Salamat
mahal Kamusta na? Tagal na nating di nag uusap ah
Tanda mo pa ba?
Kung kailan huli nating harutan,kulitan, at tawanan?
Di mo na ba matandaan? Ayos lang di naman na maibabalik ang nakaraan.Pero ang sarap alalahanin no? Yung mga araw na Kay saya, yung mga oras na mag kasama , mga ngiti at tawanan nating dalawa
Hay! Kung maibabalik ko lang sana Sana'y noon ko pa ginawa.Nga pala! Gusto ko lang mag pasalamat
Salamat sa panandaliang saya
Salamat sa Pag sabing "mahal kita" kahit kasinungalingan lang pala.
Salamat sa maikling panahon na pinayagan mong mahalin kita
Salamat sa sakit at sa pagdurog ng puso ko
sinubok lang siguro tayo ng mapaglarong tadhana ....Salamat ah
Salamat sa sakit na dinulot mo sakin dahil ginawa mo Kong malakas
Salamat dahil ngayon ako'y bato na
Salamat dahil malapit ko bang masabi ang katagang
"Kaya ko pala ng wala ka"Hanggang dito nalang
Salamat at palaam