The Past
Waiting and hoping are almost alike. Waiting for something to come and hoping for that something to happen. But those things needed actions. Actions to let waiting and hoping be moments. Moments to happiness.
Pagkagaling ko sa radio station ay tila walang nangyari. Hindi alam nila Gab kung saan ako nanggaling. Nagdahilan na lang ako na may inasikaso ako kunwari. Kahit pa panay ang tanong nila ay wala silang makuhang sagot kung saan ako nagsuot. Kailangan ding hindi ipinapaalam ang mga gawain mo sa ibang tao para naman hindi bawat detalye ng buhay mo ay alam nila.
Hindi pa man natatapos ang awarding ay umuwi na ako. Kahit hinarang pa ako ng guard bago lumabas ay nakauwi naman ako. Sinabi kong masama ang pakiramdam ko kaya wala na siyang nagawa kundi ang palabasin ako. Gusto sana akong ihatid ni Gab at ng mga friends ko pero pinigilan ko sila. Ang clingy nila masiyado na tipong nakakatakot na dahil baka masanay ako na lagi silang nandiyan at mas mahirap mawalay sa kanila kahit sandali lamang.
Isang linggo ang nakalipas na hindi ako nagpaparamdam sa mga kaibigan ko at kay Gab. Sinamantala ko ang semestral break para bigyan ng oras ang sarili ko. Oras para maipahinga ang utak ko sa kakaisip ng kung anu-ano. Kapag tinakbuhan mo ang problema mo, panandaliang pagkalimot lang ang nangyayari. Pero kapag hinarap mo naman ay ganun din, pilit mo mang kalimutan ay nandiyan pa rin. Tila nananadyang kumakaway sa harapan mo.
"Gurl san ka na?" Bungad ni Emery nang sinagot ko ang tawag niya.
"Uhm. Bed." Inaantok kong sagot.
"Naku! Isang linggo ka nang ganyan ha. Enrollment na." Naiinis niyang sinabi.
"Hanggang what time enrollment?" Tinatamad kong tanong habang tumatayo mula sa kama.
"Ikaw, hanggang anong oras ka pa diyan? Pumunta ka na dito. Bilisan mo." Aniya saka ibinaba ang tawag.
Naligo ako ng normal, iyong normal kong ligo na halos isang oras. Hindi ko ininda ang nag-aantay na sina Emery sa akin sa Rizal Colleges. Naawa tuloy ako sa phone ko na tadtad ng texts at missed calls.
Magmamadali sana akong pumunta ng RC kaso late na rin naman ako so sagarin ko na. Magagalit din naman ang mga friends ko hayaan na, ganun din naman.
"Wow! Like a model ah. Grand entrance!" Sarkastikong sinabi ni Emery pagkadating ko.
"Sungit mo besh!" Sabi ko sa kaniya.
"Panong di magsusungit. 10:30 na Cass. Iniwan na ako nila JP at Lady kahihintay sayo. Tas panay pa ang tanong ni Gab sa akin. Isama mo pa ang init dito. Naku! Alarm clock talaga ireregalo ko sayo." Litanya niya.
"Dapat nauna ka na." Walang-gana kong sagot.
"Naku!" Inis niyang sinabi saka ako isinama sa pila sa Registrar's Office.
Maiksi lang naman ang pila sa College namin hindi gaya nung sa College of Business kaya natapos din kami agad. Same block pa din kami, kung sino ang mga kaklase namin nung first sem ay iyon pa rin hanggang ngayon.
Tulad nung nakaraan ay hindi ulit ako nagparamdam sa kanila matapos ang enrollment. Pasukan na ngayon at para na naman akong bata na naninibago sa paligid na ginagalawan ko.
Dahil maaga na naman ang klase namin ay nagkukumahog na naman ako dahil tinanghali na naman ako ng gising. Major subject pa naman ang una naming klase.
"Sorry." Sabi ko sa nabunggo ko na hindi ko man lang nilingon dahil sa pagmamadali ko.
Hinihingal pa ako nang makarating ako sa room namin. Bakit ba kasi sa 4th floor pa ang Degree Program namin. Wala namang elevator. Kainis.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
General FictionIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?