Ikaw sana, Pag pwede na

29 2 0
                                    

Ilang beses na ‘kong nag tiwala
Pero lagi nila itong sinisira,
Sa tuwing may mag paparamdam
Laging nag tatalo ang puso’t isipan.

Sige uumpisahan kong mag bilang hanggang sampu
Baka sakaling masagot ang mga tanong sa isipan ko
O baka sakaling madinig ang sinisigaw ng puso ko
Kung tutuloy ba o hihinto?

Isa, dalawa, tatlo Ano ba dapat ang sundin ko
Ang isip ba o ang puso?
Ang isip na sumisigaw na “wag!”
O ang puso na sumisigaw na “huwag kang maduwag!”

Apat, lima, anim
Totoo ba ang pinahayag mong damdamin?
Na sa akin kia’y may pag tingin
Oo ramdam ko naman pero bakit sa sarili’y di ko maamin

Pito, walo, siyam
Hanggang kelan magtatanggal ang ‘yong nararamdaman?
Hanggang kalian mo kaya kayang mag hintay?
Kaya mo nga ba akong ipaglaban kay itay?

Huling bilang ay sampu,
Sige aamin ko na ang nararamdaman ko,
Ayoko talaga sanang aminin
Pero eto talaga ang gusto kong sabihin

Dalawang salita,
na may siyam letra
Sa totoo lang, nakakakaba
Pero yun ang totoo, gusto nga talaga kita

Sa wakas nasabi ko na
Oo tama, gusto kita!
Gusto din kita, pero ako’y nangangamba
Na baka hindi pa ito ang tamang oras para sating dalawa.

Pero ang tanong, kaya mo nga bang mag hintay?
Hanggang sa dumating na ang oras na pinakahinihintay
Sana pag dumating na ay ako pa
Kasi ang gusto ko, ikaw sana, pag pwede na

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon