tiwala? isang salita anim na letra,
isang salita na hirap akong ibigay sa iba,
isang salita na minsan ng sinira ng iba,
isang salita na hinihiling mo, tiwala.2 taon na ang lumipas ng sirain ito ng iba,
binigay ko sa kanya ng buo pero kanya lamang itong sinira,
napakahirap ng mag tiwala,
sabi ko dati, hinding hindi na ako muling mag titiwala.pero bakit ng dumating ka,
parang biglang bumalik ang pangamba,
lalo na ng sinabi mong ako'y mag tiwala sana,
magtiwala ako sa sinabi mong "mahal kita".mahal kita? oo alam kong pareho tayo ng nadarama,
mahal kita kaya binigay kong muli ang buo kong tiwala,
dahil umaasa ako na hindi mo ito sisirain gaya ng ginawa nya,
may tiwala ako sayo kasi mahal kita.pero masisisi mo ba ako kung minsa'y isipin ko na baka may mahanap kang iba?
patawarin mo sana kung iniisip ko minsang may iba ka,
mahal tandaan mo na sayo'y buo ang tiwala,
pero sa mga taong nasa paligid mo wala.pasensya kung masyado akong naging selosa,
ayaw ko lang naman makuha ka ng iba,
gusto ko kasi akin ka,
mahal kasi kita kaya pasenya na.