Chapter 29

804 12 12
                                    

Someday

Sa pagsasara at pagtatapos ng isyu tungkol kay Kuya Neil ay sana isang totoong panibagong simula na ang mangyari sa buhay ko. Isang simula na kasing aliwalas ng isang mahabang kalangitan kung saan may bagong sibol na bahaghari. Isang bahaghari matapos ang isang unos. Unos gaya ng ulan sa buhay ko. Ulan na tila mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Nasa sitwasiyon na naman ako kung saan humihiling ng maraming sana. Sana totoo na ito. Sana maging maayos na ang lahat. Sana maging masaya na ako. Iyong walang pangamba at walang hadlang. Sana, sana. Pero sa kabila ng mga sana ay nandiyan ang pag-asang sana hindi lang puro sana. Sana minsan, ang mga sana ko ay mapalitan ng "Salamat! Hindi ko ito inaasahan". Hindi lang sana na hindi na naman matutupad. Na baka mamaya ay isang sana na naman ang makasakit sa akin. Isang sana na ang hilig kong asahan. Kaya ang ending, umasa na naman ako sa sarap ng isang patikim na sana.

Life is simple yet people tend to complicate things. Sa huli, magulo pa din at mahirap intindihin. Mahirap kasing intindihin ang tinatakbo ng utak ng tao. Parang ako, ngayon sumusubok na naman tapos mamaya ayaw na naman. Oh mind! Kapag patuloy mong inisip ang lahat-lahat at ang bawat bagay. Ay nako! Mental ang hantungan niyan. Minsan din kapag masaya ang isang tao, hindi na niya naiisip iyong ibang bagay. Tila tumitigil ang lahat. Kaya madami ang halos magpakamatay para lang matikman ang kasiyahan, isang kasiyahan na nakakamtan matapos lahat ng hirap.

How to be happy? I really don't know. Happiness is something that you felt from within. It's like being loved by people around you. Nagkakaproblema man ay nasosolusyonan pa rin. Happiness and being loved were almost alike. Kasi most of the time, nagiging masaya ang isang tao o nakakaramdam ng kasiyahan kapag nakaramdam sila ng pagmamahal. May iba't ibang level din ang happiness. Pero kahit ano pa man, isa lang ang nasa isip ko ngayon. Bakit kaya wala pa iyong asungot? Malalate na ako.

1 message received

from: enemy

Sorry. Can't make it. Babawi ako. Promise. :*

Ito iyong isa sa mga sana na inasahan ko eh. Umasa ako,ang sakit! Joke lang. Pektus de kalimot iyong si Gab sa akin mamaya. Asungot talaga ang isang iyon. Ang aga ko pa naman gumising at gumayak tapos hindi na naman ako susunduin. Naku! May lahing indian siguro iyon. Indian mango. Hahahah. Ang waley ng joke ko. Ang aga-aga ang waley ko na. HAHAHAH.

Huwag ko lang malalaman na si Roxette na naman ang dahilan kung bakit. Naku! Masisira lahat sa kaniya. I PROMISE. Kahit pa may smiley na kiss iyong text niya, uupakan ko talaga siya.

Dahil hindi sinundo ang beauty ko ni Gab the asungot ay pumasok akong mag-isa. Badtrip, Monday ba ngayon? Bakit ang daming tao sa ground? Time check, 7:05 na. So late na ako pero hindi ako hinarang ni Manong Guard? Karaniwan kasi kapag nagstart na ang flag ceremony ay hinaharang na iyong mga late sa guard house. Pero bakit ngayon ay hindi ako hinarang? Kinabahan pa naman ako. Monday ba ngayon? Dirediretso ako pagpasok at nagmamadali ako sa paglalakad nang may humarang sa akin. Huhuh. Please po, mamaya na lang. I am super duper late na eh. Si Seb pa naman first prof. namin ngayon.

"Ms. Montenegro." Wika ng isang lalaki.

Wait lang. President ito ng University Supreme Student Government (USSG) ah. Dahil ba ito sa ginawa ko sa anak ng Director na si Roxette? Oh My! All eyes were on me. Ang daming tao.

Tinignan ko lamang siya at sinenyasan niya ako na lumakad sa direksiyong itinuturo niya.

Napansin kong sa stage niya ata ako pinapapunta. Judgment day ba? Ganito ba dito? OA naman ng dad ni Roxette kung siya ang nasa likod ng mga ito. Susumbong ko din siya sa dad ko. Hahahah. Joke lang. Eh bakit ba kasi dito? Ang daming tao kaya.

The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon