Manliligaw

22 3 0
                                    

Di ba sabi mo ako'y iyong gusto
Sabi mo, kaya mong mag-hintay hanggang sa ako'y um-oo
Pero nang lumipas ang ilang linggo
Natawa nalang ako nang sabihin mong "pasenysa titigil na ako, pwede bang mag kaibigan nalang tayo?"

Di na ako magtataka
Kasi-- teka hindi sa nag mamaganda
Pero pang ilan ka na nga ba?
Ah! Pang lima!

Pang lima sa mga manliligaw
Na iisa ang mga diskarte't galaw
Magsasabi ng mga mabubulaklak na salita
At kapag hindi nahulog sa kanila ay maghahanap ng iba.

Yung ibang alam nilang madaling makuha
At ikaw na unang niligawan--
Ay teka, pang ilan nga ba talaga ako sa kanila?
Yung mga niligawan pero bigla mong sinukuan.

Sa sitwasyong gan'to alam kong hindi lang ako
Kaya girl, kung parehas tayo
Tandaan mo, kung ika'y totoong kanyang gusto
Hindi na siya maghahanap ng ibang madaling mapa-oo

At huwag kang mang-hihinayang
Kung bigla ka nyang sinukuan,
Gayong nanliligaw pa nga lang
Madali na para sa kanya ang ika'y bitawan.

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon