Makalipas ng ilang buwan
Ngayon ang eksaktong araw ng iyong paglisan
Pesta kung kelan ang storya natin ay iyong tinuldukan
Araw kung kelan humantong na tayo sa sukdulan.Naaalala ko pa
Sa mga oras na to, kausap pa kita
Pero ngayon masaya kana sa iba
May iba ng nagbibigay sayo ng saya.Alam mo ba sa twing kaharap kita
Nakikita ko ang kislap sayong mga mata
Pero sa pagkawala ng mga tala
Ay kasabay ng iyong pagkawala.Sa twing kausap kita
Ang boses mo at ang iyong pagtawa
Ang nag silbing musika sa aking mga tainga
Pero sa paglaho ng iyong pagtawa
Kasabay ng pag iiba ko ng genrePara bang nawalan ako ng gana
At ang boses mong nagsilbi kong musika
Ay naging isang masakit na kanta
Kantang may lirikong "mahal paalam na".At sa paglipas ng buwan
Ang kantang akin nang pinapakinggan
Ay ibang iba na sa aking nakasanayan
At sa aking pag iiba alam mong ikaw ang dahilan.Kaya wag kang magtataka
Kung sa muli nating pagkikita
Ang boses mo na nagsilbi kong musika
Ay hindi muling magdudulot pa sakin ng saya.