sa wakas! dumating na yung araw na pinakahihintay!
araw Kung saan Hindi na ako malungkot at nalulumbay,
araw na Hindi na ako umaasa at maghihintay
sa wakas!
sa wakas! tapos na
ang mga sakit na nadarama,
ang mga mata'y pagod na,
ubos na rin ang mga luha
sa wakas!
sa wakas! wala na
wala na yung mga kilig tuwing kasama ka,
wala na yung ilang tuwing kausap ka,
yung bilis na tibok ng puso ko tuwing nakikita ka, wala na
sa wakas!
sa wakas! tanggap ko na
Hindi talaga tayo para sa isa't isa,
na hanggang doon nalang talaga tayong dalawa,
na yung mga panaginip ko na hindi na matutupad pa,
sa wakas!
sa wakas! kay tagal kong hinintay yung araw na ito,
yung hindi na ako umaasa na babalikan mo,
yung hindi na ako nagpapakatanga sayo,
at yung hindi na ako nasasaktan ng dahil sayo,
eto na, sa wakas!
salamat sa sakit na dinulot mo,
dahil d'on, ginawa mong bato ang puso ko,
binigyan mo nang aral ang isip ko,
na hindi na muling magtitiwala sa mga taong kagaya mo
sa wakas! ako'y malaya na
malaya na sa sakit na dati'y iniinda,
sa lungkot tuwing maaalala ka,
at sa pangakong hindi na matutupad pa
sa wakas!
hanggang dito nalang,
paalam Na
