I love you
"You'll pay for this. I promise."
Iyan ang unang bumungad sa akin pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mga mata. Gusto ko pa sanang muling pumikit kaso tila ang daming matang nakamasid. Sinuyod ko ng tingin ang paligid ng clinic dito sa school at kitang-kita ko ang mga kaibigan ko, si Josh at si Gab kasama ang mga mata nilang nag-aalala.
"What do you want Cass?" Bungad na tanong sa akin ni Emery.
Umiling lang ako. Parang hinang-hina pa din ang buong sistema ko.
"You should eat. Di nakakaganda ang pagdidiet." Nag-aalalang pagbibiro ni JP.
"Fruits? Porridge? Bread? Ano dito?" Ani Lady habang ipinapakita sa akin ang mga nakahaing pagkain.
"Siopao." Simple kong sagot.
Nagulat sila sa sinabi ko at dali-daling lumabas si Gab.
"Sinong unang ipapatumba natin gurl?" Pagbibiro ni JP.
Hindi ako umimik at muling pumikit.
"Hey." Tapik sa akin ni Josh.
"Stalker kita?" Tanong ko kay Josh habang iminumulat ang mga mata ko.
Sasagot sana siya kaso biglang dumating si Gab na hinihingal na may dalang siopao.
"Here." Ani Gab saka iniabot sa akin ang siopao na dala niya.
"Where did you buy this?" Bigla kong tanong sa kaniya.
"7/11." Simple niyang sagot.
"Ah." Tanging reaksiyon ko saka kinain ang siopao na ibinigay ni Gab.
Ngayon ko naramdaman lahat. Ang pagod, ang gutom at ang antok.
"Ilang oras na kayong nakatunganga sa akin?" Tanong ko sa kanila matapos kong kumain.
"2-3. I think." Sagot ni JP habang umiirap sa kawalan.
"Eh? Natiyaga niyo iyon?" Sambit ko habang natatawa.
"OA kasi nito ah." Pagrereklamo ni Emery habang itinuturo si Josh sa gilid.
"Si stalker talaga oh." Pagbibiro ko.
Napatahimik kami sa biglang pagtikhim ni Gab.
"Iuuwi na kita maya maya." Biglang sinabi ni Gab.
"Saan? Sa inyo o samin?" Natatawa kong tanong.
Nagulat ata sila sa sinabi ko dahil sa reaksiyon ng mga mukha nila.
"Where do you want?" Seryosong tanong ni Gab.
"Hey. We're still here. Stop flirting." Biglang pagsingit ni Emery.
"Sa mundong tahimik. Sa mundong malaya na naisisigaw ng mga tao ang totoong laman ng utak at ng puso nila." Makahulugan kong sinabi sa kabila ng sinabi ni Emery.
Matapos noon ay isang nakakabasag taingang katahimikan ang pumalibot sa buong kwarto. Wala ni isang nagsalita. Nakain ata ang dila ng bawat isa. Makalipas pa ang ilang sandali ay nagpasiya na akong umuwi. Bukas ko nalang siguro itatanong ang mga alam ni Josh tungkol sa akin.
"What do you want?" Tanong sa akin ni Gab habang inaaalalayan ako sa pagsakay sa kotse na.
"The truth." Makahulugan kong sinabi habang may diin sa bawat salita.
Napailing na lamang siya sa sinabi ko. Pareho tuloy kaming tahimik habang binabaybay ang daan pauwi. At laking gulat ko nang dalhin niya ako dito, sa bahay nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/14022779-288-k250806.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
Ficção GeralIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?