Controlled
I am nowhere.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Sobrang fast phasing ng buhay ko. Umalis ako sa amin before kasi nalaman ko na may kapatid ako sa labas. I ended up in my aunts'. After a couple of months, I was deeply inlove with a guy na sobrang layo sa mga gusto ko. That year I've already felt different kinds of emotions. I've also seen my ex way back then and telling me things na halos hindi ko pinakinggan. I've closed my mind to every explanations and also closed my heart for every pain. And now I'm here again, sa isang lugar na hindi ko alam. I'm doomed. Akala ko noon sobrang sakit na nung iniwan ako ni Gab. All those hates that I've felt for him. All this time! It's unbelievable. Sobrang sakit na tinraydor ako ng lahat ng tao na nasa paligid ko. Hinayaan ko ang sarili ko na magtiwala muli ngunit dapat pala hindi.
After a month dapat ok na lahat e. That's how I'm seeing myself. Ikakasal na kami. But I can't stay calm because of everything that I've heard. Because of everything that happened!
Hours before..
I was already sleeping nang makarinig ako ng sigawan. I thought I was just dreaming. Babalik sana ulit ako sa pagtulog kaso naramdaman kong wala si Gab sa tabi ko. Nakaramdam ako bigla ng kaba at takot so I immediately ran hanggang sa mas narinig ko ng klaro ang sigawan na gumising sa akin.
"Stop it Camilla!" Sigaw ni Kuya Vince sa bruha kong stepsister.
Kilalang kilala ko ang boses nila kahit pa hindi ko sila nakikita. Gusto kong lumabas, magpakita sa kanila at patigilin sila pero tila may pumipigil sa akin na gawin 'yon. So I chose to stay here and eavesdropping.
"Bakit? Ayaw mo bang marinig niya ha?!" Gigil na sagot nito at ayaw papigil.
"Wala siyang dapat marinig at wala siyang dapat malaman!" It's Kuya Knoxx who's shouting.
Sino kayang hindi makakarinig? Nagsisigawan kaya sila. Pss. Maybe it's the effect of alcohol. Aalis na sana ako but I've heard my name.
"Kapag nalaman ito ni Cass. Mawawala ang lahat ng meron ka ngayon." Pagbabanta ni Kuya Macky pero halata ang pagbibiro niya sa boses niya.
"Sa tingin niyo may natitira pa sa akin ngayon?" Basag na ang boses ni Camilla at halatang umiiyak na.
"My mom just died and all of you didn't love me at all. It's pity, obligation and just about the name right? I just want to do the right thing. Ako na lang lagi ang masama at mali. And all of you! What?! Saints?! Sa tingin niyo ba tama ang ginawa niyo years ago! Hindi lang isang beses. And now what? You're acting na walang nangyari?!" Sigaw niya sa lahat.
I really don't get it at all.
"Ija. Tama na. Kapag ba sinabi mo ay may magbabago pa? It's all written in the past. And you're wrong na kinakaawaan ka lang namin. We've welcomed you here not because of anything but because you're also a child who needs love and care from a family, we're your family. 'Wag mo namang pahirapan ang lahat ng ganito." Kalmadong sinabi ni Mom.
"So si Cass? Hindi siya nahihirapan? Si Gab hindi nahirapan? We were all casualties sa napili niyong laro." Mapait niyang sagot.
"We were and we are doing everything para mapabuti kayo. Stop acting like a child Camilla!" Dad scold.
"Really? Ask Cass. Para naman alam niyo ang opinyon niya. Sa sobrang pag-aalaga niyo sa kaniya, you've controlled every thing even her precious life. Gusto niyo bang isa-isahin ko pa?" Galit niyang tugon.
"Oh c'mon. Ok na naman lahat. Ano pa bang pinoproblema mo ha!" Sigaw ni Kuya Vince.
Bihira magalit si kuya Vince. Can I just disappear para wala na silang pinagtatalunan? At ano bang pinag-aawayan nila. I'm fine. I'm ok. Pwede bang tumigil na sila?
"We cannot continue the present if there's an unanswered questions in the past. Kung akala niyo ok na lahat, mali kayo. It will haunt us for years. It haunted me for years na feeling ni Cass ako ang kontrabida sa buhay niya. College ako noon, 'di ba you've asked a favor para sirain ang first relationship niya with Rocky. Bakit? 'Coz she's too young for that and who's to blame? Ako hindi ba? Kahit noong umalis siya ako pa rin ang sinisi niyo kasi nalaman niya ang tungkol sa akin. And even her College life was ruined dahil sa kagustuhan niyo. You've threatened Gab's family na aasilin ang share niyo sa company nila 'pag itinuloy pa niya ang relasiyon niya kay Cass. You even asked me to go there para ipagkasundo kay Gab. And what's worst? Pinabalik niyo ako para naman sirain ang kung ano mang mayroon sa kanila ni Josh. So nasaan doon ang ok na ang lahat? Sa tingin niyo dahil pumayag kayo na ipakasal sila ni Gab ay ayos na lahat? Ganoon na lamang ba 'yon?! I am not a saint. Pero hindi ba kayo naaawa kay Cass? You've controlled everything, her pain, her love and her life. Ganyan ba ang sinasabi niyong para mapabuti?!" Camilla said.
I've counted one to ten before showing up. Nanginginig ako sa lahat ng narinig ko. It's too much. And I'm feeling heavy and too much.
"Is it true?" I asked everyone.
I didn't get any answer. They were all stunned by my presence.
"So, it's true. Very great." Pumalakpak pa ako kahit halata na ang pagbabara sa lalamuna ko dahil sa pagpigil ng nararamdaman ko.
"All this time. So all this time! What do you think of me?! Anong akala niyo! Hindi ko kaya lahat! Yes. I'm maybe weak pero hindi niyo kailangang kontrolin ang buhay ko para lang mapasaya ako. Sa mga ginawa niyo, I felt so unwanted. Rocky left me without giving me explanations, I'm so darn afraid to fall inlove again because of that! At ano inulit niyo pa kay Gab at kay Josh! Para ano?! Para mapabuti ako?! Bakit sa tingin niyo ba napabuti ako sa mga pinaggagawa niyo? Ganoon ba kayo magmahal! Kayo ang nagturo sa akin kung paano ang magmahal, 'coz I felt it first at home. Maybe I've lived in a dream. Na sa sobrang ganda lahat pala mali. Alam niyo ba kung anong pinakamasakit? You let me live in lies and you never trusted me at all. That even though I''m not that strong but I can. Kasi lahat naman ganoon, learning in process. Pero wala, kayo mismo ang bumali sa mga binti ko para matuto at bumulag sa akin para sa mga katotohanang matagal ko nang gustong malaman. And thank you for the great game that you all created." I said bago tuluyang tumakbo paalis.
Tinatawag nila ako pero wala akong marinig kundi ang mga hikbi ko at ang pintig ng masakit kong puso. I feel betrayed. Betrayed by the people that I've trusted too much. Mga taong binigyan ko ng tiwala pero kahit katiting ay hindi man lang pala nakuhang magtiwala sa akin.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Runaway Princess (COMPLETED)
General FictionIsang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?