Kabanata 2

54 2 0
                                    

#Nice Name

Nandito na ako sa loob ng bahay ni Gov. Sobrang ganda dito. Ang laki-laki at sa unang tingin malalaman mo na mamahalin talaga ang mga gamit. Ang daming tao na nag-uusap at ang iba naman ay umiinom. Wala akong kakilala dito. Puros mayayaman. Ang alam ko lang, halos taga University ang nandito. Ba't ko alam? Namumukhaan ko sila. Pero hindi ko kilala sa pangalan.

Nagsimula na akong umikot dito sa loob ng bahay este mansion pala. Hinahanap ko ang mabuti kung kaibigan na sa sobrang bilis maglakad ay hindi ko na naabutan. Marami rin kasing tao kaya hindi ko na nakita kung saan siya dumaan. Ayos lang naman, hindi naman ako naiiba sa mga tao dito. Mabuti nalang at maganda ang suot kung damit. Naka dress ako ngayon. Dahil na rin sa maputi ako ay mapagkakamalan akong mayaman.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa sulok na wala masyadong tao. Naku naman! Saan ko kaya mahahanap ang Joann na 'yon. Nagugutom na rin ako. Hindi ko pa naman dala ang cellphone ko kaya hindi ko matatawagan si Joann. Pahamak talaga ang babaeng 'yon kahit kailan.

Baka wala dito sa loob ng mansyon si Joann. Naisipan ko na pumunta sa dulo kasi maraming tao doon. Pero dahil sa kakaisip ko kay Joann hindi ko na pansin na mayroon pa lang tao sa likuran ko.

"Ahhh!" daing niya. Natapon kasi ang dala niyang wine. Natapon sa damit niya. Nice Val! Nice move. Haaay! Ako na talaga ang clumsy. Nakakahiya talaga ako. Dali-dali kung pinunasan ang damit niya gamit ang kamay ko. Hindi ko na nagawang tingnan ang mukha niya.

"Naku sorry. Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko habang patuloy sa pagpupunas ng damit niya.

"Hey miss. Stop." pagpigil niya sabay hawak sa kamay ko para tumigil na rin sa kakapunas sa damit niya.

"Naku sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita nakita eh." Paghingi ko ng tawad habang unti-unting inaangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang nagawan ko ng kagagahan.

Wow! Just Wow! Saan galing ang lalaking ito? Ba't ang gwapo niya? Ang kinis ng mukha. Ang puti-puti niya at 'yong mga mata niya ibang klase, tipong isang tingin lang niya sa'yo mapapasunod ka na niya sa gusto niya. Hindi naman ako interesado sa mga gwapo pero iba talaga ang isang 'to. Saang planeta kaya galing to.

"Hey! Hey!" sabi niya sabay kaway ng kamay niya sa harap ng mukha ko dahilan para bumalik ako sa realidad.

"Done checking me?" tanong niya sa akin. Sandali, anong sabi niya? Checking him?

"Excuse me?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako sigurado kung tama ba ang dinig ko sa sinabi niya.

"I said, are you done checking me?" Aba hindi talaga ako nag kamali ng dinig. Sinabi niya talaga na chenicheck ko siya.

"Look miss, I know I am handsome." Pagmamayabang na sabi niya. Gwapo nga siya mayabang naman. Ayaw ko talaga sa mga mayayabang.

"Excuse me Mr. Whoever-you-are, mukhang sobra naman ata ang bilib mo sa sarili." Matapang kung sabi.

"I'm just stating a fact Miss Clumsy."

"Yea right." Dapat matapos natong pag-uusap namin dahil hindi ko na ma take ang lalaking to'. Yabang. "I'm so sorry at natabig ko ang baso. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry. Sige I have to go" pag papaalam ko sa kanya.

Nag simula na akong maglakad nang bigla niyang hawakan ang siko ko dahilan para mapatigil ako. Nilingon ko siya. "So ganun lang ba 'yon Miss? After what you did aalis ka nalang dahil nag sorry ka na? Hindi mo ba nakikita na sobrang dumi na ng suot ko?"

"I said I'm sorry db? Ano pa ang gusto mong gawin ko?" iritado kung tanong. Daming arte ng lalaking ito.

"Well, dahil kasalanan mo kung bakit ang dumi ng polo ko.." sabi niya sabay hubad ng polo niya. May white t-shirt naman sa loob nun kaya hindi siya nakahubad. Hapit na hapit ang t-shirt sa katawan niya. Halata na sa loob nito ay mayroong abs. Ano ba tong iniisip ko. Erase Erase.

"Here. Get this at pumunta ta'yo sa kitchen. Linisin mo 'yan gamit ang tubig" utos niya sa akin. At dahil kasalanan ko naman talaga, sinunuod ko nalang ang sabi niya.

Narating namin ang kitchen. Grabe ang ganda naming kitchen nito. Sinimulan ko narin ang paglilinis ng polo niya. Binasa ko ng tubig para kahit paano mawala ang dumi dahil sa wine.

"Make sure malinis yan Miss." Grabee talaga ang lalaking 'to. Alam ko naman ang ginagawa ko. Sanay kaya ako sa paglalaba kaya madali lang 'to.

"Hey. I'm talking to you." Ang kulit naman. Ayaw ko na nga siyang makausap eh.

"Hey!" nagulat naman ako ng biglang sinabi niya 'yon sa likod ko. Nasa likuran ko na pala siya at sobrang lapit na niya sa akin. Ang bango naman ng lalaking 'to.

"Ahhh. Mr pwede 'wag kang lumapit. Oo, malilinis ko 'to ng maayos 'wag ka mag-alala."

"Kailangan ko lang pala lumapit para magsalita ka eh. So, what's your name Miss?" tanong niya sa akin. Aba, ba't ba niya tinatanong?

"Sorry pero hindi ako mahilig makipagkilala sa ibang tao. I don't talk to strangers nga eh. Kaya lang mayroon akong kasalanan sa'yo kaya kinakausap kita." sabi ko sa kanya habang patuloy sa ginagawa ko.

"Ohh, really? You don't talk to strangers huh. Okey. I'm JP. And you are?"

Ang kulit naman nito. Lumapit pa talaga siya ng husto. Kailangan ko talaga siguro sumagot dahil baka mas lalo pa siyang lumapit.

"I'm Valerie." tipid kung sagot sa kanya. Sa wakas tapos narin ang paglilinis ko sa polo niya. Malinis na nga pero basa pa rin ito. Ahh bahala na siya. Basta nalinis ko na.

"Ito na polo mo. Malinis na 'yan. Kailangan lang patuyuin. Sorry ulit. Sige alis na ako." Inabot ko sa kanya ang polo at tinanggap naman niya. Aalis na sana ako ng nagsalita ulit siya.

"Valerie." sabi niya at nag lakad palapit sa akin. Nilingon ko naman siya. "Nice name." Pagkasabi niya nun ay ngumiti pa siya ng kaunti at iniwan ako.

Nice name? Sabi niya maganda pangalan ko? Weird.

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon