Kabanata 14

19 2 0
                                    

#I'm falling further in love

Nang makarating kami sa kanilang farm ay agad kaming sinalubong ng kanilang mga manggagawa.

Maganda ang buong farm. Malawak, malinis at malayo sa ingay sa syudad. Masarap mag relax.

Andito ako ngayon sa pangpang. Nag papahangin habang pinagmamasdan ang dagat. Papalubog na rin ang araw gusto kong makita ang pag lubog nito.

"What are doing here?" Tanong niya.

"Nag papahangin lang." I said.

Umupo siya sa tabi ko at sabay naming pinagmasdan ang sunset.

"Maraming tao ang gustong panuorin ang pag lubog ng araw.. but I'm not one of them." He said habang nakatingin pa rin sa dagat.

"Why? Maganda naman. It's like a message to us, na may maganda ring naibubunga ang pagtatapos ng isang bagay." Hindi ba't magandang pagmasdan ang langit tuwing lumulubog ang araw?

"Hindi natin makikita ang magandang kalangitan kung hindi lulubog ang araw. We won't be able to see that somewhat like orange-white-black color." I said.

Tiningnan niya ako saglit bago mag salita. "You're right but still, mas gusto ko ang sunrise." He smiled. "Halika na. Masyado ng malamig dito. Let's go inside. By now dinner is ready."

Tinulungan niya akong tumayo at magkahawak-kamay kaming nag lakad patungo sa kanilang bahay na masyon, sa totoo lang.

Pagtapos naming kumain ay inihatid na ako niya ako sa kwarto kung saan ako matutulog. Magkatapat lang ang kwarto na tutuluyan ko sa kwarto niya.

"You sleep, now. I'll wake you up early tomorrow." He said.

"No need. Anong oras ba dapat ako magising? Kaya ko namang gumising ng maaga."

"5 am."

"That early? Saan ba tayo pupunta?" I asked. Hindi ko maisip kung anong gagawin namin ng ganun kaaga.

"Naah, I'll tell you tomorrow. Now, go to sleep." Sabi niya sabay tulok sa akin upang pumasok sa nakabukas ng pinto ng kwarto.

Isasara ko na dapat ang pintuan nang magsalita siya. "Good Night, Valerie."

"Good Night." And with that being said I closed the door.

Nagising ako nang tumunog ang aking alarm sa aking cellphone. Ayaw kung si JP ang gumising sa akin kaya 4:30 pa lang ay gising na ako.

Matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Nakita ko siya na naka tayo sa may dinning table at nakangiti.

"Ang aga mong nagising." I said.

"I didn't sleep, actually." Nagulat ako sa sinabi niya. Ba't 'di siya natulog? Baliw ba siya?

"Dahil gigisingin dapat kita, db? But it turned out na ayaw mong gisingin ka." Aniya.

"I told you kaya ko naman gumising ng maaga." Nginitian lang niya ako saka hinawakan ang aking kamay.

"Sit down. Let's eat first.''

Umupo kami at agad namang dumating ang mga pagkain.

Matapos mag almusal ay hinila na ako ni JP palabas.

"Where are we going?" I asked.

"You'll see." Huminto kami sa duyan malapit sa dagat. Umupo ako at tumabi naman siya sa akin.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lamang siya sa malayo. He's really handsome. Napakaamo ng kanyang mukha.

I didn't bother to ask more questions. Nanahimik lang din ako. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig lamang ay ang paghampas ng tubig at huni ng mga ibon. Maganda talaga rito. I wanna leave here pagdating ng araw.

"Val." Naputol ako sa pag-iisip nang bigla siyang magsalita.

"Hmm." I look at him na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"I don't know when and I don't know how. This feeling is new to me." He said. Bumuntong hininga siya.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ito.

"Do you know why we're here?" He asked.

Tiningnan ko lamang siya.

"Sabi mo kagabi, gusto mong makita ang paglubog ng araw. You told me it's beautiful. So here I am, I'm gonna show you something.." Sabi niya sabay turo doon.

Ang ganda! Sobrang gandang pagmasdan ang pag sikat ng araw. I smiled.

"Wow." I said.

"Mas magandang tingnan ang pagsikat ng araw dahil ibig sabihin nito may panibagong araw na naman tayong gawin ang mga bagay na gusto nating gawin." Aniya.

Hindi ako nag salita. Nakatingin pa rin ako sa magandang tanawin. Sa gilid ng aking mata ay napapansin kong nakakitingin pa rin siya sa akin.

"I want to do this everyday. 'Yong pagmasdan ang pagsikat ng araw kasama ka. I'm looking forward to spending everyday of my life with you, Val." Napapitlag ako nang hawakan niya ang aking kamay.

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. I don't even know kung bakit ito nangyayari tuwing hinahawakan niya ang aking kamay. Is this because I like him? Like lang ba talaga ito?

Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang kanyang maamong mukha. Those eyes. I wanna see that everyday.

Hinawakan niya ng mas mahigpit ang aking kamay bago siya magsalita na naging dahilan upang mas maging abnormal ang pag tibok ng aking puso. "Hell! I'm falling further in love with you, baby."

Damn it! I think I'm feeling that, too.

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon