Goodnight
As usual pagkatapos kong kumain nasa kwarto nanaman ako at paikot-ikot sa loob nito. Nahihirapan akong mag-isip kung ano ang magandang gawin. Ayoko namang bumaba dahil nandoon ang mga kabarkada ni Kuya na masiyadong feel at home sa bahay at gusto na yatang dito na tumira. Grabe lang, sobrang nag-enjoy ata sila sa pag-stay dito at mag-eextend pa sila hanggang mamaya. Tss.
“MJ! MJ! MJ!” Sigaw kong tawag kay MJ habang papalabas ng kwarto.
“Ano ba iyon Ate Cass? May sunog ba?” Iritable niyang sagot nang patakbong tumungo sa akin.
“Come here, may pag-uusapan tayo.” Pag-aaya ko sa kanya sa loob ng kwarto.
“Kung hindi importante huwag nalang.” Walang kagana-gana niyang sagot.
Agad ko siyang hinila papasok ng kwarto.
“May itatanong ako pero sikreto lang natin.” Panimula ko.
“Bilisan mo magluluto pa TAYO para mamaya.” Aniya at inemphasize talaga niya iyong word na tayo.
“PMS Brad? Sungit natin ah.” Pang-aasar ko.
“Tss. Dyan ka na nga.” Sabi niya saka nagbabadyang umalis na sa kwarto.
“Magkabarkada ba talaga sina Kuya Neil at iyong team ni Montes?” Diretso kong tanong.
“Bakit?” Kunot-noo niyang tanong.
“Kasi di ba nung nakaraan parang inis si Kuya Neil doon kay Montes saka sabi niya ang yabang daw.” Pagpapaliwanag ko.
“Ah, iyon ba. Hmm, ano namang paki mo doon?” Makahulugan niyang tanong.
“Hoy! Mas matanda ako sayo sumagot ka na lang.” Pagbabanta ko sakanya.
“AYOKO nga, sagutin mo din ang tanong ko.” Aniya.
“Kasi hanggang ngayon nandito pa sila at naiinis ako sa kanya at pabor sa akin kung galit si Kuya Neil sa kanya.” Singhal kong sinabi sa kanya.
“Hahahah. Bakit Ate Cass? May gusto ka ba kay Gab and what’s with the surname?” Pang-aasar niya.
“Hahahah! End of the world na?!” Sarkastiko kong sabi.
“You’re interested with him, eh di ba dapat nga si Josh ang itinatanong mo sa akin.” Mapangutniya niyang sinabi.
“I just don’t like him and I don’t like Josh either, end of the story. Shoo umalis ka na nga.” Pagtataboy ko sa kanya.
Umiiling-iling siyang lumabas ng kwarto. Naku! Kaasar! Argh! Pagbintangan ba akong may gusto sa mokong na iyon. Gusto ko lang naman malaman kasi si Kuya Neil bihira iyong magsabi ng masama sa isang tao like mga negative things or attitudes na napansin niya or else may mabigat na dahilan tapos ininvite niya pa dito at ginawa pang bakasiyunan ang bahay nila, may dahilan iyon for sure. Hindi naman siya big deal for me, I’m just curious. I’m like that, if something bothers me I’ll make ways to know everything kaso this time mukhang napasama coz MJ thinks something. Seriously? Gab and Me? Si Josh pwede pa. Hohoh.
Easy Cassy bawal pang lumandi saka na kapag kilala mo na. Hahahah.
“Cassy.” Tawag nung kumakatok sa pintuan.
I didn’t answer and pretended that I’m sleeping.
“Cassy.” Tawag ulit niya.
“Cassy kakakain mo lang kanina ah, tulog ka nanaman? Kaya pala tumataba ka na.” Aniya sabay tawa.
Akala mo Kuya Neil ha? Laos na iyan huy.
“Kapag hindi ka sumagot ngayon din papapasukin ko si Josh diyan ngayon at ilolock kayo.” Pagbabanta niya.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
Fiksi UmumIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?