Chapter III

568 8 0
                                    

DANCE PARTY, SA BAHAY

    "Ma! Ma! Nasa'n sandals ko?" Nakasuot na sakin 'yong dress ko pero wala pa 'kong makeup tapos hindi ko pa makita sandals ko! "MA! MAMA! MAAAAAAAAA!"

    "Eto oh. Hawak ko po. Ala-sais ka pa susunduin ni Drew, 'nak. Alas-singko pa lang. Excited lang?"

    Natigilan ako. 5PM pa lang?

    Time check: 05:03PM to be exact.

    Ano ba 'yan. Ang weird ko yata ngayon. Naupo ako sa sofa, nagtanong si Mama kung ano raw bang meron at nagmamadali ako.

    "Mama. Sa orasan ko kasi sa kwarto, quarter to six na kaya nagmamadali ako. Ayoko naman paghintayin si Drew kapag dumating na siya e." Totoo naman kasi, akala ko talaga magsi-six na. Saka di ako excited.. Hm, konti?

    "Kayo ba ni Drew?" Nagulat ako sa tanong sakin ng nanay ko.

    "Hindi ah." I hope I didn't sound like defensive.

    Pati ba naman si Mama. Nako ah! Final touches na. Hinihintay ko na lang si Drew, I wore the green cocktail dress that I've said to him. Siya kaya? Anong kayang suot niya? Hindi naman kasi siya nagsabi e.

    Around 6PM may kumatok na. Si Drew na kaya yun? Bakit nanlalamig na naman ako? What's with this body?!!

    Naka-Amerikana si Drew, color black pati necktie niya black. Ang cute lang, green yung sleeves niya. Wow, partner! Ang gwapo. Nako, baka maglaway ako sa party nito. Ay, baka maglaway pala sila.

    "Hello po Tita, good eve." Bati ni Drew kay Mama.

    "Hi Drew, kanina ka pa hinihintay niyan. Kayo na ba ni Anne?" Nakakainis si Mama!

    Lumapit si Drew kay Mama tapos ngumiti. "Ano po bang sabi niya?"

    "Hindi daw kayo e." Ugh, Mama!

    "Ayaw niya po yata sak--" Sagot ni Drew sakin.

    "Alis na kami Ma!" Hinatak ko siya palabas ng bahay, di ko pa siya kinakausap, si Mama naman kasi, nakakahiya kaya. ><

    Nakakita ako ng kotse na naka-park sa labas ng street namin. "Sayo yan?" Tanong ko kay Drew.

    "Hindi." Sagot naman niya sakin.

    Hala? "Anong sasakyan natin?" Tanong ko sa kanya.

    "Lakad lang." Sabi niya. Tinignan ko siya, seryoso niya. Grabe naman! Napansin yata niya na nag-iba na mukha ko kaya umamin na siya. "Joke lang. Hehe. Sakay na."

    "Kala ko ba hindi sayo yan?" Nakakainis 'to!

    "Hindi nga. Sa daddy ko yan, e di hindi sakin." Oo nga naman. Dapat ang tanong ko e kung dala niya yung kotse. Gulay! Kainis ah.

DANCE PARTY, SA PLAZA

    Sandali lang kami sa kotse, 15-minute-ride lang pero ayokong maglakad dahil sa suot ko. Magparada daw ba? Haha. Nagtext na si Janine, nasa loob na raw sila ng DeathBogs with their partners at malapit daw sila sa pagkain. "Magandang pwesto 'yan. Haha." Reply ko sakanya.

    Nasa venue na kami. Anong itsura ng venue? Teka. Bale, nilagyan ng harang 'yong plaza kaya nagkaroon ng wall. Ginamit nila 'yong mga dahon ng saging. Katulad sa old movies, ganun. Ang cute lang.

    Pumasok na kami sa gate tapos nilagyan kami ng tatak kapalit ng ticket namin, binigyan na rin kami ng food stubs. Nakita ko kaagad sila Krissy, stunning e, ang lapit talaga nila sa pagkain.

    "Nice spot, guys. Sinong pumili na dito? Teka, hulaan ko.. Si Nikkie!? Ay, saan kami uupo? Pwede ba dito?" May vacant seats kasi sa tabi nila Shin kaya umupo na kami.

    "Kapag ba pagkain, ako na lagi? Ako agad?" Depensa ni Nikkie.

    "Sus, totoo naman e, saka para na rin madaling kumuha ng pagkain, di ba? Haha!" Gatong naman ni Shin.

    "Ayoko kasi do'n sa malapit sa DJ Booth, ang ingay kaya." Sabi ulit ni Nikkie, napatingin ako sa katabi niya.. Si Ian.

    Ginala ko pa mata ko, nandito si Tanda, Shin, ako, Drew tapos si Janine, Jekz, Ian, Nikkie, Krissy saka si Ganda. Parang may kulang? Hmmm. "Si Kat-kat?"

    "Nandito ako!" Nasa kabilang table pala, teka.. sino naman 'yong kasama niya?

    "Sama makatingin ah. Haha. Koko, si Anne. Anne, si Koko." Walang further names na ginamit si Kat-kat, like classmate, friend, barkada or something. Oh well! Malalaman ko rin 'yan! BWAHAHAHA! Koko, tatandaan kita.

DANCE

    Nag-start na 'yong program, ang dami na ring tao. Naglabas na rin ng mga pagkain, ilang sandali lang wala na kaming katabi ni Drew. Nakapila na sa pagkain, paunahan daw. Haha. Baka maubusan.

    May ilan naman na nagsasayaw na.

    Pagbalik ng DeathBogs, slow na 'yong kanta. Kinuhanan na pala nila kami ng pagkain.

    "Sayaw tayo." Aya ni Drew sakin. Pinakinggan ko 'yong kanta. Hindi ko alam title kaso ang slow, nakakahiya.

    "Tara na." Kinuha niya 'yong kamay ko, the next thing I knew, nasa 'dance floor' na kami.

    Nahihiya ako. Nagba-blush kaya ako? Sana hindi pero kung magtatanong si Drew. "Make up lang 'yan." Buti na lang madilim! Waaah. My heart is beating so fast, sa sobrang bilis naalala ko 'yong rush na naramdaman ko noong nasa Space Shuttle kami sa Enchanted Kingdom. Gulay!

    "Kaya ko 'to!" Cheer ko sa saril ko.

    Nag-bow si Drew tapos inabot kamay niya sakin, syempre inabot ko rin kamay ko. Hinalikan niya 'yong kamay ko tapos nilagay 'yong kamay niya sa bewang ko. We started dancing.

    The mood sinks in, naalala ko lahat ng mga kalokohan noong prom, nagsayaw rin kami ni Drew noon, di ko 'yon makakalimutan kasi siya 'yong first dance ko, ever! Well, except sa practice.

    "Alam ko naman kung bakit ka pumayag na ako partner mo ngayong gabi e." Bulong niya sa tenga ko.

    Buti ka pa alam mo kung bakit, ako nga di ko alam. Nagulat ako kaya napa-"Ha?" na lang ako.

    Tumingin siya sa mata ko, "Di ba, para pagselosin siya?" May tinuro siya kaso 'di ko makita, masyadong madilim, masyadong malayo. Near sighted ako.

    "Ha? Sino? Drew, di ko makita." Hindi ko talaga makita.

    "Si Dentistry Boy mo." Sabi niya in a flat tone voice.

    I can't believe it, siya 'yong pinili ko dito dahil na rin siguro sa ilang taong pinagsamahan namin tapos sasabihin niyang sinama ko siya dito para pagselosin si DB? "What's with you? Bakit ko naman siya pagseselosin?"

    "Halata namang gusto mo siya e." Gulay! He doesn't have to state what is already obvious.

    "Okay. Fine. Gusto ko nga siya pero pa'no naman 'yan magseselos. Hindi niya ko gusto." This is not the Drew that I knew. Gulay. Kakainis.

    "Tss. Hindi mo rin masasabi--" I cut him off pero nagulat ako sa naging next move niya.

    Niyakap niya 'ko tapos may sinabi siya. "Hindi ko maintindihan. Ano?" Sabi ko.

    "Kung ayaw niya sa'yo, sakin ka na lang." Nawala 'yong tugtog, nag-mute ang paligid. Ano daw? "Kung ayaw niya sa'yo, sakin ka na lang." Inulit pa niya.

    Naparalyze ako ng words na 'yon. Drew's shaking me mildly then he sweetly lock his eyes to mine. "Be my girlfriend, Joanne Mateo."

    Processing.....

    Loading.....

    Digesting.....

    COMPLETED.

    "HA?" O.O

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon