Driver
Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Sa sobrang pagod ko kasi yumuko na lang ako habang nag-aantay kanina kay Kuya Vince.
"What happened?" Biglaan niyang tanong matapos makapasok sa kotse ko.
"Let's just go home kuya." Walang lakas kong sagot.
Halata ang pag-aalala sa mukha niya pero nirespeto niya ang sagot ko. I'll tell it to him, just not now 'coz I feel so drained.
Every time I close my eyes, nararamdaman ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. Akala ko naubos na kanina pero mayroon pa pala. Buong byahe siguro akong umiiyak hanggang sa makatulog na lang ako basta. Pag gising ko kasi nasa kwarto na ako dito sa bahay ng lola ko na tinutuluyan ko sa Makati. Ilang oras din siguro akong nakatulog pero ramdam na ramdam ko ang mabibigat kong mga mata dahil sa pamamaga nito.
Bumangon ako at nagpalit ng damit. Matapos iyon ay lumabas ako ng kwarto nang mapansin kong nasa veranda si Kuya dito sa 2nd floor ng bahay. Agad akong nagpunta sa kaniya at umupo sa may katabi niyang upuan.
"Kamusta?" Malumanay niyang tanong.
Hindi agad ako nakasagot. Ano bang tamang isagot sa tanong niya?
"Want some? Baka makatulong." Aniya sabay alok ng baso na may lamang alak.
Hindi ko tinanggap ang baso. Mas ok siguro na magkwento ng normal. Teka lang, normal pa ba ito? Normal pa ba ang sakit na nararamdaman ko?
"How many years sis?" Muli niyang tanong.
"Ha?" Naguguluhan kong sinabi dahil hindi ko maintindihan ang tanong niya at kung para saan ba iyon.
"Gab." Simple niyang sagot sabay inom ng alak mula sa baso niya.
"3? 4? That was 4 years ago kuya." Matabang kong sagot.
"He's the reason again?" Aniya saka nagsalin muli ng alak sa baso niya.
"I don't know." Sagot ko tapos ay tumingin sa malayo.
"Do you still love him?" Seryoso niyang tanong habang nilalaro ang baso na hawak niya.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam.
"Silence means what?" Halakhak niya.
"I don't know kuya. I've been through a lot of pain. You've seen it. 4 years ago, it was like hell. Sobrang sakit. He left just like that, no single word. And now he's here. Siguro nagulat lang ako." Paliwanag ko habang napapaisip.
"Nagulat? You're just kidding right?" Hindi makapaniwala niyang sinabi habang umiiling-iling pa.
"Did you cry when Josh broke up with you?" Dagdag pa niya.
Umiling lang ako.
"Two words baby girl. Stop running." Seryoso niyang sinabi.
"What?!" Alma ko.
"4 years ago, you've been thru hell and you just kept it. Everything. All the pain, the hatred, the bitterness and the love that you're feeling for him. Tumakbo ka na naman. Pinaniwala mo kami at ang sarili mo na ok ka na. Pero hindi. Tinabunan mo lang si Gab diyan sa utak at sa puso mo. And thanks to Josh kasi kahit papano nandiyan siya para malibang ka. Sa iyak mo kanina, it's not like you're just shocked. Hindi ka lang nagulat. You're still hurt. Kasi iyong tinabunan mo, iyong binaon mo, bumalik at nagpakita sayo muli. At mas masakit kasi akala mo tapos na, akala mo wala na pero mahal mo pa pala." Dire-diretso niyang sinabi.
Hindi ko makuhang magsalita. Hindi ko masabi kung tama ba siya o mali. Nabablanko na ako.
"I know that you loved Josh pero hindi katulad ng kay Gab. Maybe you're hurt when Josh broke up with you pero mas masakit pa rin iyong pag-iwan sayo ni Gab. Nakabunggo mo lang siya kanina pero look at you, you're a mess." Muli niyang sambit.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
General FictionIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?