Chapter XIV

342 8 0
                                    

A YEAR LATER..

    From: Nikkie-yow ^^

    guys! nabasa niyo ba 'yong message

    sa group natin? do'n sa [SOLiDD]? :))

    Naintriga ako so dali-dali akong kumonek sa WIFI ng school then nabasa ko 'yong trending topic na nasa new feeds ko. It says "party time! ;)"

    Ang daming comments ng post, about sa pagkain, venue and sa isusuot na damit. Na-excite ako to see them all. Ilang taon na rin kaming hindi nabubuo. Dalawa? Tatlo? I miss my mates.

    "I gotta buy a new dress!" I declared.

    So dahil Christmas Party 'to, dapat maganda ko. College na e. LOL. Niyaya 'ko silang bumili ng damit para sana magkakasama kami kaso hindi kami makapag-set ng date na pare-pareho kaming free, schedule conflict. So I decided na ako na lang bibili.

    Naghihintay ako ng bus sa labas ng road namin when I saw him, nagkakamot ng ulo na para bang nabubugnot. Tumingin sa langit, I don't know why pero tumingin talaga siya then nagsalita siya. Napatingin tuloy ako, "Uulan ba?"

    Nagulat siya tapos tumingin sakin, narinig pala niya ko. He smiled. Kunyari hindi ko siya pinansin, he didn't approached me naman eh so I pretend na lang na may tine-text ako.

    Tumingin ulit siya sa langit then he muttered something. Weird. What happened to him? He just smiled.

    Uh-oh. Have he gone mad?

DREW'S Point Of View

    May get-together party 'yong batch namin sa darating na pasko. Pupunta raw lahat, so ibig sabihin nando'n siya? Crap. I want to see her. Gusto ko pa rin sanang ipaliwanag sakanya 'yong side ko. Makinig pa kaya siya?

    Hindi ko na tine-text or tinatawagan si Anne pagkatapos niya kong i-block user kasi alam ko na ayaw niyang makipag-usap sakin. Sht. Ayoko na munang maalala 'yon!

    Nagpapogi ako para sa party. Nagpagupit, nagpalinis ng ngipin, I even went to a spa! Gay? No. Marami kasi akong naipon nitong mga nakaraan kasi wala akong pinagkakagastusan, ito ang advantage ng single. At masyado akong stress sa studies ko. Dapat fresh face ako sa party.

    Pupunta ako ng mall para makabili ng masusuot, lagi kong pinagdadasal na sana makita ko naman si Anne pero hindi talaga e, olats.

     Huli ko kasing nakita si Anne, last year pa. September 'yon hindi ko makalimutan.

    Matapos nang halos ilang buwan kong 'pagsusunog baga', niyaya ako ng mga kaklase ko na mag-mall kasi manlilibre si Apollo, birthday kasi.

    Kumain kami noon ng inasal tapos nagkayayaang magsine, meron kasi laging Cinema Fiesta sa SM Manila, mura na lang 'yong sine, P25 tapos mga medyo luma palabas pero hindi naman sobrang luma. Insidious nga 'yong papanoorin dapat namin e.

    Kaso hindi ako natuloy sa panonood kasi nakita ko si Anne, nandoon siya sa pagitan ng "Coming Soon" saka ng "Now Showing" naghihintay.

    Ngumiti pa nga siya noon e kaso hindi dahil nakita niya ko, 'yong unggoy pala 'yong hinihintay niya. Tama na! Tama na! Ayoko na 'yong maalala.

    Napakamot ako ng ulo tapos tumingin sa taas "Mahina kasi yata ako Sa'yo." sabi ko.

    "Uulan ba?" Sabi noong babaeng nasa gilid ko. Tumingin ako sakanya.

    Napatingin ako sa taas, napangiti, "Salamat po."

    Tinitignan ko lang siya, may tine-text siya. Si Ramirez kaya? Wala akong pakialam, ngayon kami lang dito sa bus stop, napangiti ulit ako.

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon