Chapter 5

1.4K 29 15
                                    

Phone Call

Gumising ako na sobrang sakit ng ulo ko at sariwa pa lahat sa memorya ko ang mga nangyari kagabi.

Goodnight and next time be ready.

Goodnight and next time be ready.

Goodnight and next time be ready.

Argh. Be ready of what Gab? Kapag mag-gogoodnight kailangan may halik sa pisngi? Bakit ba iniisip ko pa iyong pangyayaring iyon? Easy Cass sa pisngi ka lang hinalikan wala namang nawala sa iyo, hindi naman nawala ang pinag-iingatan mong V. Argh. Bakit pa kasi kailangang may pahalik-halik pang nalalaman? Una, hindi ko naman siya boyfriend at pangalawa, bakit nga niya ako hinalikan sa pisngi? Naku! Nababaliw na ako dito na nakikipag-usap sa sarili ko. Paano ako bababa ngayon nito, for sure hindi pa sila nakakaalis sa bahay ngayon kasi para namang wala silang planong umalis. Argh. Papaakyat na lang ako siguro ng pagkain dito. Teka lang, bakit ba ako apektado?

“Good morning Ate Cass.” Nakangising bati ni MJ sa akin pagkababa ko.

Nginitian ko lang siya at saka umupo sa hapag kainan. Yup, bumaba din ako sa kadahilanang ginugutom na ako at mas importanteng alagaan ko ang aking sarili kesa isipin ang mga walang kwentang bagay.

Feeling ko ay ito ang pinakamahabang oras kong naranasan habang kumakain. Hindi ako makakain ng maayos dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. I guess I’m right dahil nakita kong nakatingin si Gab sa akin gamit ang matatalim niyang mga titig at ang nakangiting si Josh. Dahil si Josh ay nakangiti nginitian ko din siya at nakita kong tumikhim si Gab.

Matapos kumain ay niyaya ako ni Kuya Neil na makipagbonding daw ako sa kanila dahil alam daw niya na aakyat na naman ako sa kwarto at magkukulong magdamag doon at lumalabas lang daw ako kapag kakain na. Eh sa lagay hindi ko feel ang mga kabarkada niya eh lalo na at may 2 pa na feeling ko ay magpapasakit ng ulo ko ngayon at sa mga susunod pang mga araw. Argh.

“Cassy.” Tawag ni Kuya Neil nang mapansin niyang nanahimik akong nakaupo at hindi nakikihalubilo sa kanila.

Kunot-noo ko lang siyang tinignan bilang tugon. Nang mapansin niyang wala akong planong magsalita ay itinuloy na lang niya ang pakikipagkwentuhan sa mga kabarkada niya. Naisip ko lang, ang bait naman ni Tita Meg kasi ilang araw na nandito iyong mga kabarkada ni Kuya Neil pero ok lamang sa kanya at dito pa lagi kumakain at nakikitulog. Ganoon ba talaga sila kaclose sina Kuya Neil at ang barkada niya?

“Hahahah. Mga pare tandaan niyo tatalunin na namin kayo ngayong taon.” Narinig kong sinabi ni Kuya Neil sa mga kabarkada niya.

Dalawang grupo nga pala ang nandito. Magkakabarkada sila pero magkaibang team.

“Eh paano kapag natalo ulit kayo?” Nakangising sambit nung isa.

“Eh di kayo ang nanalo. Hahahah.” Tawang sagot ni Kuya Neil.

Kahit kailan talaga pilosopo ang pinsan ko.

“Magpustahan na lang tayo mga pare.” Wika noong isa.

“Osige, game ako diyan.” Excited na sagot ni Josh.

“Ok. Anong klaseng pustahan naman?” Tanong ni Kuya Neil.

“After the game na lang para mas exciting.” Seryosong sambit ni Gab.

“Ano na namang pinaplano mo Gab?” Kunot-noong tanong ni Kuya Neil.

Nagkibit-balikat lamang si Gab saka sumandal na sa kanyang kinauupuan.

“Kilala kita Gab, madumi kang maglaro.” Naiinis na sinabi ni Kuya Neil.

The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon