9

2.3K 70 0
                                    

Chapter 9

WALA sa sariling nakatingin ako sa labas ng bahay namin—na para bang may inaantay akong dumating o ano? Ang alam ko lang dalawang araw nang may bumabagabag sa aking puso. Simula ng basta na lang akong umalis ng walang paalam at iniwan kong mag-isa si Copper sa Marina's Inn.

Hindi naman ako ganuon kawalang utak. Bilang writer, alam ko kung paano kumilos ang mga tulad ni Copper. Wala siyang sineseryosong mga babae.

Alangan naman na hintayin ko pa siyang magising at ipamukha niya sa akin na isa lang ako sa mga babaeng pinarausan niya. Na balewala lang iyon sa kanya. Hindi iyon kaya ng pride ko na kasing taas ng mga burol sa La Cadi.

Ilang taon kong iningatan ang pagkababae ko. Kahit kay Dustin ay hindi ako natuksong ibigay iyon. Kahit na pinipilit niya ako. Malaki ang pananampalataya ko sa matrimonya ng kasal. Bago man mangyaring kababalaghan sa dalawang tao.

Ngunit sa lalaking katabi ko ay hindi man lang ako nagdalawang isip. Magsisi man ako, umiyak man ako, magwala. Talakan ko man siya na dapat siya ang nagpigil dahil siya ang lalaki. Sa akin lang babalik ang sisi. Kung ako nga na mahina sa tukso hindi nakapagpigil. Paano pa kaya ang lalaking tulad ni Copper na mahilig sa tukso. Magsisihan man kami ay hindi ko na maibabalik. Nakagawa na ako ng kasalanan. All I can do is embraced it all so it would be less painful. Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nag-eemote dito.

Umaasa ba ako na darating si Copper para kausapin ako? Mabilis na ibiniling ko ang ulo ko. Hindi mangyayari ang bagay na iyon.

Paulit-ulit na inuugoy ko ang aking mga binti habang nakaupo ako sa putol na puno—ginawang upuan—na nagsilbing disenyo sa bakuran namin. Pagkatapos ay tititig ako sa kawalan. Normal lang siguro ito sa mga katulad ko. Afteall, I've lost my purity. Pangarap ko pa naman na ibigay iyon sa lalaking mapapangasawa ko. Katulad ng mga heroine ko sa nobelang sinusulat ko. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi na mangyayari iyon.

“Anak, pasensya ka na dahil ilang araw ka na dito pero hindi naman kita makausap. Alam mo naman ang mama mo. Lahat ng gusto niya nasusunod.” pukaw ng isang tinig sa pananahimik ko—it's my father. Naupo siya sa tabi ko.

Hindi man lang ako nag-abalang lingunin siya. Paano niya natitiis ang ugali ng sarili kong mama? Gusto niya ay laging siya ang nasusunod. Kailangang gawin namin ito. Kailangang sundin iyon. Minsan nakakasawa na dahil para kaming mga inutil na walang sariling desisyon. Sunod-sunuran kami sa mga gusto niya. Hindi yata maganda na bumalik ako dito. Dahil mas dumami lang ang gumugulo sa isipan ko.

“'Pa, bakit hanggang ngayon? Mahal mo pa rin si Mama? Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging bossy niya? Alam mo 'yon…?”

“'Yang ugali ng mama mong 'yan... Kasama ko 'yan sa minahal sa kanya. Hindi ko naman siya pwedeng ayawan dahil may isa sa ugali niya ang hindi maganda.”

That words caught my attention. I turned my head to face him.

“Kung hindi ko siya minahal. Sino ang magmamahal sa kanya? Kung hindi kami nagkatuluyan... magkakaroon ba kami ng apat na  ke-gwapo at ke-gagandang mga anak? Hindi ba hindi?”

I nodded. At sinakyan ang mga sinasabi ng tatay ko. Bahagyang gumaan ang loob ko dahil sa pag-uusap namin. Hindi pala totoo ang iniisip ko kay Papa na isa siyang takusa. I really admired him for loving my mom unconditionally.

“Salamat, 'Pa... kasi minahal mo pa din si Mama kahit na masama ang ugali niya.” we both laughed. Hinila niya ako palapit sa katawan niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Dinampian niya ng halik ang sentido ko. Katulad ng paglalambing noong bata pa ako.

Ako kaya? Magagawa ko kayang magmahal din ng taong kahit na madami siyang mga mali? Sumagi sa isip ko na sana nagmana ako sa tatay ko na hindi mapanghusga. Naiwan sa akin ang mga salitang iyon. Pagtayo niya ay tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng magregister ang unknown number. Kahit na hindi ko naman ugaling sumagot ng unknown caller. I swipe the answer button.

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon