Chapter VII

451 6 0
                                    




ANG MAHIWAGANG PAPEL NI DREW

    Tss. Kiss ulit? Kiss ng kiss? Ganoon? Haha. Sa bagay, gusto ko rin naman. "Joke lang, ito na oh." Sabi niya sakin. Tss. Kikiss ko na sana siya eh!

    So I read it. It's a list.. of rules.

    First, bawal makipag-date sa iba.
    (Kasi we are EXCLUSIVELY dating)
    Second, bawal pag-usapan ang EXs.
    (magseselos ako)
    Third, wag maging sweet sa opposite sex.
    (Except kay Royd)
    Fourth, kung may naririnig na hindi maganda,
    wag paaapekto, mapag-uusapan naman
    ang bagay-bagay.
    Fifth, NO SECRETS.


              _________                          __________
        Drew                                    Anne

    "Para na sating dalawa 'yan, tapos pirmahan mo 'yan." Tinuro niya sakin 'yong line na may pangalan ko sa ibaba.

    "Anong mangyayari 'pag di sumunod?"

    "Mag-uusap muna syempre kung bakit lumabag sa rules, kung valid 'yong reason edi mapapatawad..."

    "E pag hindi?"

    "Depende sa kasalanan, minor or major. Pag minor, mag-uusapan pa. Pag major, hmm.. Break." Nagulat ako sa sinabi niya. Break? Agad-agad? "E di ba, mabait ka naman Hon?"

    "Opo naman, kaso--"

    "Wala nang kaso, kaso. Deal na 'yan ha?"

    "Hmm. Okay." Ayoko pa kasi pumayag kasi ayoko noong break thingy. Tinignan ko ulit 'yong rules, siya naman tumingin sa watch niya.

    "Hon, uwi na ko ha. Nakakahiya naman na mag-stay pa 'ko dito, mamaya dito pa ko mag-dinner e libre mo na nga lahat ngayon."

    Ano naman? At least magkasama kami pero dahil plastic ako paminsan-minsan, I faked a smile, "Sige po. Salamat sa pagpunta ha."

    "I love you. Text na lang ako pag nasa bahay na ko." Then he kissed me on the cheek.

    I smiled, "Opo, I love you, too. Ingat po."

    Hinatid ko siya hanggang sa pintuan. Noong nakaalis na siya, binasa ko ulit 'yong papel. "Ako pa lang pala 'yong pumirma dito!" Nasabi ko nang malakas. Asar. Feeling ko tuloy unfair. Una, parang ako lang pumayag. Next, gusto ko pa naman siya sanang tanungin kung ilan na naging girlfriend niya at kung kilala ko ba.

    "Shake those thoughts!" Sabi ko sa sarili ko.


KINAUMAGAHAN

    From: HON ^^
    Good morning, hon! Gising ka na ba?
    Reply ka kapag nabasa mo na 'to. :)
    Received: 8:03AM, June 3, Sunday

    Napansin ko 'yong date, halos magtu-two weeks palang pala kami ni Drew pero feeling ko ang tagal na namin. Siguro dahil matagal na kaming friends?

    Me: Good morning, Hon!  Ano pong meron? ^^
    Drew: Alis naman tayo ngayon. Bawi ako. :)
    Me: Sure. Same time? ^^
    Drew: Yeah. Sunduin ulit kita. :)
    Me: Aye, aye, Sir! ^^

    Sa SM North Edsa kami ngayon. Manonood daw kami ng movie tapos kakain. Haha. Parang katulad lang ng ginawa namin kahapon. Dahil babawi raw siya sakin, ako na bahala pumili ng movie, The Avengers o The Lucky One? Ayokong maging unfair, ililibre niya pa ko kaya The Avengers pinili ko. Goodbye, Zac Efron. Geez. I love Nicholas Sparks' stories pa naman!

    Well, ang gwapo lang ni Captain America. ^^

    Dahil gusto ko nang chicken at nang maraming gravy, nasa KFC kami. Wala e, favorite. Haha. Noong nasa pila kami may biglang lumapit na girl kay Drew.

    Maganda siya.

    "Hi, Drew!" Bati niya.

    Tumingin si Drew sa kanya, 'di ko ma-explain pero parang naging stiff siya pero he managed to greet her naman. "Hi, Mariz."

    So, Mariz pala name niya. Sino naman kaya siya? Classmate niya kaya?

    Nasa likod ako ni Drew dahil hindi naman kalakihan katawan niya, at hindi naman ako nagtatago, napansin ako ni Mariz. "Girlfriend mo?" Tanong niya. "Pinagpalit mo na 'ko agad ah."

    Pinagpalit.. which means? Uh-oh.

    "Hon, si Mariz. Mariz, si Joanne." Joanne lang? Wala man lang 'girlfriend ko'? I know he called me 'HON' yet nakukulangan ako e.

    "Joanne? As in Joanne Mateo!?" Hey, pa'no niya ko nakilala?

    "Oo. Bakit?" Si Drew na sumagot para sakin.

    "Wala lang. Ha- nice meeting you." Nag-offer siya ng hand niya, to be polite, I shaked it and I said. "Nice meeting you, too."

    Nagkamustahan sila ni Drew, outcast naman ako. Buti na lang hawak ni Drew kamay ko. Sabi ni Mariz na paalis na rin daw talaga sila kaso nakita niya si Drew kaya lumapit siya, after that umalis na siya saka 'yong apat na girls na kasama niya.

    Gusto ko sanang tanungin si Drew kung 'ano' niya si Mariz. "Hon.."

    "Ex ko siya." Nabasa niya ba 'yong naisip ko.

    Ay, teka. Ano raw? "Ha?"

    "Ex-girlfriend ko siya." Sagot naman niya.

    So talking about awkwardness, pagkatapos naming kumaen, umuwi na lang kami agad. Nagpahatid ako sa bahay nila Nikkie. Na-text ko na sila kanina na magkita kami doon kasi may sasabihin ako.


NIKKIE'S HOUSE

    "So.. Ex niya 'yong Mariz? Maganda ba?" Tanong ni Nikkie sakin. I nodded as a response. Oo, nandito kami sa bahay nila. Katatapos ko lang ikwento sa kanila 'yong nangyari kanina.

    "Anong full name niya?" Tanong naman ni Kat-kat sakin.

    Nag-pout ako. "Hindi ko alam e. Hindi ko kasi matanong si Drew, nakalagay kasi 'yon sa rules namin. Hay nako! I'm going to be mad!"

    Napakunot sila ng noo, nagtanong si Ganda. "Anong rules?"

    Pinaliwanag ko sa kanila 'yong rules na ginawa ni Drew, siya naman talaga gumawa di ba? Noong natapos akong magpaliwanag, naintindihan naman noong iba kaso si Kat-kat saka si Janine, medyo hindi.

    "Bakit kailangan ng rules? Rules, rules! Sus." Sabi ni Janine.

    "Dapat itanong mo sa kanya kung sino 'yang Mariz na 'yan!" Sabi naman ni Kat-kat.

    "Ex nga daw. Nakikinig ka ba?" Sagot ni Kriss sa kanya.

    "Oo nga." Sagot ni Kat-kat. "Pero mahal pa ba niya?"

    That hits me.

    Sa totoo lang kasi talaga, gustong gusto kong itanong sa kanya kung mahal pa ba niya sa Mariz. If hindi na, bakit siya naging stiff noong nakita namin si Mariz? Ano 'yon, gininaw siya? My gulay! Mahal pa ba niya 'yon?!

    "Susubukan naming tanungin si Drew. As long as di ikaw 'yong nagtatanong sa kanya, pwede naman di ba?" Sabi ni Janine.

    I smiled. I love these people! ^^


ONE WEEK LATER

    June 10. Hindi pa kami nagkikita ng DeathBogs, busy kasi sa enrolment except kay Shin. Nasa Korea kasi siya kasama ni Tanda. Swerte talaga no'n! Hindi pa kaya ako nakakasakay ng airplane. Pero pauwi naman na siya kaya may pasalubong 'yon samin.

    Si Drew? Nag-uusap kami sa chat saka sa text, minsan sa landline pero hindi kami nagkikita. Ang gulo raw kasi ng schedule sa bahay nila, madalas walang naiiwan sa bahay kaya siya tuloy lagi. Hindi ko pa rin tuloy siya natatanong.

    Ha? Ayokong pumunta do'n no! I'm still a girl saka yari ako sa Mama ko 'pag nalaman na kami lang dalawa do'n.

    Ang aga kong naging kaso dahil Sunday ngayon at summer pa, wala akong magawa.

    3 DAYS NA LANG, PASUKAN NA NAMAN!

    *beep!*

    From: Dentistry Boy
    Busy ka ba?

    Why? Anong trip nito? Ngayon na lang ulit siya nagparamdam.

    Me: Hindi naman. Bakit?
    DB: Simba tayo.
    Me: Ha?
    DB: Ang hilig mo mag-ha. Ano? Simba tayo?
    Maaga pa. 9AM tayo magsimba para di mainit.
    *no reply*
    DB: Huuuuy!
    Me: SLR. Sige, sige. Simba tayo. Saan tayo
    magkikita o susunduin mo ko?
    DB: Sundo sana kung pwede.
    Me: Oo, simba lang naman e. Right?
    DB: Yeah, sige. Sunduin kita ng quarter to 9AM.
    Me: Okay.

    Okay lang naman na magsimba kami ni DB, di ba? Hindi naman kami magde-date at hindi rin ako sweet sa kanya.

    Wala akong ginagawang masama. Magsisimba lang ako kasama ni DB. Hindi naman sa malungkot ako ngayon, I'm just being nice, okay? At gusto kong magsimba.

    Paano kung malaman ni Drew tapos magalit siya? Why? I know my limits and I'm not flirting. Magpapaliwanag ako sa kanya tutal madali lang naman magsabi nang katotohanan. Siya na rin naman nagsabi na napag-uusapan ang bagay-bagay.


SIMBA

    Dahil early bird pala si DB, 8:30AM pa lang nasa bahay na siya. Buti na lang nakabihis na 'ko. "Sa'n tayo magsisimba?" Palabas na kami ng bahay.

    "Sa malapit lang." Sagot naman niya.

    Sumakay kami ng bus. After an hour and a half bus ride, nag-jeep naman kami, 10 minutes lang yata. No traffic e. Saan ba talaga kami magsisimba, kala ko ba sa malapit lang e nasa Manila na 'ko?

    Nasa Binondo kami guys. Lapit di ba? E Taga-Valenzuela kami. Oo, sa may mahinhin at magandang na konsehala, do'n!

    Tutal wala naman akong gastos, wala akong reklamo.

    "Ayon, doon tayo." Ang swerte namin na nakaupo pa kami, ang daming tao. Malaki kasi 'yong simbahan. Hindi kami nagkikibuan ni DB, magsisimba lang talaga kami.

    Noong Communion na, "Sa labas na tayo agad, hindi na tayo makakaupo saka mahihirap tayo lumabas." Tumango ako.

    Nasa labas na kami, doon sa gilid ng pinto. May napansin akong kilala kong figure, nakasalamin ako kaya sure ako na si Drew 'yon..



    At kasama niya si Mariz.

Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon