Chapter 18

839 11 0
                                    


Secret

Nanalo sina Gab kahapon sa laro nila, ano pa nga bang aasahan mo sa team na varsity players naman lahat. Kateam ni Gab si Josh na hindi na ako gaanong pinapansin ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit.

Ngayong kami na ni Gab at tila alam na ng lahat ang relasyon namin ay marami ang maaaring mangyari. Hindi lamang puso ko ang maisusugal ko sa panibagong pag-ibig na ito kundi pati ang kaligtasan ko at kapanatagan ng loob sa pag-aaral ko dito sa RC dahil sa mga babaeng nahuhumaling kay Gab. Madadagdagan na naman ata ang mga takot ko.

Kahit naman siguro sino ay may nakatagong takot sa kani-kaniya nilang mga puso. Pero dapat ay hindi mo ipakita sa ibang tao ang takot na ito sa kadahilanang mabibigyan mo lang sila ng pagkakataong gamitin ang mga kinakatakutan mo upang masira ka.

Sa pagsisimula ng muli kong pagsaya ay may humaharang na takot na huwag kong ibuhos ang lahat. Ngunit gusto kong sumugal at isantabi ang lahat ng takot sa puso ko. Gusto kong yakapin ng buong-buo ang nagbabadyang magkahalong tamis at pait ng bagong pag-ibig. At gusto kong mas mahulog pa lalo sa sugal na tinatahak ko ngayon.

Tatlong araw pa lang ang relasyon namin ni Gab pero unti-unting napapalitan ng kasiyahan ang mga takot sa puso ko. Ang sarap at ang saya ng pagmamahal na unti-unting nakapagpapahilom sa akin.

"Cass stop that smile. Nakakatakot." Untag sa akin ni Emery habang inaantay namin si Sir Jude sa station.

"Nakakatakot? Why?"

"Para kang baliw. Nakangiti ng walang dahilan." Aniya.

"I smile for another life that was given to me, to us." Nakangiti kong sinabi.

"Tch. Kaya ayokong mainlove eh." Naiinis niyang sinabi.

Siguro kailangan kong hanapan ng lovelife itong si Emery para maintindihan niya naman ako.

"Ayaw mo? Takot ka lang." Pang-iinis ko sa kaniya.

Umirap siya bilang tugon sa sinabi ko.

Mabuti na lang at biglang dumating si Sir Jude dahil kung hindi ay masisira ko ang araw ni Emery sa plano kong pang-iinis sa kaniya.

Sinabi lang ni Sir Jude na half day lang kami ngayon sa station at music lang ang ipaplay sa half day na iyon. Walang messages na babasahin, walang maingay na DJs at walang pagod sa part namin.

Dahil doon ay napagpasiyahan namin ni Emery na hanapin na lang at sumama kina JP at Lady. Habang naglalakad kami sa kahabaan ng 4th floor ay may narinig kami ni Emery na isang sigaw. Hindi namin ugaling makinig sa usapan ng iba pero ngayon ay ganoon na nga ang ginagawa namin.

"I hate you!" Sigaw ng boses babae.

"Sabi mo kapag sinagot ka na ok na. Iyong nangyari before the game. Sht! Ano pa bang plano mo ha!" Muli niyang sigaw.

Para kaming mga bata dito na nagtatago dahil sa pakikinig namin ni Emery. Inaaya ko na si Emery pero hihintayin pa daw namin ang sagot ng kausap noong babae. Tch. Kapag kami nahuli dito, nakakahiya ito panigurado.

"That's part of the plan." Mahinahong sagot ng isang lalaki.

Hinahatak ko na si Emery dahil mukhang away mag bf/gf ito.

"Just promise me one thing Gab." Sabi ng babae na nakapagpatigil sa akin sa paghakbang.

"You're just mine." Dagdag pa nung babae.

Hindi ko alam pero bigla kong sinilip kung sino ba iyong mga nag-uusap. Sobra ang gulat ko sa nakita ko.

Roxette and Gab kissing.

The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon