Pinapalaya na kita

65 3 0
                                    

Paano ako muling mag sisimula
Kung sa bawat pagsubok ko na muling mag umpisa
Bigla kang bumabalik dala ang iyong mga matatamis ba salita
Na hindi ko alam kung ito ba'y kasinungalingan o katotohanan na.

Paano ako hihinto,
Kung patuloy mo paring sinasabi na mahal mo ako,
Alam mo bang nahihirapan na ako,
At patuloy na nasasaktan dahil umaasa parin ako sayo.

Kaya kailangang palayain na kita,
Palayain na natin ang isa't isa,
Dahil ang istorya nating dalawa,
Ay matagal mo ng tinapos, diba?

Kaya papalayain na kita,
Kahit masakit hahayaan na kita,
Papalayain na kita,
Kasabay ng luhang kahit kailan hindi mo nakita.

Papalayin na kita,
Hindi dahil may mahal na akong iba,
Kundi dahil ito ang tama,
At para hindi na tayo magkasakitan pa.

At kasabay ng pagpapalaya ko sayo
Papalayain ko na rin ang sarili ko
Mula sa sakit na dinulot mo
Dahil panahon na para mahalin ko naman ang sarili ko.

Pinapalaya na kita,
Dahil ayoko ng masaktan pa,
Kaya Palayain mo na rin sana,
Palayain na natin ang isa't isa.

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon