Chapter VIII

447 7 0
                                    

DENTISTRY BOY'S Point Of View (POV)

    "HA!? BAKIT NIYA KASAMA 'YONG MARIZ? TAPOS PA'NO KA NAPUNTA SA BINONDO CHURCH? AND MOST OF ALL, BAKIT MO KASAMA SI DENTISTRY BOY?!" Anong tawag nila sakin? Dentisty Boy?! Potek, so corny!

    Bago mag-flashback, magpapakilala muna ko. Ehem, my name is Patrick Ramirez, 19 years old. Ako na nga yata 'yong tinatawag nilang Dentistry Boy dahil sa related do'n ang course ko.

    Kung iniisip niyo na pinlano ko 'to. Hindi ah! Hindi talaga. Hindi ko naman kasi pinlano, nasali lang ako.

    *flashback*

    Nasa lab kami ngayon, kailangan mag-summer e. Tuwing summer lang available 'tong subject na 'to. "Pat! Patrick!" Tawag sakin ni Mariz Rodriguez, classmate ko. Hindi ko alam pero ang hilig niya kong kapitan. Nilalandi niya ba 'ko? Ewan ko. Hindi ko naman kasi pinapansin.

    "Bakit?" Nagsusukat ako ng dentures e, istorbo.

    "Nakita ko 'yong Joanne mo!" Sabi niya sakin. Inis ba 'yong nasa tono niya? Anong problema niya kay Anne? "Sa tingin ko, ginagantihan ako ni Drew e, girlfriend na pala niya 'yon?" May diin 'yong pagkakasabi niya ng 'girlfriend', napansin ko 'yon.

    "Narinig mo ba 'ko?" Oo, ang ingay mo eh. "Gusto lang naman gumanti ni Drew satin eh." Gumanti? Satin? Bakit? Hindi nga kami close eh. Imba!

    "Ha?!"

    "Gumaganti lang 'yong si Drew, ikaw rin, gusto mo bang masaktan si Joanne mo?" Of course, ayoko.

    But "She's not mine." Which is true.

    "She can be."

    *end of flashback*

    Oo, sa simpleng "she can be" na sinabi ni Mariz kaya ako napapayag sa plano na 'to. Ayoko naman kasi talagang masaktan si Anne kaya okay lang 'to. Si Drew naman 'yong mali, thinking na pwede niyang gamitin si Anne para lang makaganti kay Mariz.

    Natapos na 'yong pag-uusap ni Anne saka noong kaibigan niya na si Calderon. Ano nga bang pangalan noon!?

    "Uuwi na ba tayo, Anne? Sorry, 'di ko talaga alam na magkikita kayo dito." Shet. I'm lying!

    "Punta daw tayo sa SM, lagot tayo sa kanila. Ikaw kasi e." Sa tingin ko dapat ngingiti siya kaso hindi niya nagawa. Asar, I feel bad. "Hoy, bakit? Tara na, SM na tayo. Gutom na rin ako e."

    "Sige, tara na. Sorry talaga." Para saan? Lahat. Nakigulo pa kasi ako e. Oh talaga tol! Sapakin mo nga 'ko!

    Nasa SM kami tapos may tinetext si Anne. "Dito na tayo, Anne." Sabi ko sa kanya pero nagtetext pa rin siya, worried. Hindi niya ko napansin na tumigil ako sa pwestong tinuro ko sa kanya kasi tuloy pa rin siya sa paglakad. Tinawagan ko siya para mapansin naman niya ko, nakalayo na siya e.

    Lego House pala ringtone niya.

    "Patrick, nasa'n ka!?"

    "Dito sa likod mo. Suot mo kasi glasses mo." Napansin ko kasing hawak-hawak niya lang 'yong salamin niya. Stress?

    Pumunta kami sa Mcdo Desserts, nag-order ako ng Double Hot Fudge sundae. "Lagi kitang nakikitang kumakain nito, kaya alam kong magugustuhan mo."

    Napatingin siya sakin tapos nakataas kilay niya, akala niya yata nagsisinungaling ako e. Imba.

    "Magkalapit lang tayo ng school. Kala ko nga sinadya mo para malaking chance na magkita tayo e." Nanlaki mata ni Anne. Nagbibiro lang kaya ako. AMP! Hindi talaga ko joker. Shet. Napangiti na lang ako.

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon