Kabanata 4

48 3 0
                                    

#See you tomorrow

Linggo ngayon at nasa Mall na kami ni Joann. Maaga niya akong sinundo dahil meron daw siyang bibilhin. Nandito kami sa Watsons. Tumitingin lang ako sa mga make-up na nakadisplay habang si Joann naman ay nasa kabilang sulok. Siguro ay nandoon ang gusto niyang bilhin.

Lampas 5minuto na ako dito at hindi pa rin bumabalik si Joann kaya naisip ko na tingnan kung ano ang ginagawa niya. Mayroon pala siyang kausap at hindi ko kilala ang lalaking 'yon. Napansin kung sobra ang ngiti ni Joann habang nakikipag-usap. Hmmmm parang merong something.

Dahil sa nandito na ako sa mall naisipan ko na pumunta muna sa National Bookstore. Itetext ko nalang si Joann na doon nalang kami magkita dahil bibili nalang ako ng gamit ko para sa klase bukas.

Nang makarating ako sa bookstore na tuwa ako sa mga books. Mahilig talaga ako sa mga libro. Ewan ko ba, basta masaya kaya magbasa. Nakakapasok ako sa kabilang mundo habang nagbabasa.

Matapos kung bilhin ang kailangan ko para bukas ay agad akong pumunta sa cashier para magbayad. Isang binder at ballpen lang naman ang binili ko. Laking gulat ko ng makitang 250 ang babayaran ko. Hala! Ba't naging 250? Tiningnan kung mabuti ang prize ng binder kanina 109 lang naman 'yon at ang ballpen naman na g-tech ay 86 so ang babayaran ko ay 195 lang. Pero bakit naging 250? Lagot na! 200 pesos lang ang dala kung pera eh.

"Ma'am 250 po lahat." sabi ng babae.

"Ahh miss, bakit naging 250? Db 195 lang dapat?" Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging 250 ang babayaran ko.

"Ahh kasi po 55pesos po itong stationary." Sinabi niya iyon sabay higit sa stationary na nasa loob pala ng binder. Whaat?? Paano na punta 'yon doon? Ang liit naman kasi hindi ko nakita. Mukhang hindi ko na ata pwedeng ibalik eh. Nakakahiya meron ng tao sa likod ko na magbabayad din. Nakuuu!

"Miss, isabay mo na rin 'toh sa kanya. Ako na magbabayad." Nagulat ako sa sinabi ng lalaki sa likuran ko. Ano daw? Siya magbabayad? Sandali! May pero ako 'yun nga lang, kulang.

Bago pa ako makapagreact ay nabayaran na niya ang item ko at 'yong libro na binili niya.

"IKAW!" Siya? Anong ginagawa niya dito?

"Yes. It's me. Nice to see you again." Nakangiti pa ang isang ito. Infairness ang puti-puti ng ngipin niya.

Naglakad na kami at bitbit ko narin ang binili ko na siya ang nagbayad.

"Ah hindi mo dapat ginawa 'yon. Meron naman akong pera eh." Nandito na kami sa labas ng Bookstore.

"Really? Ang tagal mo kasing magbayad eh. If you have money sana nag bayad ka agad." Ang yabang niya talaga!

"Hindi ko naman kasi inaasahan na mayroon pa lang stationary sa loob nitong binder eh. Wala 'yon sa budget ko" pagpapaliwanag ko naman.

"Ahhh. Okey. Halika ka na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Ba't ba ako pumapayag hilahin ng lalaking 'to?

"Wait lang Mister! Alam ko nilibre mo ako pero hindi ibig sabihin nun pwede mo na akong hilahin." Mataray na kung mataray. Hindi ko nga kilala ang isang ito eh. Well, kilala ko siya sa pangalan.

"Valerie, I have a name okey? Tama nilibre kita kaya bilang ganti samahan mo muna akong magkape. Don't worry, my treat." At hinila na naman niya ako.

Nandito kami sa starbucks. Umupo kami at hinintay 'yong order niya. Grabe anong tingin niya sa akin, walang pera? Hindi ko naman gusto magpalibre eh. At isa pa, si Joann! Naku lagot na talaga ako nito. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan baka nag text na si Joann. Nakita kung may dalawang mensahe galing sa kanya.

Joann:

Val, matatagalan ka pa naman dyan sa bookstore db? Sasamahan ko lang muna 'tong kausap ko. Sandal lang kami.

At iyong pangalawang text.

Joann:

I'll be there with in 20 minutes. Sorry talaga.

Mabuti nalang at mayroong lakad si Joann. Binalik ko na ang cellphone ko sa bag at nagsalita naman ang lalaking mayabang.

"So, Valerie saan ka nag-aaral?" Bakit ba niya tinatanong? Feeling close.

"Sa St. John University." Tipid kung sagot.

"What's your degree program?" Grabee chismoso rin ang isang 'to eh.

"Ahh excuse me lang mister. Bakit ang dami mong tanong?" Nakukulitan na ako sa kanya.

"Valerie, mayroon akong pangalan. Nagpakilala na ako sa'yo db? About my questions.. wala lang. Parang getting to know each other?" nakangiting sabi niya sabay inum ng kape niya.

Wala na rin akong magagawa. Sasagutin ko nalang ang mga tanong niya nang matapos na 'toh at makabalik na ako sa bookstore.

"BSBA" sabi ko sa kanya.

"Ahh. Tell me more about yourself." Grabe ang kulit talaga ng isang 'to. Haaay. Bibilisan ko na talaga ng matapos na. Pasalamat siya nilibre niya ako.

"Fine. I'm Valerie Ann Concepcion. 19. BSBA student. Third Year. Hindi ako mayaman. Scholar ako kaya sa isang sikat na University ako nag-aaral. Working student ako. After class nag pupunta ako sa library dahil doon ako naka assign." Dretso kung sabi sa kanya. "Ikaw?" tanong ko para naman fair 'yong usapan.

Nakangisi siya bago nagsalita. "Well, kilala mo na naman ako db? I'm JP. 20. BSBA student. Hindi rin ako mayaman."

"Hindi mayaman? Sinong niloloko mo mister?" Aba! Anong sinasabi niyang hindi siya mayaman? Sinungaling din ang isang 'to.

"Yes. I'm not rich. Mga magulang ko lang. Hindi ako."

Sus! Pahumble pa hindi naman bagay sa kanya. Tumunog ang cellphone ko.. si Joann tumatawag. Agad koi tong sinagot. Sabi niya pa balik na raw siya sa bookstore. Ohh myy! I really need to go. Tumayo na ako at nag pa alam sa kanya.

"Ahhmmm. Thank you pala sa libre. I really need to go. Naghihintay na 'yong kasama ko eh." sabi ko sabay pulot ng bag na nilagay ko sa katabing upuan.

"I should be the one to thank you.

Anong siya dapat mag thank you? Baliw na talaga siya. Nag lakad na ako. Nang malagpasan ko na siya bigla siyang nag salita at mas lalo tuloy akong naguluhan.

"See you tomorrow, Valerie."

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon