makalipas ng ilang taon,
ang landas natin ay muling pinagtagpo ng panahon.nung magkita tayo,
nakita ko na ang laki na ng pinag bago mo.pati kung pano mo ako tignan,
hindi na kagaya ng nakaraang nakasanayan.nais kitang tanungin kung kamusta ka na,
pero sa nakita ko mukhang ayos ka na.nais ko pa sanang makausap ka,
makalwentuhan man lang.kaso nakita ko sya,
tinatawag kana nya.nagpaalam ka at nilapitan sya,
nakita ko kung paano mo sya ngitian na abot na sa iyong tainga,
ganyang din yung ngiti na dati ay sa akin lang.nakita ko kung gaano ka kasaya habang kausap sya,
nakita ko kung paano ka nya pinapasaya , na dati ay ako lang ang sayo'y nagpapasaya.narinig ko kung paano ka tumawa sa harap nya,
kagaya ng tawa na dati ay sakin mo lang pinapakita at ako lang ang dahilan ng iyong bawat pag tawa.Masaya na akong malamang masaya ka sa piling nya,
Masaya akong makitang masaya kana.Wag kang mag-alala dahil ayos na ako,
Masaya na din ako sa buhay ko ngayon.