Tanga ako

61 4 0
                                    


Tanga ako
oo alam kong tanga ako
napakatanga ko dahil naniwala ako sayo
napakatanga ko ng binigyan pa kita ng pagkakataon
para ano? para muling saktan at duruging muli ang puso ko?
pinagbigyan kita dahil akala ko
babalik tayo sa umpisa pero nagkamali ako
dahil nawala na yung taong iniintay ko
yung  dating ikaw na minahal ko
pasensya na, ang tanga ko

ang tanga ko ng muli akong umasa sayo
ang tanga ko na muli akong nag pabilog sayo
Ang tanga ko ng muli akong nagpaloko sa mga sinasabi mo
na ang sabi mo eh mahal mo ako
mahal? pero natitiis mo na 'di ako kausapin
mahal? pero wala ka ng oras sakin
mahal? pero hindi  na kayang iparamdam sakin

jan ka magaling!
sa puro salita mo
na alam mo namang marupok ako
kaya napapaniwala mo ako
pero teka, nagsasawa na ako
napapagod na ako
palagi nalang ganito
oo alam kong tanga ako
pero pasenya gising na ako
ayoko na ng ganito
ayoko na magpakatanga sayo
ayoko ng umasa sa babalik pa sya sa piling ko,
yung dating ikaw na minahal ko at alam kong totoong mahal ako
pero wag ka mag alala gising na ako
hindi na ako mangungulit sa iyo
hindi na ako manghihingi ng oras sayo
hahayaan na kita gaya ng ginagawa mo
mahal kita pero gising na ako
sa kahibangan ko sayo.

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon