Chapter XII

361 8 0
                                    

BIRTHDAY CELEBRATION

    Naglilinis ako ng bahay kasi pupunta DeathBogs dito mamaya to celebrate my birthday! Yeah. We gonna party kasi wala si Mama ngayon so we own the house kaso hanggang 11PM lang. Manonood kasi sila ng basketball game, Ginebra e. Sayang, gusto ko pa naman sana ng sleep over.

    Nilagay ko sa gilid ng mga picture frames 'yong portrait ko na ginawa ni Patrick, he'll be here rin mamaya~

    To: Dentistry Babe ^^

    What time ka pupunta? :)

    Sent: 4:38PM, November 17, Saturday

    Pagkasend ko, may nag-door bell. Binuksan ko 'yong pinto, nasa gate pa lang sila pero binati na nila ko. "HAPPY BIRTHDAY!" Sabi nila. Yay! May mga dala silang pagkain.

    Inaayos na namin 'yong mga dala nila, puro chichirya saka brandy. "What's this?" Tanong ko.

    "Okay lang 'yan. May natutunan akong drink, lalagyan natin 'yan ng grape juice. Trust me, maglalasang wine." Sabi ni Shin, she have beverages class dahil sa course niya. Tumango na lang ako.

    "Nasa'n si Patrick?" Tanong ni Ganda sakin. I smiled.

    "Nakita mo ba?!" Umpisa na naman ng asaran nila ni Kat-kat.

    Tumayo si Ganda, kinuha 'yong bag niya. "Alis na 'ko, Anne." Nagtampo na tuloy.

    Tuloy-tuloy pa rin pang-aasar nila kay Ganda, sumali na sila kaya lalong nag-drama. Natigil lang sila noong nagsabi akong magluto si Nikkie ng ulam kasi ayoko namang puro chichirya lang kakainin namin. So, habang nagluluto sila, nag-set up naman kami ng videoke.

    Binanatan kaagad namin ng Happy Birthday ng The Click Five.

    Hindi ko inaasahang may regalo sila sakin kasi hindi uso 'yon samin, mga kuripot kami kaya nga naghahanap kami ng boyfriend para gastusan kami. ECHOS! x)

    Around 10PM. "Uwi na kami, Anne! Nagte-text na si Mama e." Tinapik ako ni Shin habang nagsusuklay sila.

    Naglinis kami, napilit ko silang maglinis, tapos umalis na sila.

    Umakyat ako sa kwarto. "Ma! Wala na sila Kat-kat!" Sigaw ko. "Ay, wala pa nga pala sila."

    Nagbukas ako ng computer para i-post 'yong pictures kanina, nag-shuffle din ako ng kanta tapos naligo ako dahil rinig ko naman sa CR 'yong kanta.

    Nagbukas ako ng shower, natapos na 'yong Pieces of Me ni Ashlee Simpson, The Moment I Knew naman ni Taylor Swift 'yong nag-play. Napa-"Shot." ako. Gusto kong lumabas ng CR para i-next 'yong kanta kaso basa na 'ko. Nadama ko 'yong kanta, 'yong buong kanta.

    "He said he'd be here." I cried.

    Nasundan pa 'yan ng kung ano-ano pang malulungkot na kanta, nilakasan ko na lang 'yong shower para hindi ko na marinig 'yong mga kanta. Buset!

    "Where on Earth are you, Patrick John Ramirez!?"

    Tss. Hindi ako tinetext kala naman niya ako unang magtetext sa kanya!? Kala niya talaga kakausapin ko siya! No. Maybe. Yes. AAAARGH!

    Nagbihis na 'ko. 11PM na, wala pa rin sila Mama. Ayoko pang matulog. AT Hindi ko siya hinihintay magtext. Nag-iinternet lang ako. Hmp.

    Manonood na lang ako ng videos.

    Minutes later..

    "ANNE! ANNE! HAPPY BIRTHDAY! ANNE!" What the-- sino 'yon? Tumingin ako sa bintana, nakabukas na 'yong mga ilaw ng kapitbahay namin tapos nakadungaw na rin sila. Tsk. Sinuot ko 'yong salamin ko saka inilawan ko ng flash light para tignan kung sino 'yong suspect.

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon