Mine
Dahil sa sagutan na ginawa nila sa harapan ko ay pareho ko silang iniwan doon sa may rooftop. Pumunta ako dito sa Binangonan upang mawala sa sistema ko ang mga problema ko. Duwag na kung duwag sa pagtakas na ginawa ko, pero may mga pagkakataon talagang hindi ko na kaya at pagtakas na lang ang tanging naisip ko. Tapos ngayon ay dadagdagan pa ng dalawang lalaking iyon. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang ginawa ni Josh kanina, pero si Gab? Hindi ko talaga maintindihan kung anong nasa utak niya. Minsan nangungulit, minsan deadma. Kung ano mang trip niyang gawin ay huwag na sana niya akong idamay pa, please lang.
Dahil kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad ay may nabunggo na naman ako.
“Hey Miss! Tanga ka ba?” Aniya
“Sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi ko habang nakatungo.
This is my 2nd time na magsorry sa kung sino. Tch.
“Sorry? Mawawala ba nun ang fact na binunggo mo ako?” Pagtataray niya.
Hindi ako sumagot dahil naiinis ako sa tabas ng dila nitong babaeng ito.
“Aba! Aba! Nakain mo ba ang dila mo at hindi ka makasagot ha?!” Patuloy niyang salita.
“Tanga ka nga para hindi mo ako makita at mabunggo mo dito sa daan.” Dagdag pa niya.
Déjà vu? Tinignan ko kung sino ang nabunggo kong babae. And I found out na déjà vu nga.
“Oh it’s you again.” Nakangisi kong sinabi.
Nagulat siya nang magsalita ako bago siya muling nagsalita.
“How many times mo pa ako bubunguin ha?” Pagtataray niya.
“As if naman na gusto kitang bungguin.” Sagot ko habang natatawa.
“Try not to mess with me girl.” Pagbabanta niya.
Nilapitan ko siya bago sumagot sa banta niya.
“Try not to mess with me too kiddo.” Bulong ko sa kanya nang nakangisi.
Halata ang inis at pagpipigil niyang saktan ako dahil nakakuyom ang mga kamao niya at tila umuusok na ang ilong niya dahil sa panlalaki ng mga butas nito.
“Dapat kinikilala mo ang binabangga mo.” Aniya habang inis na inis.
“Oh. I already know you. Roxette right? Roxette Dela Cruz.” Walang gana kong sagot.
“Good thing.You must know also that I’m the daughter of the Campus Director.” Pagyayabang niya.
“Ah.Ok. Now I know. Thank you.” Sagot bago umalis.
“And by the way. I’m not scared.” Dagdag ko saka tuluyang umalis.
Laglag ang panga niya sa sinabi ko. Anak lang siya ng Campus Director kaya wala siyang karapatang takutin ako o kahit sino pang mga estudyante dito sa Pamantasan na ito. And besides, kaedad ko lang siya at kung gamitin man niya ang posisiyon ng dad niya, I’m still not scared. Alam ko kung paano maging anak ng isang makapangyarihang tao, kaya alam ko din na hindi ganoon basta-basta magagamit ang privilege na iyon. Most of the time, hindi nga eh. Dahil most of the time ay mas pinapangalagaan pa ang iniingatang pangalan kesa sa kapritso ng anak.
First day palang pero naiinis na ako kaya naisipan kong uuwi na lang ako. Alam kong wala sila Tita Meg sa bahay dahil may work siya, wala si MJ dahil may pasok na din siya, at wala rin si Kuya Neil dahil magtatrabaho na daw siya. Sasakay na lang ako ng tricycle ay may pumipigil pa sa mga plano ko upang masolo ang bahay.
“Ano ba!” Singhal ko sa kaniya.
“May klase na tayo. Tara.” Aniya sabay hatak sa akin pabalik ng Rizal Colleges.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
Ficción GeneralIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?