pigilan dahil alam kong hindi na normal toh. I should'nt be very happy because of a girl. I tried. Pero bigo pa rin ako.."

Wala akong masabi. Ano ba dapat ang sabihin ko? Think, Valerie! Think!

Napitlag ako sa pagkakaupo nang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking pisngi!

"J-JP.." Na utal kong sabi. His touch. Ang init ng kanyang kamay ay nagugustuhan ko. Shit, Valerie!

"I swear, sinubukan kong pigilan toh. Masyado pang maaga. I tried to control it but I failed. Bigo ako at alam kong kahit anong gawin ko hindi ako magtatagumpay.. Mabibigo lang ulit ako kong pipilitin ko pa.. I can't win this.. Hindi ako mananalo dahil pati pintig ng puso ko ay hindi ko kayang kontrolin.. Not when you're with me.. Fuck!"

Wala akong nasabi! He likes me. Sinabi niya. Totoo ba talagang gusto niya ako? Pero ramdam ko na sincere siya sa sinabi niya. Screw this!

Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at nagsimulang mag maneho.

"Where are we going?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. It's already 3am.

"Ihahatid kita sa boarding house mo." Simple niyang sagot.

"Hindi ako uuwi sa boarding house." Sabi ko. Lumingon siya sa akin na halatang nagulat.

"Why?" Aniya.

"Kasi 3am na. Maybagong rule sa boarding house. Hanggang 12midnight lang at curfew na."

"Uh-huh. Saan ka dapat matutulog ngayong gabi?" Tanong niya habang seryosong nagmamaneho.

"Kina Joann. Ganyan naman ang ginagawa namin everytime may lakad at masyado ng late. Sa kanila ako natutulog." Sabi ko habang pinagmamasdan ang bawat madaanan namin.

Hindi na siya nag salita. Hindi na rin ako nag tanong. Hinayaan ko lang siyang mag drive. I trust JP. Ayaw ko pa rin namang umuwi. I still want to be with him. I like him. There, I said it.

Huminto kami sa isang building. What are we doing here? Hindi ko alam ang lugar na toh.

"Anong ginagawa natin dito?" Hindi ko na mapigilan ang magtanong.

"I live here. May unit ako sa taas. Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinala papasok. Seriously, ba't nandito kami sa building ng condo niya? Bakit nandito ako. Syempre, sumama ako eh! My gosh, Valerie!

Nakarating kami sa unit niya. Maganda. Malinis. I wonder kung siya lang ba mag isa dito. May mansyon naman sila. Bakit siya dito tumitira?

"Hmmm.. JP, bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko sa kanya habang siya naman ay may kinukuha sa loob ng ref.

"Hindi ka na pwedeng umuwi sa boarding house mo. Hindi ka na rin pwedeng bumalik sa club dahil busy na si Joann dun." Naglakad siya palapit sa akin at binigyan ako ng isang basong tubig. Kinuha ko ito at uminom. "And honestly, I want to be with you.. Kaya kita dinala dito."

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon