19

1.9K 42 3
                                    

FIRST step para maging sucessful ang pagsasama namin. Dinaan namin sa guessing game ang mga bagay na gusto namin. Magbibigay ako ng topic. At sabay naming huhulaan ang gusto ng isa't-isa.

“Dog,” sabi ko.

Pareho kaming nakangiti habang nagsusulat sa kanya-kanya naming hawak na notebook. Nang kapwa na kami tapos nagkatinginan pa kami ng ilang saglit. Just for the suspense. In a count of three, sabay namin pinakita ang mga nakasulat. Awtomatikong napakunot ang noo ko. Hindi ko nagustuhan ang sinulat niya.

“Askal?! Why did you wrote that?” napipikon na naman na sagot ko.

Samantalang ako ay blanko ang papel. Wala naman kasi akong nakita na kahit na anong alaga sa bahay niya. So, sinunod ko ang nasa isip ko. Ngunit mukhang hindi siya seryoso sa ginagawa namin. Paano namin malalaman ang gusto ng isa't-isa? Kung palagi siyang naglalaro sa sagot niya. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga.

Mukhang nilalaro lang niya ang ginagawa namin. Paano ko makilala ang isang Copper Arrieta? Kung ganito palagi ang asal niya. Nakipagtitigan siya sa akin habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hangang sa nauwi ang ‘getting-to-know-each-other’ namin sa kulitan. Hindi pa ako nakuntento at hinampas ko siya sa braso.

Sandaling dumaan ang mahabang katahimikan. We both just staring at each others. Minsan pa nga ay mapapangiti pa kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung nahihiya din siyang katulad ko. Hindi naman kasi maiiwasan na may mga moments na ganito. Awkwardness.

“I love you,” suddenly he whispered. And next to that everything went blurred to me.

“GOOD morning, my beautiful wife.” matamis na pagbati ang sumalubong sa aking pandinig.

Pinigilan ko ang mapangiti ng dulot ng kilig na nararamdaman ko. Marahan kong nakagata ang labi ko para itago ang saya. “G-good morning,” balik na pagbati habang pinilit kong maging kaswal ang tinig ko.

“Wag mo ng itago ang kilig mo.” aniya na may halong biro. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na siya. Lalo lang nanginig ang tuhod ko sa kaalamang nasa malapit ko lang siya. Nakakulong ako sa kanyang mga bisig habang nakatuon ang mga palad niya sa dingding na kinasasandalan ko.

Ilang sandali akong nawala sa wisyo. Nanatili akong nakamasid sa mga labi niyang tila nag-aanyaya. He licked his lips and it's tempting on my side. Dahan-dahan akong napalunok. May maliit na tinig sa bahagi ng utak ko ang sumasaway sa akin. At nagsasabing tigilan ko ang kabibahangan ko. Ngunit hindi ko naman mapigilan. He looks delicious hot. Unti-unting namuo ang pawis sa noo ko. Kailan ka pa naging malandi, oh Sierra?

Muling natuon ang paningin ko sa mga labi ni Copper na bigla namang naging ubod ng pula sa mga mata ko. At mukhang matamis.

“My wife, you looked so tempted. You're free to suck and taste my lips. No one will stop you, iyong-iyo ang mga 'yan.” his left corner lips twitched. Even his voice was damn tempting too.

“C'mon, I'm waiting...”

“I-In your dreams.” nagawa kong isagot.

Marahan kong inilapat ang mga palad ko sa kanyang dibdib. Upang itulak sana siya ngunit bigla na naman akong natigilan. Kung hindi lang sa nanunuya niyang hitsura hindi ako matatauhan muli. Natuloy ang balak ko.

“Hey, bakit mo ako itulak?” nakangiting angal niya.

Inis na hinarap ko siya. “Nauuhaw ako!” singhal ko at walang pasubali na tinalikuran siya.

Dinig ko pa ang halakhak niya habang naglalakad ako papunta sa kusina. Lalong kumulo ang dugo ko, sa inis. Hindi ako ang unang bibigay. Hindi ko pa nga siya napapaamin ng todo-todo. Malay ko ba kung hindi naman siya sinsero sa mga salita niya. Kilala ko ang mga tipo niya. Sigurado ako na may itinatago siyang babae. Technically, hindi pa rin ako naniniwala na mahal niya ako.

Gusto kong malaman na hindi lang siya napipilitan. Na hindi ako isang pagkakamali. At hindi lang ako basta isang responsibilidad na dapat panagutan.

AS A TRULY couple, we dated a bunch of times. We watched movie, we hang-outs in malls. We attended a mass and pray together. Laugh and walked in park,holding hands while pa-sway-sway pa. Paminsan-minsan ay hahalikan niya ang likod ng palad ko. At ngiti-ngiti na akala mo teenager na inlove. Yes, sinubukan naming gayahin 'yung lahat.

Inaamin ko na kahit sa panginip hindi ko akalain na mararanasan ko ang mga ganitong bagay. Nakakahiya na nakakafullfill. Dahil nagawa mong ipakita sa publiko ang love affection mo. Dati sinusulat ko lang ito sa mga nobela ko. At hindi ko hinahayaan na mangyari ito sa amin ng past boyfriend ko. There's always a limitation and reservation. But with him I am being a different person. May tinatago pala akong kalandian sa katawan.

“OH,” sabay abot ni Lala ng kanyang cellphone.

Sinulyapan ko lang ang picture na nakasambulat sa maliwanag at maliit na screen. Wala akong oras na pag-aksayahan ng panahon iyon.

Hudyat naman iyon para tumalak si Lala. “Akala ko ba tago ang relasyon niyo ni Copper, my loves? Bakit may ebidensya? Alam mo kung ako sa'yo sabihin mo na sa pamilya mo ang lahat. Ipagtapat mo na may asawa ka na. At si Copper, my loves 'yon. Kesa naman sa social media pa nila malaman. May dagdag na, pangit pang pakinggan. Sasama lang ang loob ng mga matatanda. Hoy, Sierra nakikinig ka ba?”

Patuloy ako sa pambabalewala sa kanya. “Huh?”

“Ang sabi ko nag-out na ba kayo?”

“Hindi pa,”

“So, bakit nga meron nito?”

Tumingin muna ako sa kanya. Halos hindi maipinta ang mukha niya. Nag-iwas ako ng tingin at, “Wala lang 'yan.”

“Huh?! Anong wala? Hello? Friend hindi ito wala lang.”

“Nakatalikod naman ang mga kuha ko d'yan.”

“Paano kung may kita ang mukha mo. At sinadyang hindi i-up—”

I rolled my eyes, “O.A. huh!”

“Hindi palaging nandyan si coach para mapakiuspan ang photographer.”

Last incident, hinarang ni Coach ang mga kuha sa locker room ng players. Kaya hindi nailathala ang paghalik ko sa asawa ko. At walang tsismis na kumalat.

“Baka isa sa mga fans ni Copper ang uploader. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Ayokong sa iba pa malaman ng pamilya mo ang balita at masira kayo.”

“Hindi mangyayari iyon, okay?” pilit kong pinaunawa sa kanya.

Nagpakawala ng pekeng tawa si Lala. “Walang sekreto na hindi nabubunyag, friend nagsukatan kami ng tingin. “Kung sekreto nga ba talaga ang naging pag-aasawa mo.”

Ginatihan ko ang ngiti niya. “We’ll come to that phase. Sa ngayon inaayos ko muna ang pagsasama namin ni Copper.”

Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya. “Nagsimula ba kayo sa mali?” nagtatakang tanong niya.

Siguro naman ay kayang takpan shades ng lipstick ko ang pamumutla ko. “H-hindi… I mean, ngayon pa lang ako nag-ienjoy sa pagiging married life. G-gusto kong tuloy-tuloy na yung happiness kapag nagtapat na kami sa parents namin.”  I tried not to sound nervous as could as I can.

Hindi ko gustong magduda siya sa kung ano ang totoo. Hindi ko rin gusto na maglihim sa kanya. Ngunit iyon ang lumalabas. Wala akong nagawa kung hindi ang manalangin na sana ay wag makahalata ang kaibigan ko. Tiyak na magdadam din siya kapag nagkaganon.

“Ikaw ang bahala,”

Putol-putol at mahina ang lumabas na tawa sa bibig ko. “Salamat sa pag-aalala. By the way, kelan ba nateng pag-uusapan ang collaboration naten?” pag-iiba ko ng usapan. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyang nauwi sa nobela ang daloy ng usapan naming dalawa.

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon