22

1.8K 37 2
                                    

“TINGIN mo ba gustong-gustong ba talaga ako ni Copper, noong una pa lang? Lately kasi parang napapansin ko na natural lang ang kilos niya. Walang sign na inlababo siya sa akin.” naibulalas kong tanong sa kasama kong si Lala. Hindi ko na kasi kayang sarilinin ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko.

Katatapos lang naming magpasa ng manuscript. Himala pa nga na nakakapagsulat ako at may pumapasok na ideya sa utak ko. Patung-patong ang iniisip ko. Kahit naman hindi kami in good terms ni Copper, abala pa rin ako sa pag-aasikaso sa mga kailangan niya. Kailangan ko kasing panindigan ang mga sinabi ko sa kanya. Magiging asawa niya ako hindi lang basta sa papel.

Sandaling natigilan ang babae sa harapan ko. May kung ilang minuto niya talaga akong tinitigan. “Tingin mo papakasalan ka niya agad-agad kung hindi ka niya mahal?” balik-tanong niya. “Eh, hindi ka naman kagandahan.”

Bitter pa rin talaga 'tong kaibigan ko, noh!

“Teka nga, bakit ka ba nagtatanong ng ganyan?”

Hindi ko alam kung ipapahayag ko ba ang saloobin ko. Ngunit sa huli mas pinili ko na manatiling tikom ang aking bibig. “Basta… sagutin mo na lang kasi…”

“Baliw 'to!” Matapos niya akong laitin ay itinuloy niya ang kanyang sagot sa tanong ko. “Minsan naman talaga feeling mo nagiging matabang na ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Wala na silang sweetness, ganun. Pero ang totoo nagiging kampante lang sila na hindi na sila magkakahiwalay dahil sigurado silang hindi nila iiwan ang isa't-isa. Pero hindi ibig sabihin nuon hindi na nila mahal ang isa't-isa. Gets mo?”

Tumango ako kahit wala naman talagang pumasok sa utak ko. Hindi ko maintindihan ang lahat.

“Lagi na lang na lang kayong nagkakatampuhan ngayon. Ayusin n'yo 'yan, huh? Naku…”

Paano kung wala ng pag-asa? Alam kong sa simula pa lang malabo na ang pagsasama namin. At kahit kailan yata ay hindi na magiging malinaw. Nasa bingit na nga ang marriage life ko.



HAWAK ko ang dibdib ko ng makarinig ng pagsabog. Sumalubong din sa akin ang mga confetti. Ano ba 'yan? May balak ba siyang matapos ko ang araw ng birthday ko ng maaga?

Ngiting-ngiti sa harapan ko si Lala at, “Surprise!”

Sa halip na masorpresa ay nanginginig ang mga tuhod ko. “Anong meron?” tanong ko.

Namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. “Seryoso?”

Sa halip na sagutin niya ako. “HAPPY BIRTHDAY, Sierra!” anang matinis niya.

Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Habang ako naman ay walang buhay na nakamata lang sa kanya. Pati ba naman birthday ko nakalimutan ko na. Malaki talaga ang epekto sa akin ang maling pagsasama namin ni Copper.



Pinilit kong suklian ang kasiyahang nararamdaman niya. Ngumiti ako. “Salamat,”

Lukot ang mukhang humarap siya sa akin. “Mukhang hindi naman...” aniya at bumalik sa pag-aalis ng balot ng cake na dala niya.

Gusto kong mapabunghalit ng iyak. Sabay umusal ng hiling na sana ay nasa tabi ko ang pamilya ko. Ngunit mas lamang ang kagustuhan ko nandito ngayon si Copper. Siya ang bumabati at nagpapakaabala sa paghahanda. Isang masayang tagpo ang nakikita ko ngayon sa piling niya. Kaagad iyong naglaho nang bumulaga ang mukha ni Lala.

“May kasama nga pala ako. Teka, tatawagin ko lang…” at mabilis siyang naglaho sa paningin ko.

Nabuhayan ako ng pag-asa. Hindi kaya si—

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon