Kabanata 3

51 2 0
                                    

#Ayaw ko sa'yo

Nang umalis na si Mr. Yabang ay nagsimula na rin akong maglakad para hanapin si Joann. Pero hindi ko na pala kailangan hanapin siya dahil nakita ko siya paglabas ko ng kitchen.

"Grabee Val. Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nanggaling? Halika na at nandoon na nasa table ang barkada." Dretso niyang sabi. Hindi na ako nagsalita dahil nagugutom na rin talaga ako. Mamaya ko nalang ako makukwento. Nakarating kami sa table at tama nga ang hinala ko kanina, marami ring tao dito. Mayroon rin swimming pool na sobrang laki. Ang yaman naman talaga ni Gov.

"Ohh Jo, mabuti naman at nakita mo na si Val." sabi ni Bea natumayo para salubungin kami. Si Bea ay isa rin sa mga kabarkada ko. Mayaman ang Daddy niya, mas mayaman pa kompara sa pamilya ni Joann ngunit hindi spoiled si Bea. Hindi siya nagwawaldas ng pera tulad ng ginagawa ni Joann. Lagi niyang sinasabi na mayaman ay ang Daddy lang niya, hindi siya. Anak kasi sa labas si Bea.

"Haay sinabi mo pa. Sige umupo na ta'yo. Let's eat." sabi ni Joann.

Umupo na kami at nag simulant ng kumain. Kasama rin namin sa table sina Rose at Dimple, kabarkada namin na mayayaman rin. Ako lang talaga ang hindi mayaman sa grupo. Pero gaya ng sabi nina Bea, mas mukha pa raw akong mayaman dahil sa kinis ng balat ko at naging class ang dating ko dahil sa matalino ako. Totoo, matalino ako. Scholar ako sa University kaya nga rin ako nabigyan ng chance mag trabaho sa Library bilang working student.

"So, asan ka nanggaling Val?" panimula ni Rose.

"Nasa loob lang naman ako. Sa kakahanap ko kay Joann mayroon akong nabangga at natabig ko ang dala niyang wine kaya natapon doon sa damit niya."

"Tapos, anong nangyari?" tanong naman ni Bea.

"Syempre nag sorry ako sa lalaki tapos aalis na sana ako kasi nayayabangan ako sa kanya kaya lang hindi pa niya ako pinaalis. Pinalinis pa niya sa akin ang polo niya kaya nagpunta kami sa kitchen." paliwanag ko naman.

"Wait, you mean lalaki? Ano gwapo ba Val?" tanong ni Joann sabay ngiti. Itong babaeng 'to talaga hayuk sa gwapo.

"Well, gwapo na sana.. mayabang nga lang. Panget na siya para sa akin." sabi ko sabay subo ng pagkain. Gutom na talaga ako eh.

"Did you hear that? First time!" natatawang sabi ni Dimple. First time? Anong first time? First time din nagsalita si Dimple ngayong gabie. Tahimik lang talaga ang isang ito eh.

"True! First time in history na mayroong sinabihan ng gwapo si Val. At first sentence mo rin 'yon ngayong gabi Dim." pang-aasar na sabi ni Rose.

"Anong pinagsasabi niyo ha?" sabi ko naman.

"Totoo naman kasi Val. First time na mayroong lalaking naging gwapo sa paningin mo. Ibang klase! So sino ang lucky guy huh?" tanong ni Bea at pinangdidilatan pa talaga ako ng mata niyang singkit.

"JP. JP pangalan niya." tamad kung sagot at uminom ng tubig.

"Well I must say gwapo talaga 'yang JP kasi sobrang taas ng standards mo eh. We should meet him. Asan ba siya?" sabi naman ni Rose.

"Ewan ko. At pwede ba, tumigil na nga kayo sa pang-aasar sa akin." Tiningnan ko naman si Joann na parang mayroon itong hinahanap.

"Jo, sinong hinahanap mo?" tanong ni Bea. Napansin niya rin pala.

"Hinahanap ko si Paolo. Hindi ko pa kasi siya nakikita eh." giit ni Joann at uminom nalang ng wine.

"Oo nga noh. Hindi ko nga rin siya napansin." pagsang-ayon ni Bea.

"Sino si Paolo?" tanong ko. Ako na ang walang alam!

"Seriously Val, hindi mo kilala si Paolo? Wow. Iba ka talagang babae ka." Amaze na sabi ni Rose. Totoo naman eh, hindi ko kilala ang Paolo na pinag-uusapan nila.

"Si Paolo ang anak ni Gov. Para sa kanya ang Party na 'to. At nakakapagtakang wala siya dito." paliwanag ni Bea.

"Haay naku. Hindi pa rin talaga nagbabago si Paolo. Siguradong nasa kwarto lang 'yon at natutulog. Ayaw niya ng mga ganitong party. Si Gov lang talaga ang gusto na magkaroon ng party para e welcome siya." Sa sinabi ni Joann napa-isip tuloy ako kung bakit kilalang-kilala niya 'yong Paolo na 'yon.

"Ibang klase rin talaga si Gov ano? Ang cool niya talaga." pahayag ni Bea.

"Oo naman. He is cool. At sobrang bait pang Ninong. Lagi akong binibigyan ng regalo nun." proud na sabi ni Joan. So, Ninong niya pala si Governor Bustamante.. kaya siguro kami nandito dahil close sila ng anak ni Gov.

Hindi na kami nagtagal sa party dahil bored na 'yong mga kasama ko. Mula sa party ay dumretso na ako sa boarding house dahil pagod na rin ako. Nag palit ako ng damit pantulog at humiga sa kama ko. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Nakita kung mayroong text doon galing kay Joann.

Joann:

Val, samahan mo ako sa Mall bukas. I need to buy something. Susunduin nalang kita bukas. Night.

Ibinaba ko na ang cellphone at pinikit ang mga mata ko. Nakakapagod din pala ang sumama sa mga kaibgan ko. Naalala ko tuloy 'yong lalaking mayabang. Gwapo naman talaga siya kaya lang mayabang. Haaay! Ba't ko ba siya iniisip. Erase. Erase.

Iyong Paolo naman na anak ni Gov, ba't ayaw niya ng ganoong party? Db sa America siya nag-aral? Bakit kaya para sa akin mailap siya sa tao? Baka naman napagod lang siguro 'yon sa byahe. Pero kahit na, dapat nagpakita pa rin siya! Nageffort kaya 'yong tatay niya para mabigyan siya ng party. Ang sama naman ng ugali nun. Ayaw ko talaga sa mga taong walang galang at pagpapahalaga. Well, hindi ko pa siya nakikila pero ngayon pa lamang ayaw ko na sa kanya. Paolo Bustamante, ayaw ko sa'yo.

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon