Kabanata 13

32 2 3
                                    

#I won't cheat

Wala akong nagawa kaya nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan ni JP. Papunta kaming Farm nila. Doon pala ang field trip ng mga Business Ad students.

Wala akong pera para rito. Pinagtalunan namin sa loob ng tatlong araw ang tungkol sa trip ngunit sadyang makulit siya at makapangyarihan. Nagawan niya ng paraan. Naging compulsory para sa aming Business Ad students ang pagsama sa trip dahil kung hindi, gagawa kami ng research paper. Kahit hindi niya aminin, alam kong si JP ang nag bigay ng ideya sa aming Dean. Powerful!

"Hey, you okay?" Tanong niya habang nag mamaneho. Hindi kami sumabay sa school bus dahil kailangang mauna si Jaypee para tingnan kung naayos ba ang lahat sa farm nila.

"Ayos lang naman ako. May iniisip lang."

"Mind sharing your thoughts?" Aniya.

"Naaahh. Iniisip ko lang ang ginawa mo para mapilitan akong sumama sa field trip na 'to."

Tumawa siya habang umiiling. Ba't ang gwapo ng isang ito? Minsan tuloy na papaisip ako kung bakit wala pa rin itong girlfriend.

"Spill it."

"Spill, what?" Tanong ko habang tinitingnan ang mga magagandang tanawin na nadadaanan namin.

"Alam ko may iniisip ka pang iba. Spill it. Hindi ako makapagconcentrate sa kakaisip kung anong nasa isip mo." He said honestly.

"Ba't wala ka pang girlfriend?" Tanong ka na ikinagulat niya.

"Iyan ang iniisip mo? Kung bakit wala pa akong girlfriend?" Sabi niya na parang namamangha.

"Hmm. Y-yes." Wika ko sabay tango.

"Wow. That's new. Curious ka kung ba't wala akong girlfriend. Wow."

"Bakit?"

"I don't have a girlfriend simply because hindi mo pa ako pinapayagan manligaw." Ganun? So, seryoso siya noong sinabi niyang liligawan niya ako?

"Seryoso ka? Manliligaw ka?" Sabi ko.

"Yes, I am. Tulad ng sinabi ko noong nasa condo ko tayo, I'll court you. Hindi naman ako nag mamadali. Mas maayos kung dahan-dahan lang. I'm serious kaya I'll take it slow." Seryoso niyang sabi.

"Well, I can see that. It's good to know na may lalaki pang gusto mag seryoso." I said. Nakakatuwa naman kasi ang lalaking seryoso sa relasyon. Kahit na hindi pa ako nag kakaboyfriend, alam ko na mahalaga sa relasyon ang pag seseryoso ng lalaki dahil sila ang nagdadala ng pagsasama.

"You? Ba't wala ka pang boyfriend?" Tanong niya sa akin.

"I don't know. Siguro dahil tulad mo, mapili ako. I never had a boyfriend. At kung mag kakaroon man ako, I want him to be my last. First and last. Sa panahon ngayon, puro laru-laro nalang ang gusto ng mga lalaki. I don't want to play with anyone."

"I'm still here. I told you I take relationships seriously. I like you, Val. Obvious naman siguro sa'yo." He said.

"Alam ko. I like you too pero.." Pero hindi ko alam kung pwede ba kami.

Pinarada niya ang sasakyan sa mga gilid ng daan. Tumingin siya sa akin dahilan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pero takot ka, db? I'm not perfect but if you'll only give me my chance." Aniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Bakit mo s-sinasabi 'to ngayon?" Hindi na ako makahinga.

"Because I like you, Valerie. Hindi ako basta nanliligaw. But I am more than sure sa nararamdaman ko. I know you're afraid. I can't promise you na smooth ang lahat along the way pag pumayag ka na manligaw ako at if ever maging tayo. Maari akong magkamali but I won't cheat, that I can promise you." Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Please allow me to court you." He said at hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong tumango dahilan para masilayan ko ang gwapo niyang ngiti.

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon