Chapter XV

383 7 0
                                    

CHRISTMAS PARTY

    Sinundo ko si Anne sa kanila, suot ko 'yong binili namin sa mall noong nakaraan. Nando'n na sila Kat-kat pag dating ko.

    "Totoo talaga?" Tanong ni Nikkie sa kanila.

    Umiling si Ganda. "Joke lang, Niks."

    "Nako, ganyan naman si Nikkie. Iwanan na nga natin 'yan." Sabi ni Shin tapos lumabas na kami, hinihintay lang pala talaga nila 'ko. Buti na lang dala ko kotse ng tatay ko kaya sakin sila sasabay, kung hindi siguro, baka iniwan na nila ako.

    Binati ko lahat ng ayos nila kasi kung ikukumpara sa mga Christmas party namin noong high school nag-level up na sila.

    Nagtatawanan kaming lahat kasi nagpapatawa si Kat-kat saka si Ganda, panalo sa tandem e, di magkasundo, pero at least hindi kami bored.

    Ala-syete usapan pero ang konti pa lang namin sa venue. "Sayang reservation natin. Ang tagal mo!" Kausap ko sa cellphone si Lucky, walangya talaga kahit kelan napakabagal kumilos.

    "Hanggang ala singko ng umaga 'yan!" Sagot niya sakin.

    Mag-a-alas-otso na noong dumating si Janno. Siya 'yong nag-organize nitong party pero nahuli siya. "Nakita mo kotse ko?" Tapik niya sakin.

    "Ikaw na." Sabi ko sa kanya. Mahangin pa rin talaga kahit kelan.

    Kinamusta ko 'yong iba pa naming kaklase dati, minsan na lang talaga kasi kaming magkita-kita.

    Kumain saka nagpalaro sila ng konti pero mas madami talaga 'yong kwentuhan. Ang saya lang, halos walang pinagbago lahat.

    Maya-maya, dumating na si Sajan, 'yong kaklase naming bumbay. Nakantyawan siyang kuripot kaya naglabas ng pera tapos bumili ng apat na case! "Woooh!" Sigaw naming lahat.

    Hindi lahat umiinom pero lahat namumulutan kaya sabi ni Janno, wag na mamulutan 'yong di umiinom e dahil minsan lang naman 'to napainom silang lahat!

    Ilang tagay lang medyo nahihilo na 'yong iba.

    Ilang ikot pa ulit ng tagay, may nagtutulakan na sa pool. Meron na rin namang sumusuka na ng pasimple sa tabi. Madalas puro babae, pero kami, wala e, malakas.

    Mga alas-dose na 'yata 'yon noong isa-isa na silang nagpapaalam para umuwi, nakita ko sila Anne, hindi sila lasing kasi nagpa-pass sila ng tagay. Tumabi ako sa kanya. "Bored ka na?"

    Tumango siya. "Uwi ka na ba? Wala kaming sasakyan e."

    "Malakas ka sakin e." Nagpaalam ako kila Janno, ayaw pa nga akong pauwiin noong una kaso sinabi ko na ihahatid ko lang sila Anne tapos babalik na lang ako ulit.

    "Bumalik kang hayop ka ha!" Sabi pa niya.

    "Tara na." Aya ko sa kanila.

    "SA WAKAS!" Sabi ni Nikkie. Ex nga pala niya si Lucky. HAHA! Sayang, sana pala pinagtabi ko sila kanina.

    Last kong hinatid si Anne kasi siya 'yong may pinakamalapit na bahay samin. Kumbaga, paikot 'yong nangyaring paghatid. Si Kat-kat muna, tapos si Ganda, si Shin saka si Nikkie, sunod si Krissy, tapos si Janine, saka si Anne.

    "Salamat." Sabi ni Anne noong malapit na kami sa kanila. "Kaya mo pa bang mag-drive? Ang dami niyong nainom kanina, di ba?"

    Gusto ko sana siyang sagutin ng, wala pa 'to sa pag-inom ko dati noong iniwanan mo 'ko pero ayoko.

    Bubuksan na sana niya 'yong pinto kaso hinawakan ko 'yong kamay niya. Tumingin siya sakin nang nakataas kilay pero hindi dahil nagsusungit siya pero dahil nagtatanong siya, parang 'Bakit?'

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon