Chapter IV

471 9 0
                                    

    Paging Joanne Mateo, come back to Earth, please..

    Paging Joanne Mateo, come back to Earth, please..

    Paging Joanne Mateo, come back to Earth, please..

    "JO-AAAAANNNNEEE~!" My bubble popped. Sino ba namang hindi, sigawan ka ba naman ng sabay-sabay ng mga kaibigan mong may ispirito ng megaphone e.

    Lagi na 'kong natutulala pagtapos ng dance party na 'yon. Hindi pa 'ko sumasagot kay Drew kasi wala pa akong masagot! Drew, 'yong totoo.. may sapi ka ba?

    *beep!*

    "Sa'yo Anne." Inabot ni Ganda 'yong phone ko.

    From: Drew

    Sorry, Anne kung nabigla kita,

    di ko naman sinasadyang marinig ng lahat..

    Lalo na niya.. Sorry pero seryoso ako.

    Kung ayaw niya sa'yo, sakin ka na lang.

    Anne, please talk to me.

    Ayon! Isa pa 'yon, narinig ni DB!

    "Sino daw? Si DB ba tinutukoy niya? Ano naman kung narinig niya?" Binabasa na pala nila 'yong message ko. Inabot ko na sa kanila 'yong phone. Kakahiya naman e.

    "Alam mo, kung ayaw sa'yo ni DB, kay Drew ka na lang."

    "Oo nga. Umaasa ka lang kay DB e, ang pangit naman no'n."

    "Saka mas kilala mo si Drew kaysa sa kanya."

    "TEAM DREW!"

    Ayan ang mga kaibigan ko. Ganito sila ka-supportive kaya nahihirapan ako lalo sa pagde-decide.

    *beep!*

    "Sa'yo Anne." Inaabot sakin ni Janine 'yong phone. Drew naman, wait lang.

    "Pabasa na lang, Janine."

    "Si DB." Nanlaki mata ko noong narinig ko kung sino nagtext.

    "Anong sabi?!" Sabay-sabay naming sabi.

    "Libro daw niya, 'yong The Titan's Curse daw." Phew, nakahinga ako ng maluwag do'n ah. Akala ko naman kung ano na.

    "Akala ko naman kung ano na." Did I say it out loud?

    "Ako 'yon. Hi." Tumingin ako sa likod ko, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto. "Drew?"

    "Hindi niyo ba 'ko napansin? Si Kriss nagbukas ng pinto sakin." Tumingin kaming lahat kay Drew then kay Krissy, kumaway lang siya.

    "Bili muna kami ng pagkain, Anne. Dito lang muna kayo ha. Babalik kami agad. PROMISE!" Hindi na 'ko nakapagsalita, wala na sila.

    "Anne."

    "Drew.. Bakit ka pumunta dito?" Hindi naman sa galit ako kaso kasi dapat di ba, hinihintay niya lang muna sagot ko?

    "Hindi mo kasi sinasagot messages ko e. Galit ka ba sakin?" I tried not to look him in the eye.

    "I'm sorry. Gusto ko pa kasing pag-isipan. Sorry, dapat sinabi ko sa'yo."

    "Wag mo naman ulit-ulitin 'yong pagso-sorry. Ayaw mo ba talaga?"

    "Let me think pa, please.."

    "I'll wait for you."

    "Thank you."

    "Sige. Alis na 'ko ha?" Patayo na siya pero hinawakan ko kamay niya. Bakit? Di ko alam. Reflex na lang siguro.

    Ngumiti siya. "Bakit?"

    Sana hindi ako nagba-blush, tumingin ako sa lapag saka ako sumagot. "Hintayin mo na silang bumalik. Wala kasi akong kasama e."

    "Sige." Umupo ulit siya sa tabi ko.

    "Salamat."

    After 30 minutes, hindi pa rin nakakabalik DeathBogs. Parang naiinip na si Drew kasi nakatingin na siya sa terrace nila Nikkie. Ang awkward namin, walang nagsasalita. Ano ba 'yan!

    "Uh, Anne." Sabi na nga ba naiinip na siya e.

    "Sorry ha? Hindi ko alam na magtatagal sila ng ganito e. Sige, una ka na. Salamat sa pag-stay."

    "Hindi naman sa ganoon kaso 'yong kamay mo kasi.. Okay lang naman kasi sakin kaso kasi 'andon friends mo oh, nangiti, medyo kanina pa sila d'yan." Tinuro niya 'yong spot kung saan siya nakatingin kanina pa, kaya naman pala!

    Teka, anong meron ulit sa kamay ko? NAKAHAWAK PA RIN PALA AKO SA KANYA! Nakakahiya. "S-s-so-sorry, Drew."

    Nilagay niya 'yong kamay niya sa ulo ko, para naman akong aso. "Okay lang 'yon. Alis na ko ha? Aasarin ka nila lalo kapag nagtagal pa 'ko e."

    "Sige. Salamat ulit."

    "Bye." Hinatid ko siya hanggang sa pintuan na parang samin 'yong bahay. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

    Noong nakaalis na si Drew, unti-unting nag-fade smile ko. "Labas na!" Ang laki ng ngiti nitong mga 'to, nakikichismis lang e magsisinungaling pa.

    "Okay na kayo?"

    "Sabi ko mag-iisip pa 'ko."

    "Ang tagal naming nawala ah. 'Yon lang napag-usapan niyo?"

    "Nawala ba kayo? E nasa garden lang kayo, narinig niyo pa nga yata lahat e."

    "Bagay kayo ni Drew, Anne."

    "Sino ka?"

    "Krissy Pogi." Sagot niya sakin.

    "Hindi ganyan magsalita si Krissy. Umalis ka bad spirit!"

    Tawanan.

    Nagulat ako sa sinabi ni Kris, madalas kasi walang comment 'yon e. Napaisip tuloy ako kung bagay ba talaga kami ni Drew..

    Isip.

    Isip..

    Isip...

    DB.

    "Ha?" Bakit naman nasali 'yon?!

    "Anne, kelan kayo magkikita ni DB?" Nagtatanong pala sakin si Janine.

    "Ha? Di ko alam e. Bakit?"

    "Di ba isasauli mo 'yong libro niya? Pasabay naman 'to. Pakibigay kay Aison."

    May inabot si Janine na drawing. Ang cute, gawa niya ata. Bestfriend ni DB si Aison, close sila ni Janine kasi pareho silang artist ng school namin noong high school.

    Oo nga pala. Babalik ko pa 'yong libro ni DB.

    Next week na lang siguro, kaya ko na siyang harapin no'n. Wala naman kasi akong dapat ipagalala kasi wala naman pakialam sakin si DB kaso medyo nakakahiya lang. Crush ko kasi siya tapos si Drew nag-confess. Basta. Ewan!

    *beep!*

    From: Dentistry Boy

    Anne. Wala lang, ingat ka palagi.

    Pakibalik na lang po 'yong book

    ko kasi may hihiram.

    Thanks, ily.

    ILY?

    "I LOVE YOU?" O.O

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon