Huling kabanata Huling pahina
Nandito na tayo sa hiling bahagi ng ating istorya
Istoryang binuo nating dalawa
Nang muli tayong pagtagpuin ng mapaglarong tandahanaPero sa pagkakataong ito may kasama ka ng iba
Kasama mo na yung taong ngayo'y nagbibigay sayo sa sayaNgumiti ka sakin sabay tanong "kamusta ka na?"
Ngumiti lang ako at sinabing
"masaya ako para sa inyong dalawa"Ang layo ng sagot ko diba?
Isang kasinungalingan kasi pag sinabi kong "ayos lang"
Hahakbang ka na sana----- peroPause! Tigil! Hinto!
Maaari bang itigil muna natin ang pag ikot ng mundo?
Pwede bang kahit saglit dito ka muna sa tabi ko?Halika, samahan mo akong bumalik sa umpisa
Balikan natin ang simula ng istorya
Yung sa simulang simula talaga ah
Yung sa simulang tayo pa ang bida
Yung sa simulang wala pang 'siya'Halika, bumalik tayo sa simula
Sa simula na masaya pa tayong dalawa
Sa simula kung kelan mo sinabing "mahal kita"
"ikaw lang sapat na"
"hindi ako mabubuhay ng wala ka"Hindi mo kaya?
Pero bakit hanggang ngayon buhay kapa!?
Nakukuha mo pa ngang tumawa at mapagpakasaya diba?
At ako? Heto, nananatili sa masakit at masayang mga alaalaPwede bang sa isang istorya
Puro nalang simula?
Pwede bang hindi nalang mag karoon ng wakas?
Pwede bang manatili nalang tayong masaya?Kaso hindi pwede diba?
Ang isang istorya kailangan ng simula at syempre ng wakas
Sa isang istorya hindi pwedeng dalawa lang ang tauhan,
kailangan din ng extraPero sa istorya nating dalawa,
Ang akala ko nung una tayo ang bida
Akala kong ikaw at ako sa simula't wakas
Pero bakit nung pumasok ang isang extra
Tila ba ang lahat ay nag bago naAko ang kasama mo sa simula
Pero bakit sa wakas ay siya na ang kasama?Maaari bang bumalik tayo sa simula?
Sa simulang simula talaga
Yung ikaw at ako ang bida
Yung hindi pa 'siya' umeksena.
