Kabanata 15

15 1 0
                                    

#I'll go with you

Mabilis na lumipas ang mga araw at 'di ko namamalayan na malapit na pa lang matapos ang semester.

"Anong balak niyo ngayong break?" Sabi ni Dimple. Nasa isang coffee shop kami ngayon.

"I don't know. Pupunta siguro akong Boracay." Rose said. Well, mayaman kasi kaya ayos lang na pumunta sa Boracay. She's always like that. Wasting money.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa Boracay Rose? Nakakasura na dun."

"Of course not! Boracay is a very relaxing place, Joan."

"Yeah, right." Sarcastic na sabi ni Joan.

"How about you Val? Saan ka pupunta?"

"Province. Ito lang ang panahon na pwede kong makasama ang pamilya ko. Na mimiss ko na rin sila." I miss my family. Halos ilang buwan ko na rin silang hindi nakikita. Namimiss ko na ang sariwang hangin.

"You'll miss JP." Saad ni Joann na nagpahagikgik naman sa aming mga kaibigan. Sumila nang makauwi kami from the trip ay lagi na lamang nila akong tinutukso.

Hindi ko nalang sila pinansin. I smiled. Alam ko naman sa sarili ko na totoo iyon. I'll miss him. Sumila nang makauwi kami galing sa farm ay mas nagging close kaming dalawa. Hinihintay niya ako tuwing shift ko sa library. Hinahatid niya rin ako sa boarding house. Iniisip tuloy ng mga tao na kami na. Well, hindi pa naman. I like him. I'm happy to have him around ngunit hindi ko alam kung kaya ko ng pumasok sa isang relasyon.

Pagkatapos naming tumambay sa coffee shop ay nag pasya akong pumunta sa National Bookstore. Nasisiyahan ako tuwing napapaligiran ako ng mga libro. I'm a bookworm. And I'm proud to be one.

Nag ring ang cellphone ko at nakita kong si JP ang tumatawag.

"Where are you?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Oh, hello JP. Iba na talaga ang pagbati kapag tumatawag ngayon." I said. Natatawa ako habang naiisip ang kanyang reaksyon.

"Yeah, right. Where are you, Val?"

"Why?" Gusto ko siya inisin. He's always like that. Mas lumala yata ngayon. Lagi niya ako minomonitor. I kinda like it.

"C'mon, tell me where are you?" Matigas niyang sabi.

"Mall." I said.

"What Mall?" Ang kulit din ng isang ito.

"Oh don't tell me pupuntahan mo ako dito? Naku, 'wag na. Uuwi na rin ako eh."

"So, susunduin nalang kita. What mall, Valerie?"

Wala na akong nagawa. I told him kung nasaan ako at mabilis naman siyang nakarating. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya. I don't even know where are we going.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"You'll find out soon." Ganun? Kailangan talaga suspense?

"Ba't 'di mo nalang sabihin? Malalaman ko rin naman mamaya eh?"

"That's the point. Malalaman mo mamaya so you wait." He said. Bossy.

Hindi na ako nagsalita. I don't want to argue with him. Napansin ko lang medyo malayo na kami sa syudad. Pinagmasdan ko nalang ang tanawin.

Bigla ko nalang naisip ang tungkol sa semestral break.

"Ahhhm, JP." I said. I think kailangan ko sabihin sa kanya.

Tumingin siya sa akin sandali at agad ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. "What is it, Val?"

"Malapit na ang sembreak. Uuwi ako sa amin. Ahhmm, I just... Ewan, tingin ko dapat ko ipaalam sa'yo." Natatawang sabi ko.

"I like that. 'yung sinasabi mo sa akin ang mga lakad mo." He said. Sumilay sa kanyang mukha ang isang gwapong ngiti.

"Heeeh!"

"Ikaw, saan ka?" Tanong ko.

"I'll go with you." Dretso niyang sabi.

"WHAT?!"

"What? That's my plan. To send the whole sembreak with you."

"You can't do that. Province iyong sa amin." Hindi siya pwede dun. My God! Ang mga taga-amin ay siguradong magugulo sa kanya.

"I'll love that. Whatever you say, sasama ako. "

"Ba't gusto mo sumama ha?" Sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay. This guy!

"I'll ask permission from your Mother. I'm courting you. I'll court your family, too." Sabi niya. Tama ba ng narinig ko? Shit!

Nang Makilala KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon