Chapter XVI

380 6 0
                                    

PATRICK'S POINT OF VIEW

    "Pumunta dito si Anne." Sabi ni Tita Tessie sakin kaninang umaga. "Last year 'yon e. Umiyak nga siya noong sinabi ko na nasa Amerika ka na."

    Bata pa si Tita Tessie, halos kaedad nga niya 'yong pinakamatanda kong pinsan sa side ng Mama ko, kaya close namin siyang lahat saka ang lawak ng isip niya, bihira pang magalit.

    Flashback na ba kaagad? Sige..

    NOVEMBER 17, SATURDAY MORNING. Nagising ako ng wala akong makita. Hindi dahil hindi ko suot 'yong contact lenses ko pero dahil black na talaga.

    Bumangon ako sa kama, nalalaglag lahat ng bagay na mahawakan ko pero nakalabas naman ako sa kwarto. Kinakapa-kapa ko 'yong pader, nakalimutan kong may hagdanan nga pala sa kaliwa ko. Asar, nalaglag ako sa hagdan na naging dahilan nang pag gising ng mga kamag-anak ko.

    "Bakit? Ano 'yon?" Sabi ni Tita Tessie.

    "Wala, Tita. Nalaglag lang ako." Naramdaman kong nagpaikot-ikot sa harap ko si Tita. "Patrick, ilan 'to?" Tanong niya sakin.

    "Dalawa." Hula ko.

    "E ito?"

    "Hm.. Lima?"

    "Patrick, anong kulay 'to?" Mali lahat ng sagot ko. "Patrick, umiinom ka ba ng gamot?" Naiiyak na si Tita.

    "Oo." Nagsisinungaling ako. Wala naman kasing kwenta kahit uminom pa 'ko ng gamot. Narinig ko naman kung anong sinabi noong doktor e. Unti-unting nase-shred 'yong gilid na mata ko kaya nagiging abnormal 'yong shape, kaya nahihirapan na 'kong pag-process ng image.

    Hindi naman talaga matitigil 'yong pag shred e, babagal lang, 'yon lang matutulong ng gamot. Imba, kung mabubulag din naman ako, hindi na kailangang inuman ng napakamahal na gamot.

    Eye cancer? Hindi ko alam kung ganoon e. Wala na 'kong pakialam basta may sakit 'yong mata ko, tapos.

    Naririnig kong tinatawagan ni Tita Tessie si Mama, naghe-hysterical na silang dalawa. Nakapikit lang ako. Unti-unti kong dinidilat 'yong mata ko, nagkakaroon na ng konting ilaw, "Napagod lang siguro 'yong mata ko kagabi." Sabi ko.

    Sinisi ni Mama 'yong panonood ko ng anime, paglalaro ng online games saka pagbabasa ko ng libro. "Hindi nakakatulong 'yong ginagawa mo. Good grief, anak! You're not a teenager anymore!"

    Gusto ko sanang sagutin siya na kapag tinigil ko 'yong mga 'yon, ano na lang mangyayari sakin? Sabagay, pwede ko naman laging puntahan si Anne kaso kasi natatakot ako 'pag magkasama kami simula umaga baka pag pikit ko lang, biglang hindi ko na siya makita. Ayokong makita niya 'kong ganito. Ayokong maawa siya sakin.

    Fine, mahal niya ko pero alam kong maaawa pa rin siya.

    Minutes later, nagkasundo sila Mama na babalik ako sa ospital. Pinahiga ako nang mga doktor saka kung ano-ano na nilalagay sa katawan ko.

    "Tita Tessie?" Sabi ko habang nasa kwarto ako.

    Sumagot si Paula, 'yong kapatid ko. "Wala si Tita, Kuya."

    Tss. Aalis ako e. "Saan siya pumunta?"

    "Hindi ko alam e. Kasama niya lumabas 'yong doktor mo kanina."

    Mabubulag na ba 'ko? Gusto kong tanungin si Paula kaso baka umiyak lang siya, sabi ko kasi sa kanya kapag nabulag ako, mawawalan ako ng mata, butas na lang meron sa mukha ko kasi tatanggalin nila mata ko. Hehehe. Oo na, seryoso na 'ko. Tss, imba! Kailangan ba umiyak ako? Ayoko nga. Hindi sa harap nila.

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon