Chapter 1

3.6K 38 0
                                    

Ballpen

Yesterday was a blast!

Ano na kayang ginagawa ngayon ni Daddy. Natatawa ako tuwing naiisip ko yung mga pinaggagawa ko. Ito na ata ang pinakamalala.

Last month, nabangga ko yung car na binili niya for me, early gift niya for my 18th birthday. I mean ibinangga ko pala. Yup sinadya ko, kasi naman binigyan niya lang ako ng regalo para masabing isa siyang mabuting ama. Really? Pati sa anak kailangan may pulitika, nagpapaganda ng pangalan. Buti pa nga ibang tao nabibigyan ng attention pero ako? WALA. Pampam na nga ko madalas pero puro walang kwenta lang naririnig ko from him. Ako na nakakapangit lang sa pinag-iingatan niyang pangalan. Eh di siya na butihing mayor sa Nueva, Ecija. Eh di siya na, ngayon mararamdaman niya mawalan ng anak, kung tinuturing nga niya kong anak.

Well, isa lang yan sa mga kalokohan ko and enough of the drama, face the reality na.

Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. Hi guys and gals! Cassandra Marie Enriquez Montenegro here. Do I need to describe myself? Hmm, I have a long brown hair, 5’4 ang height I think, slim, maputi, may matangos na ilong, manipis na labi at dark brown eyes. Mukhang mataray daw ako sabi ng friends ko, and I am a rebel with a purpose.

Like what I’ve said, anak ako ng mayor at ng isang business woman, my mom owns a shoe shop. I have 3 brothers, sina kuya Knox, kuya Macky, and kuya Vince, so unica hija ako. Mayaman kami at maimpluwensiya kaya I have everything BEFORE, BEFORE I runaway. Naglayas ako a night before my birthday party, kaka-18 ko lang kahapon at nakakaisang araw na kong nabubuhay na wala ang mga bagay na nakasanayan ko. Kung inaakala niyong walang wala talaga ako ngayon, well hindi naman ganoon kalupit ang buhay sakin. Hindi naman ako aalis na walang wala talaga. Syempre, kailangan iwan ang lahat ng ibinigay ni Dad para wala naman siyang masabi na hindi ako mabubuhay na wala ang pera niya.

Ngayon, nandito ako sa Binangonan, isang bayan sa Rizal and this place is too far from Nueva Ecija. It’s like 6 to 8 hours ang biyahe. Ewan ko lang kung mahagilap pa ako nun dito. Paano ako napadpad dito? Hmm, my aunt resides here at pumupunta ko dito every summer vacation na hindi napapansin ng family ko kasi busy sila parati, hindi din nila alam dahil lagi akong tumatakas sa mga body guard at sanay na sila sa pagtakas ko. So I’ll live here and I’ll stay here for good. No plans yet but I will study here and will start a new life. My family won’t know that I’m here because my aunt understands more than them so walang magsusumbong and they won’t bother to care baka nga mas iniisip pa nila yung pagkakapahiya nila sa paghahanda, yung mga nagastos at yung mga sasabihin ng iba kesa sa pagkawala ko.

Since summer vacation na at college na ako sa pasukan. Sabi sakin ni tita mag entrance exam na daw ako para hindi daw ako mahuli. Kung sa N.E. ito naku no entrance examination needed ok na ang lahat. Hay, ano kayang ginagawa ng mga friends ko doon? Hindi ko naman sila macontact kasi nagpalit na ako ng number at dineactivate ko lahat ng account ko and for sure kapag nalaman nilang poor na ako baka they won’t include me na as their friends. Tsk. Sira ang planong magka-college sa isang university, sinira ko ung plano ko. Nakakatawang isipin talaga na mauuwi ako sa ganitong sitwasiyon. Hindi ko akalain na makakaya kong talikuran ang lahat ng mayroon ako. Well, kaya ko nga ba? Of course, kakayanin! Pride nalang ang masasabi kong akin talaga sa mga ganitong panahon.

tik tok tik tok

Ang bagal ng oras. 8 am pa lang so 2 hours na pala akong nagmumuni-muni. Wait! 8 am na? Oh no!

“Cassy, iha ano bihis ka na ba?” Sabi ni tita.

Sabi na eh, nadala ako ng journey ko ah.

“Uhm, tita … ba-bago pa lang po ako maliligo” Nag-stutter pa ako.

The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon