The Deal
“Hahahahahahah. Try harder Gab.” Basag ko sa seryoso niyang sinabi.
Alam ko ang mga ganitong sitwasiyon, mga galawang playboy. Taga-probinsiya ako pero hindi ako inosente sa mga ganitong bagay. Hindi naman ako tao sa mula para maniwala sa mga sinsabi niya. Seriously? Lumaki akong kasama ang mga kapatid at pinsan kong panay mga lalaki isama mo pa ang mga kabarkada ko na karamihan ay mga lalaki din kaya alam ko kung paano sila magpaikot ng mga babae.
Tumingin lang siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko sa sinabi niya.
“Hahahah.” Patuloy ko lang siyang tinawanan at saka umiling-iling pa.
“What’s funny about that Cass?” Naiinis niyang tanong.
“You and your words.” Sabi ko habang tumatawa.
“Funny or cheesy?” Aniya.
“Seriously? Hahahah. None of the two.” Sabi ko nang hindi parin mapigilan ang tawa ko.
“You’re really something Cass.” Aniya.
Try harder Gab. Kung si Josh nga hindi lumusot, ikaw pa kaya na kinainisan ko sa first meeting natin. Gwapo siya, oo, katulad ni Josh pero mas malakas ang dating nitong si Gab kaso wala talaga eh, ayoko.
I’m not like the other girls na sabihan lang ng mga matatamis na pambobola at matatamis na salita ng mga lalaki ay parang natutunaw na sa kilig, maybe before but now? A big NO for that. I admit that I felt something weird when he kissed me sa cheek at nung tumawag siya na nagpaparamdam ng kung ano pero hanggang doon na lang iyon. Natuto na ako at hindi nakukuha ang mga babae sa matatamis na salita lang at kapag nahulog ka na nang lubusan ay ikaw din ang masasaktan. Boys will always be boys, sa una lang sila magaling kaya dapat wise ang mga girls.
After 1 month
“Cass, nood ka naman ng finals mamaya.” Sabi ni Kuya Neil habang nagwowork-out.
“Championship na?” Tanong ko.
“Yup. Nood ka ha?” Aniya.
“Sinong kalaban niyo?” Usisa ko.
“Sina Gab.” Sabi niya at tumigil na sa pagwowork-out.
“Ah. As in last game na ba?” Tanong ko.
“Oo. Bakit?” Sagot niya.
“Ah. Wala lang. Sige manonood ako.” Sabi ko nang may biglang dumating.
“Josh pare.” Bati ni Kuya Neil kay Josh sabay apir.
“Hi Cass.” Nakangiti niyang bati sa akin.
“Ready ka na ba mamaya?” Baling niya kay Kuya Neil.
“Ako pa ba.” Pagyayabang ni Kuya Neil.
“Cass, manonood ka ba?” Tanong niya sa akin.
“Yup.” Matipid kong sagot.
“Pare sa tingin ko panalo na tayo nito.” Nakangisi niyang sinabi kay Kuya Neil.
Gabi iyong championship game nila Kuya Neil at halatang championship nga dahil sa dami ng tao ngayon dito. Kung hindi ko pinsan si Kuya Neil ay paniguradong nakatayo ako ngayon para lang makanood. Both teams ay ang daming fans at karamihan ay mga babae dahil sa lakas ng kanilang mga tilian.
“MJ they were friends right?” Tanong ko kay MJ kahit ang ingay ng crowd.
Tumango lang siya at inaantay na magstart ang game.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
Ficção GeralIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?