Kabanata 9

41 3 0
                                    

#Special

Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman ang lahat. Mag kaklase kami ni JP sa lahat ng subjects at hindi ko alam kung bakit siya nag palit ng section..hindi ko na rin tinanong.

Naging maayos naman ang samahan namin. Hindi ko na rin pinalaki ang ginawa niyang pag sisinungaling kahit na ayaw na ayaw ko ng niloloko.

Sabado ngayon at walang pasok. Hindi rin ako ang naka assign sa library kaya buong maghapon lang akong nakahiga sa kama. I'm really tired dahil marami kaming ginawa buong weekdays.. mga school activities.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong may text galing kay Joann.

Joann:

Gimik naman tayo tonight. Bawal tumanggi. Pupuntahan kita mamayang 8.

Gimik? Nakakapagod. Mas gusto ko nalang mag pahinga pa kahit na buong maghapon na akong natulog. I so love my relationship with my bed.

"Hey, wake up Valerie." Napamulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. It's Joann. "Hmmmmm." sambit ko habang kinukusot ang aking mga mata. Nakatulog pala ulit ako.

"Anong hmmmm? Aba, alas 8 na, Val. I texted you na gigimik tayo tonight db? Hindi pwedeng hindi ka sasama."

"Pwede bang pass muna ako, Jo? I'm really not in the mood na gumala ngayon eh. Iniantok pa ako." Well, that's a lie. Hindi na ako inaantok. Ikaw ba naman matulog buong maghapon hanggang dumilim, aantukin ka pa kaya?

"Tsk tsk tsk. 'wag mo akong niloloko Val. Alam ko wala kang ginawa kundi matulog. Namumugto na 'yang mga mata mo oh. Get up." Sabi niya sabay tayo at hila sa akin. Guess I don't have a choice.

Naligo ako at nag bihis. Binagalan ko ang kilos para mainip si Joann at para iwan niya ako pero hindi nangyari. Nandito na kami sa labas ng Zeus..isang bar. It's 9pm. Malayo rin kasi 'to sa boarding house ko at dahil na rin sa kabagalan ko kaya inabot kami ng isang oras. Marami ng tao. Usually, ganitong oras pa lang nag uumpisa ang gabi para sa mga taong mahilig sa party.

Pumasok kami sa loob at agad kaming sinalubong ng mga kaibigan ni Joann. Mga classmates niya, I guess. Familiar ang mukha nila dahil nakikita ko rin sila sa University.

"Hey, Joann.. you're late!" Sabi ng lalaki na medyo pula na ang mukha. Nakainom na ito. Maaga siguro silang nag umpisa.

"I know right. Pinuntahan ko pa 'tong kaibigan ko. By the way, this is Valerie.." pakilala ni Joann sa akin. Ngumiti naman ako sa lalaki. "Valerie, this is Robert.. taga St. John din siya."

"Hi Valerie, yes same school lang tayo kaya lang wala pa akong masyadong friends. I'm a new student. Nice to meet you." Pakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon.

Umupo kami sa isang table. Magiisang oras na rin siguro mula ng dumating kami at medyo mas dumami pa ang mga tao. Masyado ng mainggay at marami ng sumasayaw sa dance floor. Maging si Joann ay sumasayaw na rin.

I'm not really a party girl pero kaya ko rin naman mag adjust para hindi maging OP. Ininom ko lang ang wine na inorder ni Joann kanina. Dahil na rin siguro sa wine kaya nag pasya akong mag c.r.

I look at myself sa salamin. Medyo pula na ang mukha ko. I'm really not good at drinking. Wala pa naman akong tama. Saktong pag labas ko ng C.R. na gulat ako sa lalaking nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Anong ginagawa niya rito?

"What are you doing here? Aniya. Db dapat ako ang nag tatanong sa kanya?

"Gumigimik kasama kaibigan ko. Ikaw, anong ginagawa ko rito?" Balik kong tanong sa kanya.

"I'm really not into this thing. It's such a waste of time and energy." Dretso niyang sabi habang nakatingin sa paligid. May kung ano sa boses niya na parang galit o naiinis. Ewan. Hindi ko makuha.

So, kung ayaw niya sa ganitong bagay.. anong ginagawa niya rito ngayon?

"Then, why are you here? Kung ayaw mo pala sa mga party na tulad nito?" Tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang galit ako sa kanya. Siguro ay dahil nayayabangan ako sa tono niya.

"I have to. Kahit na ayaw ko sa ganitong lugar..I have to be here.. I need to be here." Aniya habang dretsong nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nag lakad siya dahilan para mas maging malapit kami sa isat-isa.

"W-why?" Wika ko. Kailangan mag tanong ako dahil baka mahalata niyang kinakabahan ako. Shit! Dahil ba 'to sa wine?

"It's simply because of a girl.. I saw her leaving in the middle of the night wearing a fitted dress. I can't help but to follow her here.. to make sure she's safe from fuckin' bastards around." Sabi niya habang titig na titig sa akin at sa suot kung dress. Am I that girl?

"Who's that girl, Jaypee?" Tanong ko. Hindi ko alam kung ba't nakaya kong tinanong sa kanya iyon ng dretso. Hindi na napigilan ng bibig ko.

"Do you really wanna know, Valerie? Am I not obvious to you?" Aniya at nag lakad patungo sa likuran ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng lintek kong puso.

Naramdaman kong mas lumapit siya sa akin. Ba't ba ang weird ngayon?

"I don't like you here. I don't like seeing you wearing that kind of a dress. I don't like it." Aniya sa matigas na boses.

Humarap ako sa kanya. "Kung ayaw mo, hindi ko na problema 'yon. What's wrong with you ba? Ba't bigla-bigla ka nalang susulpot at papangaralan ako?"

"Naiinis ako. I don't like you here." Shit! Ba't pa ulit-ulit nalang niyang sinasabi 'yan? "Aba't sob--"

"I don't like you here, Valerie. I want you to just stay at your boarding house. You study, you sleep..do whatever you like.. just don't go out and spend a night in a place like this."

"You don't have the right para lecturan ako. Yes, you are my friend pero hindi ibig sabihin nun pwede ka ng manghimasok sa buhay ko."

Bumuntong hininga siya. Binalik niya ang tingin niya sa akin. Kung kanina'y medyo may inis sa mata niya, wala na iyon ngayon. "I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi sayo 'yon. I just can't help it.." Sabi niya.

"Ayos lang. Huwag nalang sana maulit." Sabi ko.

"I can't promise you that it won't happen again. You're just so special to me and hindi pwedeng pabayaan nalang kita. Hindi pwede." Aniya habang nakatingin ng dretso sa aking mata. I'm special. What the?! Tama ba ako ng dinig?

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon