21

1.7K 39 0
                                    

NAGKAROON kami ng hindi inaasahang bisita. Hindi ko malaman kung magtatago ba ako o tatakbo. Ngunit huli na dahil nakita na ako ni Mrs. Gilda Arrieta, ang nanay ng asawa ko.

“Pasok po kayo,” nahihiyang alok ko.

Hindi ako nakatakas sa mapanuri niyang tingin. Hinagod niya ako ng kanyang mala-tsokolateng mga mata mula ulo hanggang paa, pabalik. Nanatiling blanko ang ekpresyon ko. Kahit nabastusan ako sa ginawa niya. Wala akong karapatan na salungatin iyon. Matanda ang kaharap ko at iginagalang ko siya. Bukod pa sa ina siya ng asawa ko. Kumunot ang noo ng ginang at tila inaaalala kung saan kami nagkita. May mga pagkakataon na ilang beses na kaming nagkita at nagkasama. Ngunit ilag ako sa kanya dahil may pagkamasungit.

“You looked familiar. Oh, I remember. Ikaw iyong anak ng driver ng asawa ko, di ba? Balita ko ay dito ka nga sa Maynila nagtatrabaho. Dito ka pala pumasok na kasambahay.”

“P-po?”

“Sige na tawagin mo na ang Sir mo. Tell him that I'm here.”


“S-sir?”

Pinukol niya ako ng maawtoridad na tingin habang nakataas ang nasa ayos niyang kilay. Tsaka nagwika nang, “Si Copper. You are his maid, right?”


“Maid?” naguguluhan pag-ulit ko sa sinabi ng ginang.

She rolled her eyes, “Oh, never mind.” naiiritang sabi niya na tila nauubusan ng pasensiya. Nagmukha pa tuloy akong walang utak nang dahil sa inasal ko. Kasalanan ko ba na wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya. Tumalikod siya at dumiretso sa bungad ng pinto ng kwarto. “Copper, anak. Mama's here.”


Hindi pa rin ako nakakarecover sa pagkashock. Napagkamalan akong maid ng nanay ni Copper. Nanlalaki ang mga matang nagbuga ako ng hangin. Kung hindi lang ako makikita ni Mrs. Arrieta. Malamang na napaypay ko na ang mukha ko. Para lang kumalma ako.

“Anak, ano ba naman 'tong nakuha mong kasambahay. Simpleng instruction ko hindi maintindihan. But anyway okay na din 'yon dahil kababayan naten. At least hindi ako mag-aalala.” salubong na buga ng ginang sa kanyang anak.

Nakakunot ang noo ni Copper, na tila walang maintindihan sa sinasabi ng kanyang ina. “Sino pong kasambahay?”

“Si Sierra, 'yong anak ng driver ng Papa mo, si Ador.”

Tahimik na sinalubong ko lang ang tingin ni Copper. Wala siyang sinabi na kahit na ano. Hindi man lang niya itinama ang maling akala nito.


“Kumusta po ba ang byahe n'yo?” pag-iiba ng usapan na tanong ng binata.


“Okay naman, hijo. Nag-suggest ako sa Papa mo na bumili na lang ng chopper para mas mapabilis ang byahe ko. Ang layo naman kasi ng Maynila.” wala namang naging tugon doon si Copper. Sa halip binaling ng matandang babae ang tingin sa akin. “Stay-in ka ba dito?”


Nangimi pa ako kung sasagot ako. Nilingon ko si Copper pero nakatingin lang siya sa kanyang pagkain. Kaya naman ako na ang sumagot sa tanong nito. Pinilit kong wag mahaluan ng sarkasmo ang boses ko, dala ng pagkainis ko. “Hindi po, bumabalik lang ako dito kapag araw na maglilinis ako.” sagot ko habang hindi ko binibitiw ang tingin kay Copper.


“Oh, I see.”

Pagkatapos kung magluto nang pananghalian ay naghain na ako. Sisibat na sana ako, dahil hindi naman ako welcome sa paniningin ni Mrs. Arrieta. Ngunit dahil sa utos ni Copper napilitan akong sumabay sa kanilang mag-ina. Matagal-tagal ang pagtitiis ko nito.


“Ma, magtatagal ba kayo, dito?”


“Hindi na. Kailangan ko ding bumalik mamayang hapon. May mga gagawin ako sa hacienda.”

Nagpatuloy ang pag-uusap nilang mag-ina. Ngunit wala akong ibang maintindihan dahil puro tungkol sa negosyo ang kanilang pinag-uusapan. Idagdag pa na nag-iinit ang dugo ko kay Copper. Hind man lang itinama ang maling akala ng ginang. Ang ganda ko kaya para maging maid.


“Hijo, kailan mo ba kami bibigyan ng apo ng Papa mo?” walang prenong tanong ng matandang babae.


Sabay kaming napaubo ni Copper.



“Sierra,uminom ka muna…” inabot ko ang baso na binigay na binigay ni Copper.

“Sierra, ano bang nilagay mo sa niluto mo? Kanina ka pa nasasamid. Tapos ngayon naman sabay pa kayo nitong anak ko. Are you okay, son?” she looked so worried. Hindi pa ito nakuntento at tumayo ang ginang. Kasunod ay ang paglanding ng palad nito sa likod ng anak. Nagkibit-balikat lang ako ng pukulin niya ako ng masamang tingin.


Kasalanan nito kaya kung bakit kami halos mabilaukan na. Ano ang pumasok sa utak niya at nabulalas niya ang topic na iyon? Heaven and earth, baby pa talaga.

“I want a grandson, Copper. O kahit granddaughter na lang. Hindi na kami bumabata ng Papa mo. As soon as possible, we want to see to be happy.” mayamaya ay nagdrama na naman ito.

Nanunuring mga tingin ang tinapon sa akin ng ginang. Tsaka niya binalingan ang anak. “Wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon? Sabi ko naman kasi Papa mo na wag na munang ipamahala sa iyo ang Rice Mill. Pati personal mong buhay hindi mo na maasikaso.”



“Ma, hindi pa ako handa.”


“Mabuti pa siguro pati 'yang basketball team mo ay bitawan mo na—”


“I can't!”


“Paano kung hindi ka na makahanap ng mapapangasawa?”

Nanatiling tahimik na naman si Copper. Gustong-gusto ko na siyang batukan para lang sabihin ang totoo. Kulang na lang ay ipagsigawan ko na, ang totoo.


“Ihanap mo nga ng girlfriend 'tong anak ko, Sierra. Mabuti ka pa yata may nobyo na.” mayamaya ay baling nito sa akin.


Lumunok muna ako bago sumagot. Pasimple akong sumulyap kay Copper, na katabi ko. “Meron na po,”



Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtatagis ng bagang ng binata. Wala akong ginagawang masama. Binalewala ko na lamang iyon.



🏀🏀🏀
©froggybean

-----

Konting kembot na lang... Malapit ng matapos. Kapit lang.

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon