Chapter 40

775 8 0
                                    

Mister

Umuwi rin si Gab matapos ang ilang minuto. Hinayaan ko lang siya kasi may pasok na rin naman ako kinabukasan. Ghad! I'm already engaged. Seriously?!

Kumikinang-kinang ang bato sa singsing na suot ko sa kanang kamay ko. Parang panaginip lang ang lahat. Tila kahapon lang ng bumalik siya tapos ngayon kami na ulit and we're engaged. I'm too happy to think of the negative things. I just want to enjoy every bit of happiness that I have right now.

kring kring kring

"Good morning Miss. Bangon na! Nandito na sa baba ang fiancee mo." Magiliw niyang sinabi habang natatawa.

Nakapikit pa ako nang sagutin ko ang tawag. Anong oras pa lang ba?

"Miss. Bangon na o aakyatin kita diyan?" Pilyo niyang sambit.

Napamulat ako sa sinabi niya at agad kong tinignan ang alarm clock na nasa mini table sa gilid ng kama ko.

"Fvck! 5 am pa lang." Bigla kong mura.

Agad niyang ibinaba ang tawag. Ala singko pa lang kaya. Argh. Inaantok pa ko. What time na rin kaya siya umuwi kagabi. Bahala siya diyan.

Naramdaman ko ang unti-unting paglubog ng kama ko at ang mainit na hininga sa aking tainga.

"Still sleepy?" Bulong niya habang hinahapit ako papalapit sa kaniya.

Nakayakap siya mula sa likod pero sigurado ako na nakangisi ang loko. Kaya nagpangggap ako na natutulog pa.

"Ang pinaka mahirap na gisingin ay ang taong gising." Natatawa niyang sinabi.

Not effective Gab. Hahahah. Bahala ka diyan.

"I'll count." Banta niya.

Nagpatuloy lang ako sa muling pagtulog.

"One. Two." Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko.

It sends shivers down to my spine but hell no. Antok pa talaga ako. Inaantay ko ang three nang bigla niya akong itihaya.

"Three." Nakangisi niyang sinabi sa gulat kong mukha.

Masiyado akong gulat kasi halos daganan na niya ako. Papalapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Nang sobrang lapit na ay saka ko siya itinulak ng buong lakas.

"Anong meron?" Tanong ko matapos makasandal sa head board ng kama ko.

"Good morning ha."Nang iinis niyang sagot.

"May relo ka ba?" Iritable kong sinabi.

"Banat ba iyan? Oh sige, bakit?" Nagpipigil tawa niyang sambit.

"Hindi." Agaran kong sagot. "5 am pa lang, anong oras ka na umuwi kagabi. Mamaya pang 8 ang pasok ko. Don't tell me trip mo lang, baka mapagtripan ko ding sapakin ka." Tuloy-tuloy ko pang sinabi.

"Easy, gusto ko lang namang masulit ang bawat oras." Paglalambing niya saka hinawakan ang kamay ko.

"Asus. Wala ka lang magawa e." Sagot ko habang hinahayaan siyang laruin ang singsing sa kamay ko.

"Araw-araw akong may ginagawa. Bukod sa mabuhay para sayo, siyempre araw-araw kitang iniisip at minamahal." Dire-diretso niyang salita.

"Angswet mo naman." Basag ko sa kaniya at nagbabadyang tumayo. "I'll just take a bath." Dagdag ko sabay kurot sa matangos niyang ilong.

Paglabas ko ng banyo ay seryoso siyang nakaupo sa may kama.

"Wow. Ang seryoso ah." Sambit ko nang makatabi na ako sa kaniya.

The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon