Different Sides
Falling inlove can be the happiest and the most painful feeling a person can experience. Masaya kung mahal ka din niya at kaya niyang tumbasan ang pagmamahal mo. Masakit hindi lang sa dahilang hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal mo kundi sa masakit na kadahilanang may mga bagay talaga na hindi para sa iyo at isa doon ang taong mahal mo. Pero nasusukat nga ba ang pag-ibig? At ang kasiyahan at sakit ay kung mahal ka niya o hindi?
To love and to be loved is the reason why people are having different kinds of emotions, the root of different things and feelings. Kapag nagmahal ka most of the time nakakalimutan mo ang sarili mo, most of the time today is like forever at kapag natapos na you wish that today was like yesterday.
Sabi nila hindi mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao o kung gaano mo kamahal ang isang tao hanggat hindi ito nawawala sa iyo, then bakit kailangan pang mawala para lang malaman mong mahal mo talaga siya? Maybe because love is pain and pain is love. Kung handa ka nang masaktan, handa ka na ring magmahal at kung handa ka nang magmahal ay dapat handa ka na rin masaktan. Love is complicated but people love to love. Kahit pa mayroong sakit na mararamdaman, marami pa ring sumusugal, maraming tumataya, maraming nakikipaglaro at maraming nakikipaglaban sa larangan ng pag-ibig.
Totoo nga bang takot akong mahulog? Totoo nga bang iniiwasan ko ang mainlove? Maybe, yes or no? Thoughts are keep running on my mind. Hindi naman ako baguhan sa pag-ibig para mapaisip ng ganito, I’ve been inlove and that love was so painful, so painful that I forgot how to and what’s the feeling of being inlove. It is true that pain can really change a person. At minsan kapag nasaktan ka domino effect na, everything will mess up. I’m so afraid to feel those sht again, the reason why now I’m here trying every single day not to care, trying not to feel and trying to be brave enough not to fall from whoever again.
Days passed at hindi ko namalayang next week ay pasukan na at hindi pa ako nakaka-enroll.
“Tita Meg I’m going.” Pagpapaalam ko.
“Alone?” Tanong niya.
“Yup. Don’t worry.” Sabi ko saka ngumiti.
“Okay. Take care and be home early.” Aniya.
Tumango lang ako saka humalik sa pisngi niya.
Safe naman akong nakarating ng Rizal Colleges at tumambad sa akin ang madaming estudyante na nakapila sa iba’t ibang mga offices para makapag-enroll. Dumiretso ako sa SDS Office para malaman ba kung nakapasa ako kahit alam ko naman sa sarili ko na papasa ako. As expected, I passed in Accountancy program. After SDS umakyat ako ng 4th floor para sa interview ng Dean, required daw iyon sabi nung babae doon sa may SDS.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na ako nagpasama kay Tita Meg dito ay dahil gusto kong maranasan kung paano maging normal at simpleng tao, walang palakasan para hindi makaramdam ng pagod at hirap. Gusto kong malaman kung paano nangyayari ang mga bagay-bagay para sa mga simpleng tao na walang iniingatan at kinakatakutan na pangalan. Mainit at nakakapagod ang pumila at magpabalik-balik para makapag-enroll.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
Ficción GeneralIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?