"Wala namang patutunguhan 'tong relasyon na 'to e!" Sumisigaw ako.
Si Patrick, nakatingin sakin. "Akala ko ba, iintindihin mo 'ko kasi ikaw first girlfriend ko?" Oo, sabi ko nga 'yon.
Huminga 'ko ng malalim. "Nagsasawa na 'ko, Patrick." ANO?
"Sinabi ko naman na kasi sa'yo noong una, mas mahal mo talaga si Drew." Tumawa ako tapos kumanta si Patrick. "Sana'y hindi na lang pinilit pa wala ring patutunguhan kahit sabihin ko pang mahal kita~"
TEKA, kanta 'yon 'di ba?!
"ATE, GISING NA!" Sabi ni Ron sakin. "Kanina pa kita ginising, pumunta dito si Drew kanina."
"Bakit daw?"
"Ewan ko. Pakialam ko do'n?" Yeah. Ano nga namang pakialam niya. Dummy.
Bago ako bumangon, chineck ko muna phone ko. I have a lot of messages and calls, galing kanino pa ba pero hindi ko sila binasa. Dapat idi-delete all ko na kaso may text pala si Patrick, dalawa pa so I unmarked it saka ko nabura lahat pati call logs.
From: Dentistry Boy
Anne, alam ko korni tong ginagawa ko
pero napasaya mo ako ngayong araw na to.
Kahit wala pang "tayo" okay lang sakin.
At least nasabi ko na sa'yong gusto kita,
tapos nagustuhan mo rin pala ako.
It's more than enough pero kung pwede sana
i-try naman natin. Pwede mo naman ako
iwan anytime. I love you. :*
Received: 06:14, June 11, Monday
Naisip ko siya noong tinatype niya 'to dahil hindi siya expressive sa feelings niya, ang hirap siguro nito. Hindi ba 'ko fair sa kanya? Mali ba 'tong ginagawa ko?
May another message pa nga pala.
From: Dentistry Boy
Wag mo na ngang pansinin 'yong una kong
text. Masaya na rin naman ako pag masaya
ka.
Received: 06:16, June 11, Monday
Natawa ako. This guy, ang kulit, kaya pala talagang walang girlfriend e. Napaka-understanding kahit masaktan siya.
Nag-open ako ng FB account ko tapos inaccept ko 'yong pending relationship request ni Patrick tapos binlock user ko si Drew. Nagtext ako kay Patrick after.
To: Dentistry Boy
Thanks. Let's try it. Good morning, babe. ^^
Naligo muna ako tapos kumain ako, hindi pa rin nagrereply si Patrick sa text ko. Hindi ko alam number nila sa landline, wala pa kong load pantawag kaya I can't call him.
I think nahihiya siya so I teased him.
To: Dentistry Babe ^^
Gising ka na, di ba? Kapag hindi ka pa nagtext,
ipo-post ko sa FB 'yong message mo. Ang cute
pa naman nun. ^^
After a minute or two..
Patrick: gising na ko, morning. sabi ko
kalimutan mo na 'yon e.
Me: Hello, Mr. Ramirez. ^^
Patrick: hi.
Me: Oh, why? Sad ka ba?
Patrick: inaasar mo kasi ako. >,<
Me: Sus, you love me naman e.
Patrick: imba.
Me: Ay. Hindi ba? :(
*no reply*
Me: Sorry, I'll stop na.
Patrick: kain saka ligo na muna ko.
Oops. Nagalit yata. I've told you earlier na ayaw niya ng kino-corner siya ng tanong kasi nahihiya siya. Dahil may gagawin siya, nag-net na muna ko.
I got a lot of notifications na naman, I bet puro games 'to! But, boy, I'm wrong!
Patrick Ramirez posted on your timelime: "babe~ <3"
He got me there. Kapo-post lang 5 minutes ago. Gulay! I can't stop smiling.
BINABASA MO ANG
Love Story
Teen Fiction| COMPLETED | TEENS | Sa torpe slash geek mong crush o sa friend mo na hindi mo alam kung gusto ka ba o sweet lang talaga? Kung ikaw si Anne, kanino ka? Ang gulo ng love 'no?