Wag mo ng balikan

68 4 0
                                    

'At aalis, mag babalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan'

Yan yung parte ng kanta sa nobela
Na pinapakita kung gaano ka katanga
Na kahit ilang beses ka niyang iwan
Ay handa mo parin siyang balikan.

Mali, wag mo siyang sanayin
Na kada pag-alis niya handa mo parin siya hintayin
Kasi parang sinanay mo rin siya
Na kada pag-alis niya may babalikan pa siya.

Ilang beses ka na bang binalikan
Pero paulit ulit ka rin namang iniiwan
At sa kanyang bawat paglisan
Iiyak ka na naman.

Tama na! tumigil kana!
Wag mo ng balikan pa
Kung patuloy mong hahayaan siya
Na iwan at balikan ka hindi kana makakausad pa.

Tama na yung sakit na pinadama niya
Sa kanyang bawat pag-alis
Wag kanang umasa pa
Sa kanyang pag babalik.

Kasi kahit bumalik pa siya
Hindi niya na maalis ang lamat na dinulot niya
Kahit sabihin pa niya mahal ka parin niya
Wag ka nang umasa pa.

Wag mo ng balikan
Dahil patuloy ka lang masasaktan
Tama na yung pag-asang
Paulit ulit nyang sinayang.

At huwag kang manghihinayang
Sa lahat ng inyong pinagsamahan
Hayaan mo siyang manghinayang
Dahil ika'y kanyang sinayang.

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon